Chapter 7

3.8K 144 16
                                    

Chapter 7: Clandestine Feelings

ROBIN's POV

"Ma'am, gusto mo?" Alok sa akin ni Thomasin ng baon niyang tinapay.

Friday. Ika-limang araw na rin ng kanilang internship mula no'ng Monday. Eventually, they will gather together every Monday para sa lecture na idi-discuss sa kanila ni Doc Orly na tumatagal lang naman ng more or less one hour. The whole time of their duty kami ang nakakasama nila as our assistant. Ang classmates niyang si Atom at si Nate ay naka-assign kung saan ding field ang mga kasama ko rito. Thomasin is stuck with me. At may isa akong napansin sa loob ng limang araw na niyang duty dito.

"Bakit ba puro tinapay ang baon mo?" Tanong ko matapos tanggapin ang inialok niyang chocolate twist. "Very European."

"Ay hindi naman po. Libre po kasi kaya ito na lang binabaon ko kesa bumili pa 'ko."

"You own a bakeshop?"

Umiling-iling ito. "Yung may-ari po ng bakery, binibigyan po kami ng tinapay."

"That's very kind. Pero bakit kayo binibigyan?"

"Kay lola po kasi yung pwesto na kinaroroonan ng bakery. Actually two-storey po yung establishment na pagmamay-ari ni lola na nasa city-proper. Yung sa ibaba ay for lease which is yung bakery tapos dun sa taas naman kami nakatira ni lola. Tuwing gabi po, yung mga hindi nabentang tinapay ay pinapahingi po sa amin kasi hindi po nag-uulit yung bakery na yun, araw-araw pong freshly baked ang mga tinapay nila kaya dinarayo. Made to order rin ang mga cakes kaya lahat talaga bagong gawa."

Expected ko na rin na ang maiksing tanong ko ay mahabang explanation from Thomasin ang kapalit. Ganyan siya magkuwento kaya halos makikilala mo na ang buong buhay at pagkatao yata sa salita pa lang niya.

Ang ilang mga bagay na nalaman ko about her these past few days ay isang retired Teacher ang lola niyang nagpalaki sa kanya. Pension nito at ang rent from their for lease properties ang source of income nilang mag-lola. Malapit din daw ang kanyang lola sa grandfather ni Atom because they were close friends back then, until now. That's why they actually have a connection.

Kay Thomasin ko rin nalaman na hindi pala namin ka-level si Atom. By that, I mean he's actually well-heeled. Parte ng alta sociedad pero lowkey. Hindi nito kailangang mag-aral ng mabuti at magtapos para magkaroon ng magandang buhay kasi pinanganak ng maganda talaga ang buhay. Kilala ang angkan nila Atom sa mga hacienda-related matters especially asukarera, napasukan na rin pati ang politics. Kaya gets ko na kung bakit ala-celebrity ang tingin dito nila doc Paulo. Kung hindi nabanggit ni Thomasin ay wala talaga akong idea. Hindi ko naman kasi kilala ang mga Saison. Siguro naririnig ko tuwing eleksyon pero hindi ko akalaing sa angkang yun galing ang isa sa mga intern namin ngayon.

That day na lumabas kami no'ng masungit na friend ni Sid, di sinasadyang nakita ko rin sila Atom sa meeting place namin at naaalala kong may nabanggit itong hacienda na open na daw for public and ni-recommend pa nga sa'min na pasyalan at nasabi ding ...

"Anong ginagawa mo sa hacienda nila Atom? Nabanggit niya one time na nando'n ka. Noong nag-suggest siyang mamasyal kami do'n." Mahabang kwento ko.

"Sa hacienda nila? Nagtatrabaho po ako as caretaker ng mga kabayo."

"Caretaker?"

"Hindi po totally ako. Ibig ko pong sabihin, alalay po ako ng talagang caretaker no'ng mga kabayo nila. Ako po yung inuutusang taga-linis, taga-pakain ng kabayo at kung ano pang trabaho sa kamalig."

"Sipag mo naman."

"Sabi po kasi ni lola, para daw hindi kami matahin do'n, kailangan ko daw pong tumulong."

Twin Flame (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon