Chapter 1

13.8K 279 64
                                    

Chapter 1: The Reason

KIARA's POV

Mom, I'm not the daughter you used to know.

I don't want to pursue medicine or face August and I's wedding. That's your thing, not mine.

That girl I've been calling my friend is actually the one I love.

Don't look for me. I need to find myself and if I fail, at least I am the one to blame.

Wala ng tupi-tupi, matapos kong isulat ang lahat ng gusto kong sabihin sa magaling kong ina ay basta ko na lang iniwan ang papel sa bedside table at pinatungan ng alarm clock saka na nilisan ang bahay dala ang mga mahahalagang gamit ko.

Ang bahay na nilisan ko ay ang sarili kong pamamahay. Sa laki ay di mo aakalaing iisang tao lang naman ang nakapirmi kasama ang ilang mga tauhang papalit-palit. Mansyon sa tingin ng iba pero kulungan para sa'kin.

Noon pa man ay ibinukod -o maiging sabihing itinago- ako ng nanay ko kung sino mang nakakakilala sa kanya. Samantalang siya ay kasama ang asawa't anak na naninirahan sa kanilang pamamahay. Oo, may kapatid ako. Si Herald. Siya ang panganay ni mommy. Pero hindi ko ama ang ama nito. Napag-alaman ko iyon dahil sa habang nagkakaedad noon at lalong umaakyat sa'kin ang curiosity kaya sa sariling pang-iimbestiga ay nalaman ko ang ilang mga bagay na pilit itinatago sa'kin (at sa ibang tao) ng sarili kong ina.

Sa twenty-one years of existence ko, feeling ko naging alienated ako sa pamilya ko. Nasa early adult age na 'ko pero hindi pa rin malinaw ang lahat sa'kin. Kung bakit hanggang ngayon, tinatago at hindi pa rin ako pinapakilala ng mom ko sa pamilya niya na sa pagkakaalam ko ay pamilya ko rin naman, maliban ang asawa niya. Kung sino nga ba ang talagang ama ko. At kung bakit napaka-manipulative sa'kin ng mom ko. Kung bakit niya ipinagpipilit sa'kin ang pagdodoktor. Pati sa pagpili ng mapapangasawa, siya na mismo ang umaasikaso no'n para sa'kin. Hindi na nga niya 'ko binigyan ng karapatan na makilala ang kapatid ko, malayang gumawa ng sariling kagustuhan at magpakilala na siya ang ina ko, pati ba naman sa pagpili ng magiging panghabang-buhay na makakasama, wala pa rin akong karapatan?

Gano'n ka-manipulative sa'kin ang mom ko. Lahat ng plano niya sa'kin ay dapat mangyari. Nariyan ang pag-enroll niya sa'kin sa iba't ibang class lesson tuwing summer noong bata ako; piano lesson, guitar lesson, voice lesson, painting lesson, swimming lesson, ballet class at pati sa martial arts class. Wala rin akong choice kundi sundin siya. Kasi kahit ayoko, gagawa at gagawa siya ng paraan para gawin ko kung anuman ang gusto niya.

Akala ng iba maswerte ako dahil daw mapera. Akala rin nilang multi-talented at skillful. Di lang nila alam na dahil lang ito sa sapilitang pangmamaniobra sa'kin ng sarili kong ina. Ginawa at sinunod ko naman kasi akala ko noon kapag naging magaling ako sa maraming bagay, ipapakilala na niya 'ko sa lahat. Pero nanatili lang ang lahat sa dati. Nakatira pa rin ako sa bahay kung saan malayo sa pamilya niya. Dinadalaw lang niya 'ko kung meron siyang ipapagawa gaya ng pag-enroll sa kung anumang lesson. Noong elementary nga hindi ko nasubukan ang magkaroon ng classmate kasi homeschooled ako. Nagmakaawa pa 'ko noon sa kanya na sana huwag naman niyang ipagkait sa'kin ang pag-enroll sa aktwal na eskwelahan pagdating ko ng high school dahil gusto kong maranasan ang sinasabi nilang high school life. Ginawa naman niya pero may kondisyon. Mas lalo niya 'kong inilayo at pinag-aral sa isang boarding high school. Isang eskwelahan na parang semenaryo kasi doon namamalagi ang mga estudyante sa buong taon ng klase maliban nalang sa weekend at holiday.

~~~~~~~~~

"What?!" Bulalas ni Sabrina matapos kong sabihin sa kanya na naglayas ako. "Are you out of your mind?"

Twin Flame (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon