Chapter 3

7.5K 198 25
                                    

Chapter 3: New Beginning

KIARA's POV

"Sa Clark."

"Airport?" Kwestyon ni Sabrina.

Kasalukuyan kaming nakasakay ng kanyang kotse. Siya ang nagmamaneho at ako nama'y nakaupo sa shotgun seat. Nasa backseat ng sasakyan ang mga gamit ko at sasamahan sana niya 'ko para maghanap ng matutuluyang apartment pero hindi yun ang plano ko. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid at muling humarap sa'kin.

"Kasi...tingin ko hindi dito ang perfect place to start a new life." Naging sanhi iyon ng pagkunot-noo niya. "Masyadong malapit 'tong lugar na 'to para makapag-umpisa ng bagong buhay." Paliwanag ko. "I told you, gusto kong lumayo sa mom ko. Sawang-sawa na 'ko sa pagtatago niya sa'kin. Di ko alam kung ininakihiya ba niya 'ko o ano. If she doesn't have the guts to introduce me as her daughter, ako na mismo ang puputol ng koneksyon sa'ming dalawa. I want to start a new life without my mom's access."

"Mag-se-settle down ka sa malayo?" Seryoso niyang tanong.

"Brina, you don't–"

"Iiwan mo lahat pati ako?"

Natigilan ako at napatitig kay Sabrina dahil sa hindi inaasahang reaksyon mula sa kanya. Bakit all of a sudden, parang affected siya?  "Nandito man ako o wala, it won't matter to y–"

"It matters to me." Hindi ko alam kung naluluha siya o na-irritate lang ang mata sa tagal niyang pagtitig sa'kin nang di kumukurap. "Napakalaki mong kawalan sa'kin Kiara. Hindi mo ba alam yun?" Isa na namang hindi ko mapaniwalaang litanya mula sa babaeng malakas mang-trip. "Akala ko maglalayas ka lang at babalik din afterwards. Pero lalayo ka? Iiwan mo lahat? Naiisip mo ba na pati ako maiiwan mo?"

Sa totoo lang, isa rin naman siya sa maraming rason kung bakit ko gustong lumayo. May gusto ako sa kanya. Pero ayoko ang feelings na meron ako sa kanya. Bakit ba kasi ako biglang nagkagusto sa kagaya kong babae? Straight naman ako bago ko nakilala si Sabrina. Hindi ako pabor sa nararamdaman ko pagdating sa kanya. Feeling ko abnormal ako. Naiinis ako sa sarili. Pagod na rin ako at ayokong hanggang dito lang kami pero takot rin akong sumugal.

Lagi niyang ginugulo ang isip ko pati feelings ko dahil sa mga mix signals niya. Tapos tuwing madadala ako saka niya sasabihing masyado daw akong seryoso. Dapat simula't sapul pinaaalalahanan ko ang sarili ko kung gaano niya kamahal ang On and Off niyang boyfriend na si Alfred.

 Ang tanging paraang naisip ko ay ang paglayo sa sanhi ng pagkalito ko kasabay ng paglimot sa mga samu't saring issue ng buhay ko. Gusto kong putulin ang koneksyon sa lahat rito at magsimulang muli nang wala sila.

"Ma-mi-miss mo lang siguro ako but eventually, magiging okay ka rin." For sure. Lalo pag sila na ulit no'ng Alfred.

"Kung sayo gano'n kadali, sa'kin hindi." Pakli niya. Muling binuhay ang makina ng sasakyan at nag-simula na namang magmaneho.

"Hayaan mo, hindi ako mag-iibang bansa. Dito lang ako sa Pilipinas." Biro ko.

"Saan?"

"Basta." Ayokong sabihin. Ayoko nga sanang makasama siya ngayon sa araw ng pag-alis ko pero maaga pa lang nasa hotel na siya para sunduin ako kaya wala na 'kong nagawa.

Hindi gaya ng dati, tahimik lang kami ngayon sa buong byahe. Magkatabi kami ng upuan pero parang an'layo namin sa isa't isa. Ramdam ko ang bigat ng atmosphere. Ganun din kaya siya?

Nalingat ako sa iniisip nang ihinto niya ang sasakyan. Namalayan ko na lang na narito na pala kami sa destinasyon. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nauna na 'kong bumaba. Binuksan ko ang pintuan ng backseat at kinuha ang mga gamit ko. Isang backpak lang naman at isang maliit na suit case. Hindi lumabas ng kotse si Sabrina kaya alam kong hindi na niya 'ko ihahatid hanggang sa loob.

Twin Flame (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon