Chapter 6

5.7K 149 34
                                    

Chapter 6: In Retrospect

KIARA's POV

Kailangan ko pang maghintay ng mahigit isang linggo para sa semestral break upang makapag-enroll para sa next semester kaya sa ngayon ay tengga muna ako sa pagpasok sa klase.

Kanina nung bumaba ako para magpahangin sa labas, naabutan ko pa yung dalawang magkapatid na nagmamadali. Nakita kong naka-clinical uniform si Sydney. Naalala ko tuloy ang dati kong kurso. Di ko maiwasang magbalik-tanaw sa paggising ng maaga para di ma-late at pagpupuyat naman sa gabi para mag-aral. Nakaka-miss din pala kahit papaano. Parang kasutilan lang ni Robin, nakakainis at the moment pero hahanap-hanapin mo rin.

Ha! Sinong niloloko ko?

Ewan ko rin at bakit biglang pumasok sa isip ko ang lokong babaeng yun. Minsan yung subconscious ko pinagti-trip-an talaga 'tong utak ko e kaya kung ano-ano tuloy naiisip.

Isinara ko ang librong nakabukas na di ko naman binabasa. Napagpasyahan kong lumabas muli ng kwarto para ilibang ang sarili.

"Hija." Pansin sa'kin ni tita Lorna, pagkabukas ko ng pinto ay sakto kasing napadaan siya sa pintuan ko. "Good morning. Kagigising mo lang?" Naka-casual attire siya at maliban sa handbag ay may nakasabit rin sa kaliwang balikat na messenger bag, mukhang aalis rin para sa trabaho.

"Good morning tita. Uhm... kanina pa po." Sagot ko sa tanong niya.

"Nag-breakfast ka na? Tara, sabay na tayo."

Kanina pa 'ko gising pero hindi pa rin ako nakakapag-almusal kasi nasusuka ako pag nilalagyan ko agad ang tyan ko tuwing bagong gising. Sumunod na lang ako kay tita at nang makapag-agahan na rin.

Minsan, hindi nagkakasabay sa almusal ang mga tao rito dahil sa pagkakaiba ng schedule nila sa pagpasok. Pero may mga araw din namang nagkakataong magkakasabay kaming lahat.

"Nag-agahan ka na Jing?" Tanong ni tita sa kasama nila sa bahay.

"Tapos na ma'am. Kasabay ko po sila Sid kanina." Sagot ni ate Jing na papunta ngayon sa sala dala ang vacuum cleaner.

Umupo si tita Lorna sa kabisera. Ako nama'y sa bandang kanan. Loaf bread, sunnyside-up, hotdog at pancake ang nakahain sa mesa. Sa inumin, may pagpipiliang orange juice, brewed coffee, at tubig. Kumuha ako ng pancake.

"Okay ka lang naman ba dito hija? Di ka naman na-bo-bored?" Tanong bigla ni tita habang naglalagay ako ng butter at syrup sa pancake.

"Uhm. Okay lang po tita." Ngiti ko. "Nalilibang din naman ako tuwing ina-approach ako ni Sydney regarding medical matters. At ilang weeks na lang din po, start na ng second sem. Mag-eenroll po ako."

"Fine Arts major in Photography? Hindi mo na talaga i-co-continue ang Medicine?"

"Hindi na po."

"You know what hija," Ibinaba niya ang ininumang tasa. "nasasayangan ako sa na-accumulate mong years from studying Med. Ayaw mo bang tapusin na lang yun then saka mo kunin ang gusto mo?" Tiningnan niya 'ko ng masinsinan. "Sigurado ka na ba talaga sa mga plano mo para sa sarili?"

Napalunok ako kahit wala ng lamang pagkain ang bibig ko. "Ilang beses ko pong pinag-isipan bago gawin."

"You didn't answer my question." Muli siyang sumimsim sa kanyang tasa. "Hija, ayokong manghimasok pero concern ako sayo and especially sa mother mo rin. Bilang isa ding ina, alam kong nag-aalala na yun sayo."

"Hindi niyo po kilala si mommy."

"But I'm also a mother."

"Pero hindi siya kagaya niyo." Lakas loob kong sabi. "Tita, kung alam niyo lang kung gaano ako naiinggit kela Sid at Sydney kasi pinalaki niyo silang puno ng pagmamahal at alam kong never kayong nagkulang sa kanila kahit busy. Hindi kayo naging unfair sa bawat isa sa kanila. Hindi po ganun ang mommy ko. May mas importante sa kanya at alam kong hindi ako yun. Para lang akong isang...kasangkapan na kung ano ang gusto niya, kailangan kong sundin at gawin. Kahit kelan hindi niya 'ko tinanong kung okay lang ba sa'kin o okay lang ba ako."

Twin Flame (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon