CHAPTER THREE

97 8 4
                                    

Also check me on Dreame: lilsiszie

Also check me on Dreame: lilsiszie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Fire

Malakas ang ihip ng gabing hangin. Tanging apoy sa pugon at suot na damit ang nagbibigay init sa bawat isa sa lugar na iyon.

Kislap ng lampara at mga dyamanteng nakalagay sa mga dingding ang nagbibigay liwanag kwarto.

"Anong kondisyon?" pag-u-ulit nu'ng isang lalaki.

Binalik ko ang tingin kay Simoun. "Walang pilitan. Pag umayaw ako, wala na kayong magagawa doon. Kikilos ako kung kelan ko gusto. Hindi n'yo ako pwedeng diktahan at utos utusan. May karapatan akong tumanggi at gano'n din kayo sa akin. "

Bahagya itong napaubo pagkatapos kong magsalita at umayos muli nang upo.

"I'm expecting a hard and deeper conditions on you...pero mukhang..." hindi nito matuloy tuloy ang sinasabi.

I shrugged. "Wala na din akong maisip. I just want to be respected somehow on this...hmm, quest?"

"You also need to make sure to disclose this plan to you and only you, wag mong ipagkakalat kahit kanino ang bagay na ito. If you do that, ako ang unang makakabangga mo."

Natigilan ako nang ilang segundo ngunit nakabawi rin. Taas noo ko itong hinarap, "Makakaasa kayo."

Nagbago bigla ang paksa at nagsimulang pagkakakilanlan.

Isa-isa silang nagpakilala at nagtanong ng kung ano-ano na malugod ko naman sinagot.

Ilang oras na ang nakalipas ng pananatili ko sa lugar nila. Nandito na ako sa loob ng kwartong ipinagamit sa'kin. Walang imik at nanonood lang sa labas na nag-iingay na mga lalaki. Nagkakatuwaan sa kwentuhan sila lang ang nakakaintindi.

I feel at peace...I don't know. Mas komportable ako dito kesa doon sa mga conservative na feeling birheng mga babae sa lugar namin.

Masyadong mapanghusga ang bawat tingin nila maski sa araw-araw nilang nakakausap at nakakasama. Nagaaway sa mababaw na dahilan na parang walang pinagsamahan. Nagsisiraan at minsan sila na mismo ang nagpapatayan.

Dito, talagang makikita mo ang pinagkaiba ng dalawang panig. Nagtatawanan at nagsasama na parang mag kamag-anak sila. Ang mga matang nagkikislapan sa tuwa tuwing sila ay tumatawa na natural na natural sa paningin.

Napangiti ako, may bahid ng lungkot. I want to feel this peace again, someday.

Umayos ako nang upo at nilingon ang kanina ko pang nararamdaman sa likod ko.

"Want to join outside?" si Mike na nakahilig sa pintuan.

"They've been waiting to see you." Dagdag nito at bahagya nang lumapit sa akin. Nanatili akong nakaupo malapit sa bintana.

"I rather stay in my room than socialize, Mike."

"You should learn then" – sumilip ito sa bintana pabalik sa'kin –"hindi pwedeng nakakulong ka lang sa kwarto sa buong buhay mo, Selene. You should have fun and enjoy hanggat buhay ka pa."

Cage in Law [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon