CHAPTER SIX

49 4 0
                                    


Operation


Walang tigil sa pagliwanag ang mga lampara, buwan at bitwin sa kalangitan sa madilim na daan para sa mga babaeng lumalaban sa kinabukasan at sa problemang kinakaharap. Base sa kilos at ngiting binibigay ay nagmumukha masigla at wili sa ginagawa, ngunit hindi nila maloloko ang kanilang mga mata na salamin sa damdaming kinimkim sa bawat isa.

Kung titignan mabuti ay para silang lumalangoy sa gitna nang dagat habang kumikidlat at umaalon ng malakas ang dagat. Pilit silang pinapalubog ng dagat—ang problema ng sumpa na hindi matakasan at malagpasan sa loob ng ilang libong taon na. Ngunit kahit anong pilit nilang ahon ay uulit at uulit lang silang hihilahin pababa.

Napakagat labi at lukot ng kamao ako habang tinitignan ang buhay na buhay na lugar sa iba na kay payapa..

That's how it's supposed to be, right? To let them know that you're fine but not. But what can we do? Even though we cry for tons every day, this curse will not vanish; even though many good things we do, this curse will not leave. Everyone is longing for their love.

Why do I care about that right now? I don't know either.

"Selene," rinig kong tawag ni Xavy.

Hindi ako gumalaw at nanatiling nakatingin sa ibaba. Still thinking about the next decision that I will take.

"Deity, nandito na ating panahuin," anunsyo ni Xavy na nakayoko sa babaeng nakaupo sa kanyang trono.

Hindi ko makita ang mukha nito at tanging paa, ang gintong buhok nito at mahabang roba lamang ang naaaninag ko.

"Ang nasa aking kaliwa na may kulay rose na buhok ay si Selene. Ang nasa kanan naman na may berdeng buhok ay si Cloud. Nagmula sila sa Yaleda. Ang ating kapatid na bayan, Supreme Deity."

"Salamat, Xavy at Miss. Makakaalis na kayo."

Umayos na ako ng tayo at pinagmasdan ang Deity. Walang emosyon itong nakatingin sa amin—sa akin. May kung ano sa tingin nito na parang may gustong sabihin pero hindi makawala.

Isinantabi ko 'yun at umupo sa sahig. Sa harapan ng maliit na lamesang may kape sa gilid.

"Kung hindi n'yo masamain ano, pero bakit n'yo kami pinapunta dito at kailangan kausapin ka ng harapan?"

Napalingon ako kay Cloud sa tono nito. Gumalaw sa upuan ang Deity. Pinatong ang parehong kamay sa armrest at masinsin siyang tinitigan.

Napaayos ng upo si Cloud at iniyuko ang ulo.

"May nakaabot sa aking mensahe...tungkol sa mga nilabag n'yo sa ating patakaran."

Mabilis akong napatingin dito. "What do you mean by that, Deity? Masyado ba itong mabigat at kailangan pa kaming ipatawag dito?"

"Meron akong ibang nais at kailangan ko ang partisipasyon n'yo."

Tahimik lang kaming pareho habang pinapakinggan ito. Medyo kinakabahan sa mga sasabihin nito.

"Selene, at Cloud. Kailangan ko ang kakayahan n'yo para malutas na ang matagal na problemang kinahaharap natin na sumibol noong 300 taon na ang nakalipas."

"Kailangan ko kayo upang matapos na ang sumpang ito."

"Ngunit supreme Deity," ani ko. "Wala pang nakahahanap na paraan upang mawala ang sumpa. Thinking this is already impossible to achieve."

"Tama s'ya," singit ni Cloud at inayos ang salamin nito. "Kung may paraan ay malamang noon pa tapos na itong sumpa—"

"May paraan pa." putol ng supreme deity. Nagulat kaming pareho sa naging tugon nito.

Cage in Law [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon