Chapter 2

370 8 2
                                    

Chapter 2: Mundane

Robin's POV

Something caught my attention causing me to abruptly stopped while walking pass the hallway. Napaatras ako upang balikan ang bagay na napansin. Sa board kung saan makikita ang organigram ng research team namin ay noticeable ang pangalang Praegem, Robin Aster F.

Agaw-pansin sa puting bulletin board ang nakadikit na red sticky note sa tabi ng pangalan ko na tinakpan pa ang mukha ko sa picture.

always LATE


'Yan ang nakasulat sa sticky note. Kapansin ang pagkakaiba ng panulat na ginamit at penmanship sa dalawang salita.Yung word na LATE na kitang-kita dahil marker ang ipinansulat, I can tell it was written by Paulo - Actually, Dr. Paulo dapat kasi he's a Marine Veterinarian, pero ayoko siyang i-address sa title niya.

Yung mas maliit na word na ALWAYS na may pagka-cursive at halatang idinagdag lang dahil nasa itaas ito ng letter L sa LATE, halos di pa makita kasi manipis na tip ng ballpoint pen ang gamit, sigurado akong si Galen. Sa tagal naming magkakilala pati sulat nito kilala ko. Oceanographer siya sa team research. Dahil din sa kanya kaya ako nakapasok sa Research Institute and Conservatory na 'to bilang Marine Biologist. Yeah, connection.

Napabuga ako ng hangin matapos tanggalin ang idinikit na sticky note saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa desk ko. Dito ko napansin na dalawa pala ang sticky note.

SAGOT MO MERYENDA NAMIN


–Ang nakasulat naman sa pangalawang note. I rolled my eyes as I crumple the piece of paper. Pagkarating sa desk ay inihagis ko sa aking basurahan ang nilakumos na papel. Missed!

Yumuko ako para pulutin ang hindi na-shoot na papel bago sana maupo nang may nakakuha na naman ng atensyon ko. A pen lying alone under my table. Matapos i-shoot nang nakaluhod ang basura ay sunod naman akong gumapang papuntang silong ng mesa para abutin ang nakitang pen. Nasa pinakasulok ito ng mesa kaya kailangan ko talagang sumuot sa silong para lang makuha ang bagay na hindi ko alam kung bakit pinag-aaksayahan ko pa ng panahon sa dinami-dami ng panulat sa penholder ko at sa bulsa ng labcoat ko.

"Gotcha." Sambit ko sa hangin pagkakuha ng pen. At hindi ko alam bakit kinakausap ko pati bagay na wala namang buhay.

Palabas na 'ko nang biglang–

"Miss Robin?"

"Aww." Daing ko nang mauntog sa mesa.

"O-okay lang kayo Miss– M-ma'am? Doc? Ay! Ano pong itatawag ko sa inyo?"

"I'm sorry? Who are you?" Tanong ko matapos makatayo, sapu-sapo ang parte ng ulo kong nauntog.

"Thomasin. Thomasin Grimm from Phil Science and Technology School."

"Ah." Napatango-tango na lang ako kahit walang idea sa ibinigay na information. Based sa suot niyang white collared-shirt na may logo ng sinabi niyang organization or school with a capitalized print of Philippine Department of Science and Technology on top of the logo, para siyang trainee pero kung pagbabasehan naman ang itsura ay mukhang teenager. Ranges fifteen to seventeen I guess. "Are you here for the field trip?" Umiling siya. "Volunteer?"

"Ay hindi po. High School Intern po ako." Hindi ko inaasahan ang tuwid niyang tagalog gaya ko. Fair skin, ocean blue eyes, brunette hair, small Grecian nose. Judging by the looks of her, I thought she was an exchange student or a foreign volunteer from somewhere in western."

"Okay..." Kahit wala pa ring nagsi-sink-in sa utak ko. "Dito?"

"Yes po. Ang advice po kasi ng admin namin, mas preferred po ng mga universities ang government-funded institutions or company na makapagbibigay ng internship certificate sa'min. Marine Scientist po kasi ang target course ni Alfonso Tomas sa college kaya sa isang marine research institute po kami mag-iintern. At dito nga po yung pinaka-malapit na nahanap ng school namin kaya po dito kami mag-iintern." Walang patid niyang paliwanag. I wonder how she catch her breath. Sobrang bilis niyang magsalita. Pwede na siyang maging rapper.

Twin Flame (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon