Chapter 8

4.4K 138 9
                                    

Chapter 8: Beneath The Surface

KIARA's POV

Matapos naming pumatay ng oras sa mall ay naisipan bigla ni Sid ang mag-dagat at para na rin ma-meet ko raw ang mga other friends nitong naroon. Sa pupuntahan kasi naming dagat ay do'n din mismo ang workplace ng mga kaibigang sinasabi nito. Hindi nito sinabi kung sino ang mga kaibigang kikitain. Hindi na rin ako nagtanong pa. Bukod sa hindi ako interesado ay sigurado akong makikilala ko rin naman ang mga ito maya-maya lang. Go with the flow na lang kami ni Sydney.

Mahigit isang oras ang naging byahe bago nakarating sa destinasyon. Dagat nga talaga. Hindi ko mapangalanan kung saan dahil hindi naman ako taga-rito. Kasalukuyan namin ngayong tinatahak ang wooden pier papunta sa dulo.

"Ayon sila." Ani Sid nang may matanaw sa di kalayuan. "Robby!" Sigaw pa nito para tawagin ang atensyon saka patakbong naglakad palapit sa kinaroroonan ng tatlong tao.

Otomatiko naman kaming napasunod na lang ni Sydney.

Robby!? Sigaw ko sa aking isipan nang makita ang pinakanakakairitang nakasama ko sa unang pamamasyal ko rito sa Davao.

Nadatnan naming nasa dagat ang mga ito. Yung isang lalake, nakaupo dito sa gilid ng pier. Si Robin, nasa dagat, may kasamang lalake. And it seems like they're having a moment.

"Sid?"

"Ma'am?"

Magkasabay at mukhang parehong nasorpresang sambit ni Robin at ni Sydney.

"Oh, Sydney?" Bumitaw siya sa lalaki at agad na lumangoy papalapit sa wooden pier para umahon. "Hi."

"Magkakilala rin kayo?" Tanong ko kay Sydney.

"Yes ate. Friend sila ni kuya Sid at naging instructor ko pa si Ma'am Praegem sa isang lab subject no'ng previous sem."

"Si Robin?" Tukoy ko sa binanggit nitong Ma'am Praegem.

"I heard my name. What's the fuss?"

Nanumbalik ang atensyon ko sa nagsalita na ngayon ay nasa harapan na pala namin.

Spanish for milk!

Medyo pinagsisisihan ko't humarap ako sa kanya.

"Hey!" Nag-snap siya sa harap ng mukha ko sanhi para manumbalik ako sa diwa at mawala ang tingin sa tiyan niyang flat na flat. "My face is up here." Sabay turo niya sa magandang mukha.

Bigla akong naasiwa. Pinahamak ako ng reaksyon ko nang makita ang expose niyang makinis na katawan.

Wala bang hiya 'tong babae 'to? Panay lalake ang kasama tapos nakabalandra yung katawan niya. Buti sana kung beach party or resort 'to at may kasama rin siyang ibang babaeng naka...

"I'm confident to flaunt my body. I don't see anything wrong with that. And besides, natatakpan naman ang kailangang takpan."

Akala ko nakakabasa siya ng isipan para sagutin ang tumatakbo sa utak ko. Sagot pala niya yun sa pag-uusap nila ni Sid.

Nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ulit si Robin total nakay Sid naman ang atensyon niya ngayon. Mas namumula ang balat niya kumpara no'ng una ko siyang nakasama. Pero kahit sunog ang balat dahil sa sunburn, wala namang mapupunang kahit anong peklat o maitim sa kanya. Tama siya. Wala ngang dapat ikahiya sa katawan niya. Dalang-dala pa ng height niya ang perpektong hugis ng katawan bilang babae. Hindi kalakihan ang dibdib pero hindi rin flat na parang pader. Sakto lang.

At bakit ko ba pinagdidiskitahan ang dibdib niya?

"Pahingi ng ka-sexy-han." Biro sa kanya ni Sid.

Twin Flame (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon