Chapter 9: Homeless
KIARA's POV
Nasa sasakyan na kami pauwi ng bahay nila Sid. Kami lang dalawa ang magkausap sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya. Si Sydney kasi nakatulog sa shotgun seat.
"Pa'no mo ba naging kaibigan yun?" Bigla kong tanong kay Sid nang maalala si Robin. Kahit na naitanong ko na 'to dati sa kanya. Gusto ko pa ring malaman ang kwento mula sa ibang tao. O gusto ko lang talagang pag-usapan ang babaeng yun?
Napansin kong napatingin pa si Sid sa'kin mula sa rearview mirror bago ako sagutin. "Family friend and some mutual friends?" Patanong nitong sagot. "Magkaka-amiga sila momma at yung mommy at tito ni Robin. Ninang ko nga yun si tita Martina, yung mommy niya. Sumalangit-nawa."
"Patay na ang mommy ni Robin."
"Yes. Both parents. Nakakalungkot nga kasi dahil lang sa isang accident biglang naulila si Robin. Pati ako parang di pa rin nagsi-sink-in sa'kin na wala na talaga si ninang at yung asawa niya, lalo pa kaya kay Robin na sariling parents niya mismo yung nawala? Napakaganda ng family nila, masaya and almost like a perfect fam pero biglang may ganap na tragedy? Ay grabe talaga sissy, sobrang unexpected and shocking. Nangyare yun bago gumraduate si Robin sa college. Hindi na nga siya nakapag-march nung mismong graduation niya kahit pa andyan naman yung tito niya at pati rin kami nila momma lagi siyang kinakamusta pero makikita mo talaga di siya okay, as in parang nawalan din ng buhay."
Hindi ko nagawang umimik dahil bukod sa deri-deretso ang bunganga ni Sid sa pagkuwento ay hindi ko rin ma-imagine ang nakakalungkot na pangyayaring iyon sa isang tao.
"Mabuti nga at parang nasa acceptance stage na si Robin ngayong nakabalik na siya dito. Nag-Italy pa kasi yun mag-isa no'ng di pa okay. Taga-do'n kasi talaga yung foriegner niyang tatay at do'n din ang childhood ni Robin. Ewan. Pumunta siguro do'n para mag-regress."
"Mag-isa? Wala man lang relatives or friends na dumamay sa kanya do'n?"
"Sa pagkakaalam ko ayaw siyang payagan no'ng tito Eli niya - kapatid ng mommy niya pero di pa rin siya napigilan. Susunod ata dapat yung tito niya kaso as a busy ferson, hindi nangyare."
"So, mag-isa talaga siya sa malayong lugar?"
"Di naman actually kasi after a week sinundan siya do'n ni Monique. Remember? Yung nabanggit naming one of her closest friend. Kaso di naman diretsong nasamahan do'n kasi kailangang bumalik na dito ni Monique for her studies. Nakakalungkot din talagang isipin na gusto naman namin siyang damayan pero may mga priorities din kasi kami. Mas madadamayan namin siguro siya kung di na lang siya lumayo."
Naalala ko no'ng naglalaro kaming dalawa ni Robin ng Chess sa pinuntahang nature park, nabanggit nga niyang binalikan niya ang lugar ng kanyang pagkabata, sa lugar kung saan hindi pa daw niya alam ang problema. Nagbabakasakaling gumaan ang bigat na nararamdaman. Pero umayon lang siya sa naging pahayag kong "Makakabalik ka sa lugar pero hindi sa panahon."
Nakakalungkot nga namang isipin na ang inakala mong paglisan sa lugar na nakasanayan ay mabigat sa kalooban hanggang sa ipaparamdam sayo ng tadhana na may mga mas malaking bagay pa pala at isa na nga dun ay ang pagkawala ng mga taong mahalaga sayo. Ma-re-realize mong masakit ngang iwanan ang lugar na napamahal sayo pero mas masakit maiwanan ng taong nagmamahal sayo at lalong masakit balikan ang minamahal mong lugar na hindi na kasama ang mga taong mahal mo. Pero hindi ko yun nararamdaman dahil hindi gano'n ang sitwasyon ko. Kabaliktaran nang kay Robin. Ayoko nang bumalik pa sa lugar na pakiramdam ko'y walang nagmamahal sa'kin.
~~+~o~+~~
Kanina pa 'ko nakatingin sa kisame habang nakahiga ngayon sa kama. Nagdadalawang isip kung tatawagan si Sabrina o hindi. Miss ko na siya. Sobra. Gustong gusto ko na siyang kausapin pero hindi pwede. Ayoko. I mean, gusto ko pero hindi pwede.
BINABASA MO ANG
Twin Flame (GxG)
General FictionA hot mess quarter-life crisis between two strangers with a surprising connection.