EPILOGUE PART 2

40 5 0
                                    

Epilogue Part 2

We're about to leave when a sudden ball of light came into my eyes. It's too late to know that we have all been captured and paralyzed in place. Moving makes the spell more unbreakable and hard to move. Like an invisible chain wrapped in our body tighter and tighter.

Lucas drops to his knees as he loses balance. "Shit!"

"Don't move! Someone's coming," napahinto kaming lahat nang may maramdamang papalapit. Agad naming nilabas ang mga pangil sa paghahanda kahit na sa amin ang desbentaha.

Isa isang lumabas ang mga naka-anyong tao na may suot na kulay dilaw na saklob at kahoy na tungkod. May ibang nagtatago sa likod ng bato, puno at ang iba ay bigla na lamang lumitaw sa harapan namin. Ang bilang ko ay nasa 20 silang lahat.

Biglang bumigat ang hangin at kay hirap huminga. Hindi kami makakilos at paniguradong pagod dahil sa laban. Napatingin ako sa kanang katabi ko na si Lucas na nakatukod pa rin ang tuhod sa simento habang hinahabol ang hininga. Umangat ang tingin ko sa katabi nitong si Zhelt na may mga galos at sugat na rin, paniguradong ganoon rin si Charles at Steven sa pangunguna sa laban kanina.

Pinakiramdam ko ang sarili. Hindi maiwasang hindi uminda sa higpit ng mahikang tumabo sa amin kaya hindi makagalaw, tinatamaan nito ang natamo kong sugat sa tagiliran na hindi nila alam.

I should not let them know that I am injured. Tumingin ako sa harapan, hindi namin kakayanin ang benteng ito para makipaglaban pa.

"Mukhang may mga lobong naligaw,"

"Nakalusot sa River of Knives, Head Master. Nakakabilib ang grupong ito." Tumawa ng pagkalakas lakas ang nasa gitna kaharap namin na iba ang kulay ng saklob-kulay pula at may pinakamagandang ukit ng tungkod.

Isa lamang ang kilala kong merong ganoong klaseng tungkod.

"Galahad," bago ko po maiusal ay naunahan na ako ni Chief.

Kita ko sa aking tabi ang kanyang pag ngisi nang makilala kung sino ang kausap. Parang ang pagod ay nawala ng makita niya ito, ang matalik niyang kaibigan.

"Pumupurol ka na, Simoun. Bakit puro sugat ka? Hindi ka ganyan."

Humalakhak si Chief na may kasamang pag-ubo. Agad na kumilos si Galahad at may inutos sa lalaking nasa tabi niya. Nawala bigla ang mahika na nasa amin at nakawala, ngunit sa pagkabigla ay iba sa amin ay napasubsob sa sahig sa panghihina.

Napahawak ako sa tagiliran ko nang mas maramdaman ang pagkirot nito.

"Pakitulungan sila," narinig ko na lamang bago ako tinapik ng isa sa kanila at inalalayan patayo.

"Dadahil namin kayo sa lugar namin para magpagaling-" agad akong nataranta at umalma. Nakakapit pa rin sa lalaking nakaalalay sa'kin.

"Hindi! Hindi pa pwede. Head master, may kasama pa kami na kailangan ng tulong." Napalingon ito sa akin. I almost pleadingly looked at him that day just to save her.

I'm too far for her. I don't know where she is. Without our mind communication, it will be impossible to find her.

"Kami ng bahala sa kaibigan niyo. Mas mabuting magpagamot ka na-" agad akong umiling at tumingin kay Chief.

Mukhang agad naman nito naintindihan at kinausap ang headmaster ng Wizards.

"Makikita lang namin ang isa naming kasamahan kapag kasama siya sa paghahanap..." May iba pa itong sinabi na hindi ko narinig, ngunit base sa naging reaksyon nito ay napapayag ito ni Chief.

"Kung gano'n, tara na. Hindi na lamang kita papayagang gumalaw pa sa kondisyon mo."

The search operation went fast because of me-no, actually because of Selene. Kung hindi lang ako nito tinatawag sa aking isipan ay paniguradong hindi ko rin siya matutunton kahit sumama pa ako.

Cage in Law [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon