Chapter 5

7.8K 169 32
                                    

Chapter 5: Oblivion

KIARA's POV

"May entrance fee?"

"Malamang. It's a private nature park, Miss." Sagot sa'kin ni Robin. Akma ko ng ilalabas ang wallet nang magsalita ulit siya. "Sagot ko na."

"Excuse me? We're not even friends."

"But as your travel buddy–"

"Travel buddy?"

Hinarap niya 'kong nakangiti. "Nagmamagandang-loob na nga, kinikwestion mo pa."

"Kasi kotse mo na yung ginagamit ta's babayaran mo pa 'ko dito. Baka lang kasi may kapalit 'no?" Paniniguro ko.

"Well, a piece of your liver would do." Kunwaring napapaisip niyang sabi saka muling bumaling do'n sa nasa front desk para asikasuhin ang registration at pagbabayad.

"Dayo ka lang dito, and I'm trying to be nice. Baka kasi sabihin mong pangit ugali ng mga taga-rito, kasalanan ko pa." Ipinasa niya sa'kin ang ballpen upang sunod na mag-fill-up sa form. Habang patuloy siya sa pananalita, binilisan ko ang pagsusulat at sinadyang kahig-manok upang mahirapan siyang intindihin kung sakali mang tingnan niya. "Consider this as my welcome treat for you, alien. And don't worry, hindi ko pa naman kailangan sa ngayon yang atay mo."

"Ha. Ha. Funny." Sagot ko matapos mag-fill-up.

May ihihirit pa ata siya nang biglang magsalita yung receptionist na umaasikaso sa'min. Mabilisang lecture lang naman tungkol sa resort at mga pwedeng gawin para mag-enjoy. Pagkatapos ay binigyan kami ng mapa para magsilbing guide sa aming pamamasyal sa loob ng resort. Iisang mapa lang ang ibinigay sa'min at sa'kin na ipinaubaya ni Robin bilang ako daw itong first-timer dito. Tinaasan ko nga siya ng isang kilay.

"You're not cool with me. Understandable. So, I'll let you linger alone, para di ka mabanas sa presence ko, but I have to get your number para ma-contact kita sakaling mawala ka or kung aalis na tayo."

"Hindi ko dala yung phone ko."

"Naiwan mo sa kotse?"

"Sa bahay nila Sid."

"Seryoso ka?" Biglang hinto niya sa paglalakad at humarap sa'kin. Napatigil din ako at na-realized na kanina pa pala kami sabay na naglalakad. "So, wala kang dalang phone? If I remember it right, dayo ka lang dito. And you know that this day, you're going to be with a stranger– na inakala mo pa ngang lalake diba? Tapos wala kang dalang phone? Or anything to contact with anyone?"

Ayoko kasing maging in-touch pa sa'kin ang mom ko. Ayoko na ring umasa pa. Kapag dala ko ngayon ang phone, siguradong mag-aabang lang ako ng message o tawag ni Sabrina. Pagka gano'n hindi ko magagawang mag-enjoy at makalimot dito.

"May mga tao kasi akong iniiwasan. Ayokong ma-contact nila."

"You could've just block them." Otomatikong naging sunod-sunuran ang paa ko nang muli siyang maglakad pero ngayon ay pansin kong pabalik sa parking area kami patungo.

Hindi na ba kami tutuloy? Kababayad lang niya ng entrance fee. Bakit ba sa simpleng phone-break na ginawa ko bigla atang nagbago ihip ng hangin? Hindi ko alam pero exaggerated para sa'kin ngayon ang reaksyon niya. Bakit ba parang bigdeal at mukhang hindi siya makapaniwala na wala akong dalang telepono?

"Anong pakialam mo?"

Kita ko ang pagpilig niya ng ulo kasabay ng iritableng pagngiti. "You're... Unbelievable." Halos pabulong na niyang sambit sa huling salita.

Namalayan ko na lang na nasa tapat kami ng kotse niya. Binuksan niya ang driver's seat, parang may kinuha sa loob.

"Take this." Isang phone ang iniabot niya sa'kin matapos isara ang kotse. "1313 ang passcode." Walang tinging sambit niya saka na naman muling nanguna pabalik sa entrance ng Garden Resort.

Twin Flame (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon