CHAPTER FIVE

59 4 0
                                    


The Headquarters

Pasimple akong lumabas ng kwarto at sinugaradong wala ng tao bago bumaba at lakad-takbong tinahak ang lugar kung saan ako susunduon ni…wait, I don’t even know her name.

Hayss. Nagdalawang isip ako agad kung tutuloy pa o hindi. Ni hindi ko sila kilala at baka kung anong pwede nilang gawin sa’kin. Sa panahon ngayon, hindi mo na alam kung sino ang kakampi at kaaway.

Hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan sa hindi. But I have to risk and try. Walang manyayari sa’kin kung pilit akong umiiwas, at tumatanggi sa mga taong posibleng maging sagot sa tanong ko.

Napaangat  ako ng tingin nang may marinig na kaluskos mula sa malayo. I automatically look kung ano ‘yon and immediately find out the girl with a pigtails hair. She seems relived ng makita niya ako mula sa meeting place naming.

“Akala ko hindi kayo pupunta!” nasa harap ko na ito na nakangiti. Nangunot noo ako.

“Kayo?”

Napatingin ako sa likod ko nang dumako ang tingin niya doon. It was Cloud. Hindi ko man lang naramdaman o narinig ang presinsya nitong dumating.

“Cloud,” batik ko dito. Tumingin ito sa’kin, inayos pataas ang dumulas na salamin sa mata bago tumango at ngumiti.

“So let’s go? Baka may makakita pa sa’tin.” Hindi niya na hinintay ang sagot namin at tumingin na sa harapan.

“Are we going to shape-shift?”—tanong ni Cloud—“Saan tayo pupunta?”

Tumabi sa’kin si Cloud. Nasa harapan namin si ‘Girl Ponytail’ at may kung anong kinakapa sa long coat na suot niya.

“We will use this magic dust for teleportation,” may pinakita itong maliit na lalagyan na merong gintong buhangin galing sa loob ng coat niya.

“Only those who can create and cast a spell can do that. A witch perhaps? Wala pa akong kilalang lobo na may ganyang taglay.”

“As I know, iilan na lang ang nakakagawa niyan ngayon. It is also impossible to communicate with the sorcerer's dahil mahirap silang mahagilap at hindi natin sila kasundo.”

Kumuha siya ng gintong buhangin at isinaboy sa hangin. Kitang kita ang kinang nito sa dilim na parang isang maliliit na alitaptap. Wala pang ilang Segundo ay may lumitaw nang kakaibang lagusan sa harapan naming tatlo. Kulay gintong pintuan ang lumabas. May kakaibang lakas ng hangin sa loob nito na tila isang kumunoy na hinihigop kami papasok. Kailangan ko pang lumayo ng kaunti at umayos ng tayo para hindi tuluyang mahigop nito. Maski ang mga puno sa paligid ay gumagalaw dahil sa lakas nito.
Tumango tangong humarap ang babae samin na may ngiti sa labi. Pumapalakpak pa ito na parang walang malakas na hangin sa likuran niya.

“Correct! Tama talaga ang desisyon ng Deity na kunin kayo”—pinagsilkop nito ang parehong kamay bago nilahad sa’min—“So let’s go?”

Nagkatinginan kami ni Cloud. Una niyang tinanggap ang kamay ng kasama. Tinignan nila akong pareho at inaabangan na sumama sa kanila.

I move no other choice. Tuluyan na kaming pumasok sa gintong pinto at hinigop ng hangin papasok. Halos mawalan ako ng hininga sa tatlong segundo na ‘yun at nakaramdam nang pagbagsak sa lupa

Napahugot ako nang malalim na hininga sa nangyari. Pati si Cloud ay nagulat sa nangyari at hindi agad nakabawi.

“We’re here!” tinignan n'ya kami at tinawanan.

“Every first timers. Don’t worry, masasanay rin kayo… May susundo sa atin sa pagkakaalam ko,”

Umayos ako ng tayo habang pinagmamasdan ang paligid.

Nasa sentro kami ng bato batong daanan nakatayo. Paroon at parito ang mga babae sa harapan namin pero hindi kami binigyan pansin. Siguro ay alam nilang may paparating at hindi na nagulat.

Ang iba ay kaswal lang na naguusap habang may palaso sa likod, ang iba naman ay marurungis at mukhang kakagaling lang sa laban o ensayo…hindi ko alam.

Puro malalaking puno at bundok ang nakapaligid sa amin. Maski ang daanan ay hindi patag at meron lamang mga antigong ilaw na poste ngunit mahina lamang ang liwanag nito.

Napalingon ako sa aking gawing kanan na may lumayab at nagsisigawan. May naglikha ng isang malaking apoy at nagkanya kanya lapit at kuha na sila sa hawak ng isang babaeng lalagyan na merong mga nakatusok na laman at pinainitan ito sa apoy.

“Anong ginagawa nila?” tanong ni Cloud.
Tinignan ni Girl ponytail o nangangalang Xavy, mula sa narinig kong bumati dito, ang tinitignan ko lang kanina na apoy.

“Ahh, tuwing nalalapit ang kabilugan ng buwan ay ginagawa namin yan. Isang munting selebrasyon para magtipon tipon ang tao. Nothings special. ”

Mayamaya pa ay may dumating na isang kaedarang babae sa amin na galing sa norte, sa may bandang kabundukan at kinausap si Xavy. Napagawi ang tingin nito saming dalawa ni Cloud. Napansin ‘yun ni Xavy at pinakilala kami.

“Panauhin ng Deity, Miss. Si Selene at Cloud.”

“Inaabangan na kayo ng Deity. Siguraduhin n'yo na wala kayong ibang intensyon sa pagpunta rito dahil hindi na kayo makakalabas dito ng matino. Maliwanag ba?”

“Mapagkakatiwalaan kami, Miss.”
Pinasingkit ng babae ang mga mata nito kay Cloud, “’Yan din ang lahat ng sinasabi nila.”

Hindi ko na nakita ang pag-ismid ni Cloud dito dahil nakatuon na ang atensyon ko sa tuktok ng bundok na may mga ilaw. 
Doon siguro ang punta namin.

“Tara na.” Tumingin ito kay Xavy na agad kumilos at inilabas ang gintong buhangin.
Hindi nagtagal ay nasa ibang lugar na kami.

Meron agad pumukaw ng atensyon ko pagtapak namin doon—ang gawa sa kahoy na bahay na pinalilibutan ng mga lampara ang tanging bumubuhay doon. Sa loob noon ay may isang malaking anino na tila nakatingin sa amin.

Yumuko ang dalawang kasamahan namin sa aninong nasa harapan. “We’re here with the guest, Deity.”

Cage in Law [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon