THIRD PERSON POV
NAKAKALOKO ang ngiting ibinigay ng hari ng Dark Kingdom sa dyosang si Áplistos dahil sa maganda nitong ibinalita.
Ipinaaalam sa kaniya ng dyosa ang tungkol sa kahinaan nito patungkol sa pag sasama-sama ng mga bilog na buwan, kaya naman ay agad itong nakaisip ng magandang plano para sa kaniyang pansariling kagustuhan.
"Ipadala ninyo ang buong hukbo at tayo ay susugod ngayong gabi," agad nitong utos sa kaniyang hineral.
"Masusunod! kamahalan," agad nitong tugon at sumaludo pa bago umalis.
‘Tingnan lamang natin kung may ilalaban kapa, kamahalan...ʼ
Isang nakakalokong ngiti ang hindi mabitawan ng dalawa dahil sa pag kakaalam na sila ay mananalo na sa pagkakataong ito.
Dahil si Áplistos ang dyosa ng kasakiman ay may kakayahan siyang tanggalan ng koneksyon ang kaniyang kapwa dyosa para malaman ang mga masasamang pangyayaring paparating ngunit hindi rin ito naging madali para sa kaniya kaya naman siya'y nag handa ng napaka tagal na panahon para lamang magawa ang kaniyang pinaka p-plano.
Tinungo ng buong hukbong sandatahan ng mga taga Dark Kingdom kasama ang kanilang haring si Hallious ang Cristal Kingdom habang ang dyosang Áplistos naman ay napapangiti nalang dahil sa pangyayaring maaaring maganap maya-maya lamang.
SA KABILANG banda ay abala ang mga royalties na mapatahan ang pag tangis ang Prinsesang si Sapphire matapos ubusin ng mga ito ang kaniyang homemade brownies.
"NO! NO! I DON'T LIKE IT! HUHUHU!!! I WANT MY BROWNIES BACK!!!!!!!" nag lulumpasay na ito sa sahig nang maabutan sila ng Inang Reyna nitong si Zynlee.
"Anong kaganapan ang nangyayari?" agad nitong tanong na madaling-madali sa pag lalakad.
Agad nitong nilapitan ang ‘anakʼ saka kunotnuong nilingon ang mga dalaga't binata.
"Bakit hindi kayo makasagot!? Lance? Cybee? Ano't nag kaganito ang inyong bunsong kapatid?" tanong ng ina ngunit nananatiling tikom ang kanilang bibig dahil alam nila ang mangyayar kapag nalaman ng ina ng ginawa nila
"MOMMY!!!!" tawag nito sa ina, "Mommy!!! They do it again!!! They eat my food!!!" iyak na sumbong ng dalaga sa kaniyang Ina.
Kung matatandaan ay dati naring kinain ng isa sa mga royalties ang pagkaing kaniyang niluto sa kapanahunan ng kaniyang pag iiba ng ugali.
Niyakap siya ng ina saka inumpisahang patahinin ngunit hindi gaya ng mga nakaraang pag sasama ng mga bilog na buwan ngayon ay mas tumindi ang epekto nito sa dalaga.
"S-Sapphire, tahan na gagawa nalang ulit tayo," pangungumbinsi ng reyna.
Ngunit sa hindi inaasahan ay itinapat ng dalaga ang kaniyang hintuturo sa dalawa niyang nakatatandang kapatid saka naglabas ng kapangyarihan at ipinatama na dalawa. Mabuti nalang at naando'n ang guardiya ng dalaga at agad na nasagip ang dalawa kaya naman ay hindi sila natamaan ngunit nasira naman ang bandang sala ng palasyo.
‘Naku, hindi ito maganda..ʼ nasabi na lamang ng reyna sa kaniyang isipan.
"Mommy! Ayaw na sa kanila ni Pirha," aning dalaga habang naka sub-sub ang mukha sa leeg ng kaniyang ina
"Oo baby, hindi natin SILA bati," pag papatahan ng ina habang pinanlalakihan ng mata ang dalawang anak na lalaki na nasa tabi ng Royal Guard ni Sapphire.
Tinulungan ng Reyna si Sapphire na tumayo at muling nilingon ang mga Royalties ng may babalang tinging nag sasabi na ‘Mag uusap pa tayoʼ na ikinalunok ng laway ng mga ito.
Mapayapang iniwan ng Reyna si Sapphire na nakatulog dahil sa pagod sa kaniyang pag iyak. Ngayon ang mga Royalties naman ang kailangan niyang harapin.
"Ina!"

BINABASA MO ANG
The Reincarnation
FantasíaSi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...