CHAPTER TWELVE

44 4 0
                                    

Masyadong mabilis ang pangyayari na maski ako ay hindi pa rin matanggap ng aking sistema kung na saan ako.

Sumama ako sa tinitirihan ng lalaking tumulong sa'kin makawala sa pagkakatali sa kweba. Nakuryoso ako kung saan ito nanggaling. Nandito na ako, sa isang malaking kuweba na may mga gamit na sira pero kanyang napapakinabangan pa rin.

Naghubad ito ng sumbrerong may butas na pero tinakpan na lamang ng tela at itinahi ito. Lumadlad ang mahaba nitong buhok na hindi makita dahil sa sumbrerong sult kanina. Ngumiti ito nang makitang pinagmamasdan ko s'ya, na inirapan ko lang habang nakapamewang nakatingin sa bawat kilos n'ya.

“You live here.” That’s not a question. Obviously, this is were he stays.

Palakad lakad ito sa harapan ko na may kinukuha tapos ipapatong sa lamesa. “Yup! For 15 years already. And oh, I have invented a coffee. Want some?”

May isinalin siya sa tasa na galing sa takure na kulay asul at inabot sa'kin.

Inilingan ko ito. Kita sa aking mukha ang disgusto at pandidiri na mukhang naiintindihan naman agad. Binaba n'ya ito at inalok sa'kin ang kanyang pahabang kahoy na silya. Umiling ulit ako.

“Why did you stay here for 15 years? There’s most be away to get out of here.” Sinusundan ko ito ng tingin. Paikot ikot ito sa maliit niyang bahay. Pinupulot ang mga kalat at hinuhulog sa isang butas na kasya ang tatlong tao sa laki.

Kuryoso ko itong sinilip. “I tried. Maybe like 2 years when I first discover this place. Hindi ko kaya ang lugar dito, wala akong matinong pagkain, at alam mo na, tirahan na hindi ko nakasanayan. Pero sumuko na lang din ako—oh be careful there, baka mahulog ka.”

Maraming matutulis na bato sa ilalim na pag nagkamali ka lang nadulas at dumaplis ang paa sa mga batong ito ay masusugatan ka. Ang tulis nito ay hindi na makatotohanan na parang may nag-ukit, kayulad nung mga batong nadaanan ko kanina.

“Buti hindi ka pa nahulog dito?” tumawa ito. Halos kuminang na ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito sa’kin.

“Muntik na,” ibinaba nito ang sleeves ng kanyang suot na T-shirt, exposing a long deep cut on his shoulders to chest.

“Hindi ko pa alam noon. Nagulat na lamang ako nung biglang bumuka ang sahig at nahulog ako. Mabuti't nagawa ko pang kumapit.” nag-ibq ang timpla ng mukha sa pagbigkas nang masamang pangyayari nito sa kanya.

I nodded slowly and stayed silent.

Pinagmasdan ko ang bawat gamit n'ya na mukhang hindi nakakailang dito. Napatalon ito nang magtama ang paningin namin habang sumisimsim s'ya ng kanyang kape kaya natapon ito sa pantalon n'ya.

“Bakit mo ako sinama sa lugar mo? Are you not scared that I have other intentions with you?”

Ibinaba nito ang tasa ng kape na hawak. Aligaga itong naghanap ng basang basahan at ipinahid sa mainit na kape na tumapon sa pantalon nito. “Hindi ko na naisip ‘yan. Wala rin naman mawawala pa sa gusgos na katulad ko.”

“May tinapay ka ba riyan?”

“Oh, paumanhin. Teka lamang,” ibinaba ang basaban na hawak bago inabot ang tinapay sa tabi nito.

Umupo ako sa pahabang silya n'ya at inabot ang maliit na kutsilyo malapit doon. Pansin kong nagulat ito sa hawak ko. I smiled at him. Kinuba ko ang tray na may lamang tinapay sa kanya at ginamit ang kutsilyo para hiwain ito.

“Thank you. Do you have a jam or something? Sorry medyo ginutom ako doon sa kuweba,”

“Ah no problem.” Tumalima naman agad ito sa batuhang patungan na niya na may puro pagkain at kagamitan. Nakita kong kumuha ito ng dalawang flavor ng jam: Strawberry and peanut butter.

Matamis ko siyang nginitian nang inabot na nito sa'kin.

I casually grabbed the slice bread and spread the peanut butter. “I didn’t know that you can still get a bread and jam here. Saan ka kumukuha nito?”

“Ah,” he shyly scratch his arm looking away at me. I followed his gazed still munching the bread.

“I…I just it…May nakahulog at bago pa kaya kinuha ko na.”

Tumayo ako at pumunta sa batuhang lababo nito. Binuksan ko ang gripo na hindi akalaing may tubig, at doon deretsyong uminom.

“May baso rito, kesa ganyan,” pinunasan ko basang bibig gamit ang braso habang nakatingin dito.

Hawak nito ang puting puti na tuwalyo. Napapaiwas ito ng tingin sa'kin sa hindi malamang dahilan.

Well, unless his denying what’s obvious already.

Nilapitan ko ito at kinuha ang tuwalya sa kanya. Napasinghap ito sa ayos ko.

“You know, you’re not a good liar.”

“What do you mean? Who’s lying?” maang maangan pa nito.

“Ay ako. Hindi ko akalain na itatanong mo ‘yan pero sige, ako na, ako na ‘yung nagsisinungaling.” Inirapan ko ito sabay bato ng tuwalya sa kanya.

“Halata naman sa gamit mo na nakakalabas ka! Wag nga ako! Halos kabahan ako nung sinabi mong hindi ka pa nakakalabas dito pero naurong nung nakita ko ‘yang bagong tasa mo na mas malinis pa sa gamit ko!”

Hindi ko kaya. Mabubuking ako sa mga sikreto ko kung siya ang pinagsabihan ko. Hindi marunong magtago.

“I really didn’t expect someone to be here so hindi ko na naisip pang itago ‘yung gamit ko nung nakita kita,”

“Why lie though?”

“Tinuro sa'kin na wag bastang basta ipapakita ang tunay na sarili sa ibang tao dahil hindi lahat pagkakatiwalaan. Sana ay tama ang ginawa kong pagtulong sa'yo binibini,”

Biglang nagiba ang tindig nito, na kanina ay bahagyang nakayuko at pirming nahihiya tuwing magsasalita, ngayon naman ay tumikas ang tindig nito at deretsyo kung makipag-usap.

Pinakita ang matamis nitong ngiti habang ang isang kamay ay na sa likod n'ya.

Ngayon ko lang napansin ang pagiging magandang lalaki nito na mahahalatang hindi basta gusgusin na tao.

“Nandito ako para tapusin ang iyong buhay. Hindi ka na maaaring tumawid pa at makalabas dito ng buhay,”

Sa isang mabilis na galaw ay nakapagpalabas ito ng espada mula sa likod at agad sumugod sa’kin na hindi ko agad naiwasan at tinamaan sa braso.

Shit!

Sinipa ko ito sa tagiliran at agad tumilapon sa pader. Kinuha ko ang pagkakataong kunin ang kutsilyong hawak kanina para tumakas.

Wtf is wrong with him! I’m sensing something more about him.

Napahawak ako sa aking braso nung kumirot iyun. Hindi ako makapagbahong anyo dahil doon. Mahihirapan lang ako lalong tumakbo kung ipipilit ko.

“Wag kang tumakbo!”

Papatayin mo'ko, malamang tatakbo ako! Gago.

“Hindi ka makakalabas dito, binibini. Tanging ako lamang ang nakakaalam ng lagusan dito! Gagawin na kitang aking hapunan bago mangyari ‘yun!” nakakaloko itong tumawa. Halos tumayo lahat ng buhok sa katawan ko, nangilabot sa boses nito.

“Masarap kainin ang mga katulad mo. Sariwang sariwa pa at hindi nagagalaw,”

Desperado na ang bawat galaw nito ngunit hindi rin n'ya ako agad nahahabol sa bilis ng aking pagtakbo.

May nadaanan akong malalaking bato na pasikot sikot ngunit tila paikot ikot lamang ako at hindi naalis sa pwestong ‘yun. Nagtagp na lamang muna ako sa likod nf bato at pinakiramdaman ang paghakbang at salita nito.

“Mabilis ka, binibini. Hindi ko akalain na may hindi lampa sa mga babaeng lobo na katulad n'yo. Ang huli kong nadatnan ay tatanga tanga kaya nabusog ako agad,” humalakhak na naman ito. Mukhang malapit na ito sa tinataguan ko.

Napapikit ako habang dinidiinan ang sugat ko sa kanang braso. Hindi naman ito malalim pero mahapdi at masakit sa bawat galaw ko.

“Walang tutulong sa'yo rito. Kaawa awang nilalang,”

“Gusto ko lang naman makipaglaro sa’yo, binibini. Hindi naman ito masakit. Uunahin kong hiwain ang mga paa, binti, at kamay mo bago tanggaling ang ulo mo. Hindi naman ‘yun masakit, kaunti lang,” nagsimula na naman itong humalakhak.

Sinubukan ko itong silipin sa aking likod ngunit bigla itong nawala. Napakunot noo ako, siguradong doon narinig ang boses nito.

Asan na s’ya?

“Andito ako, tanga!”

Mula sa itaas!

Nakatalon ako agad palayo bago tumama sa’kin ang hawak nitong espada. Kita ko kung paano bumaon sa lupa ang espada sa lakas ng impact nito. May kakaiba itong lakas kahit sa payat nitong katawan na ikinabahala ko.

Mabagal itong tumaya habang ang mga nanlilisik nitong mga mata ay nakatingin sa’kin na tagos sa aking kaluluwa, dahilan para muling magtayuan ang mga buhok ko sa katawan. Napaatras ako at naduwag sa kakaibang awra nito.

Pinatunog nito ang leeg pakilaw’t kanan, kasunod ang paggalaw nito sa kanyang balikat. Kinuha ko ang pagkakataon na tumayo mula sa pagkakasalampak sa lupa at muling tumakbo.

Imposibleng walang daanan dito. Meron at merong mga butas na pwede kong daanan, katulad na lamang ng ginagawa ng baliw na humahabol sa’kin.

Sinubukan kong umakyat sa bato para makita maigi ang lugar. Nakaagaw pansin ang nasa gitnang parte na may harang na malalaking puno na nagtumbahan. May sumisilip na liwanag mula roon.

Tatalon na sana ako ngunit nahawakan nito ang kanang paa ko sanhi nang aking pagkahulog sa bato at natumba sa lupa. Agad ako nitong dinaganan at hinawakan sa magkabilang kamay. Sinubukan kong kumala sa pamamagitan ng pagbagong anyo kaya nakabitaw ito agad ngunit nakagat ko ang kamay nitong may hawak ng espada.

Dinamba ko ulit ito at pinagkakagat ang braso nito. Malakas itong napamura sa sakit at nagawa akong sipain sa tiyan. Lumabas sa aking bibig ang panibagong dugo mula sa lakas nitong pagsipa.

Kinuha ko ang pagkakataong ‘yun para kagatin muli s'ya sa balikat. Napasigaw ito sa sakit at hindi makapalag. Masyadong malalim ang kagat ko kaya nanghina ito.

Lumayo ako agad nang umambang may gagawin. Tumutulo na ngayon sa'king bibig ang dugo nito, nanlilisik ang mga mata at mas pinalabas ang mga kuko sa aking paa.

Sinubukan nitong tumayo pero tinapos ko na ang paghihirap nito. Tiluyan ko itong kinagat at hinagis sa malaking bato. Sakto paghampas ay nawalan na agad ito ng buhay. Nakabukas ang mga mata at bibig mula sa pagsigaw, ngunit wala na itong nagawa pa.

Mabigat ang aking bawat paghinga. Nalalasahan pa rin ang pait ng dugong naiwan sa bibig ko. Gustuhin ko mang iluwa pero nauhaw ako mula sa laban. Iniwas ko ang tingin dito bago dinilaan ang bibig.

Ilang beses akong malalim na napahinga bago nagawang tumakbo. Tiniis ko na lang muna ang sakit para makaalis na doon. Aabutin na naman ako ng ilang minuto o oras sa paghahanap ng malalabasan dito.

Sinubukan kong buksan ang mind link naming dalawa ni Mike, “Mike, asan kayo?” tawag ko dito. Mukhang imposible dahil malayo kami pero sana maka-abot.

“Mike,” tawag ko ulit dito habang patuloy sa pagtakbo. Muntik pa akong mapasubsob sa sangang hindi naiwasan pero nakabawi na naman.

Naramdaman ko lalo ang pananakit ng braso ko dahil naitukod ko ito. Napaungol ako sa sakit ngunit hindi ako doon huminto.

I keep running and calling his name until dawn. He is my only hope to get out of here. I don’t want to be a burden to everyone on this mission but I can’t stop thinking about it in my position right now…Me, who’s fighting for my life while them trying to find a way to stay alive and saved me.

Ano na kaya ang nangyayari sa kanila sa itaas? Napalaban din kaya sila?

My body simmered with anger as I run faster and faster until I finally saw something. A light.

Binagalan ko ang pagtakbo habang pinagmamasdan kung saan nanggagaling ang liwanag. Nasa ilalim ako ng bangin kaya imposibleng may pumasok na liwanag mula dito sa ibaba.

Hindi kaya?

Unting unti luminaw sa'kin habang papalapit. Ang natitira kong pag-asa ay naging bato pa nang makita ko kung anong meron.

Cage in Law [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon