CHAPTER ONE

191 9 23
                                    

Also check me on Dreame: lilsiszie

Also check me on Dreame: lilsiszie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Adobong baboy

"Selene," napaangat ako ng tingin mula sa paghihiwa ng karne at sinalubong ang tingin ng aming punong madre.
 
Pasimple akong ginala ang tingin kung may ibang tao pa rito sa kusina, bago muling binalik ang tingin sa kaharap na hinihintay na salubungin ko ulit ang kanyang mata habang may hawak na hinabing pamaypay na nakatakip sa kanyang bibig.
 
"Nabalitaan mo ba na may nakapasok kahapon sa lugar natin?" Kaswal kong binaba ang tingin at muling naghiwa bago tumango.
 
"Opo." Labas sa ilong kong tugon. 
 
"Nakita o nakilala mo ba kung sino?" ang madiin nitong tagalog at boses may edad na ay minsan ng nakapagpatindig balahibo sa akin. Ngunit sa tagal ko ng nakakasama ang madre ay nasanay na ako.
 
Sinulyapan ko muna ito bago binalik ang tingin sa hinihiwang baboy. Kinuha ko ang sibuyas sa basket na lalagyanan at 'eto naman ang pinagkaabalahan ko.
 
Paniguradong galit ito dahil sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay inaalam pa rin nila kung sino ang nakapasok. Alam kong hindi nila ako lalapitan kung may ideya na sila kung sino ito. Sa lagay ngayon, wala silang kaalam alam kaya naman napilitan ang isang ito na tanungin ako.
 
Mga nag-iinarte pa, lalapitan din ako pag may kailangan sila.
 
"Bakit ko naman makikilala, Sister?" Sa pinakamagalang na paraan na alam ko, tinignan ko ito at nginitian.
 
Alam kong alam niyang may alam ako sa nangyari. I pretend that I don't know. Ayoko lang na pahabain pa ang usapan. Nagugutom na ako.
 
Hindi makita ang reaksyon nito pero paniguradong nagpipigil na ito ng inis sa'kin.
 
"Ipagbigay alam mo sa amin pag may napansin kang kahina hinala."
 
"Opo." Hindi ko na ito tinignan at pinagpatuloy ang paghahanda para sa lulutuin.
 
Mukhang napansin nito ang kawalang interest ko kaya lumabas na ito ng kusina.
 
Patuloy pa din ako sa paghiwa at hindi na pinansin ang mga mapanghusgang mata na nakatingin sa akin.
 
I just want to eat. Istorbo sila. Pag nainis ako sila ang ipapalit ko sa karneng kakainin ko.
 
May nabalitaang may lalaking nilalang ang nakapasok dito kasama ang isang babaeng kasamahan namin. I don't the girl by name pero nakikita kita ko ito dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahahanap. Hindi alam kung saan na napunta, pero ang hinala ay baka sumama ito sa lalaki at isa sa kanila ang naglaho.
 
Paano ko nalaman? Maiingay sila. Sa harapan ko nagk-kwentuhan. Hindi naman ako chismosa, pinarinig nila 'yung kwento kaya nakinig ako.
 
Pagkatapos kong isalang ang niluluto ay lumabas naman ako para magwalis sa hardin na katapat lang ng kusina namin.
 
Hinsi ko man gustuhin pagsipag at gumawa ng gawain dito ay hindi ko mapigilan. Mabubulok ako sa kwarto kung hindi ako kikilos. Tataba rin ako masyado kung gano'n. Conscious pa rin naman ako sa aking pangangatawan.
 
The sunlight instantly brightens my rose wavy hair. My brown almond eyes shines with the sunlight. Iniwas ko ang tingin sa nakakasilaw nitong liwanag at kinuha na ang walis-tingting para makapaglinis ng mga tuyong damo na nahulog sa punong akasya.
 
This is my usual morning routine. Nothings new and special, lalo na kung palaging may mga matang nakatingin sa 'yo.
 
Napatingin ako sa gilid ng maramdamamg may nakatingin sa akin. Saktong pagtingin ko dito ay ang pag-iwas nito, pero halata naman na ako ang pinaguusapan nila dahil kinalabit pa nito ang katabi at tinuro ako bago muling bumulong.
 
Tumaas bigla ang kilay ko.
 
'Ni hindi ko alam kung bakit sila gano'n. Insecure? Wala kasing nagkakagusto sa kanila, nakakaawa naman.
 
Napabungisngis na naman ako at lalong yumuko para makita nila kung gaano kalaki ang hinaharap ko na wala sila. Masakit di'ba? Masarap lamasin 'to.
 
Inipon ko ang tuyong dahon at kinuha ang basurahan na malapit sa barandilya na naghihiwalay sa kusina at hardin.
 
Napatingin ako sa aking gilid ng may mahagip na anino sa gilid ng mata ko. Sakto naman ang pagtalon nito sa mataas na bakod gamit ang sanga ng punong akasya.
 
With my 20 20 eye vision, nakita ko na may naiwang punit na tela sa sanga ng puno.
 
Hmmm. Lalaki.
 
Paano ko nasabi? Walang nagsusuot ng pantalon sa mga kababaihan dito at puros mahahabang bestida.
 
Tinignan ko kung may tao sa paligid na ibang nakakita—Wala. Napatingin ako sa itaas. Mula sa nakabukas na bintana at hinangin na kurtina, nakita ko siyang nakatingin sa akin gamit ang naniningas nitong mga mata bago umalis doon na parang wala ring walang aninong nakabantay doon.
 
I never liked that woman.
 
Pagkatapos magwalis ay pumasok na ulit ako sa kusina para tignan ang niluluto. Pagkapasok pa lang, hindi na ako nagulat sa nakita.
 
I can see my adobong baboy eating by them: Maine, Lia, Kim, and Janette.
 
Hindi nila pinapansin ang presensya ko doon at parang wala silang ginagawang hindi labag sa loob ko.
 
Tinignan ko ang kaldero kung may natira pang ulam pero wala na. Maski ang sabaw nito ay ubos na.
 
Gano'n sila kapatay gutom?
 
Napaangat ang kilay ko at nilagay na lang sa lababo ang kaldero bago kinuha ang mansanas sa lamesa at kinagatan ito.
 
Well, this is my lunch then.
 
Mabilis akong nakarating sa kwarto ko. Puro magkakatabi ang kwarto namin dito pero pinili ko ang pinakahuling palapag at dulong bahagi. Doon pinagpatuloy ang pagkain habang ginagawa ang ibang trabaho.
 
Puro papeles ang nakapatong sa desk ko. Ang kalahati doon ay hindi pa nagagawa.
 
Inatasan akong gawin ang trabahong ito dahil ang mga babaeng kasama ko sa malaking bahay—or should I say mansion? Ay mga tamad at walang ibang inatupag kung hindi ang magpasikat at gawin ang nais. 
 
Completely living their lives. 
 
Pinulot ko ang isang papel at binasa ang nakasulat doon.
 
It's all about our myth that needs to be revised and transferred into another book using just ink and a feather pen.
 
How exciting.
 
Okay na rin ito. Kesa makita pa ang nakakaawa nilang mukha.
 
Napatingin ako sa aking kamay na puno na ng kalyo dahil sa pagsusulat. Minasahe ko ito bago muling kumagat sa mansanas at nagsimulang magsulat.
 
Pinagkross ko ang aking mahahabang hita at tinabi ang nahuhulog kong buhok sa mukha.
 
Isang dress na may slit sa gilid ang suot ko kaya malaya akong nakakakilos.
 
I prefer wearing revealing dresses than wearing those nun clothes na parang isang hindi makabasag pinggan na babae. Isa rin ito sa dahilan kung bakit gano'n ang binibigay nilang tingin sa akin.
 
Well, I don't want to hind my curves and thin body to them. Wala namang mangbabastos sa akin dahil walang lalaki dito.
 
I unconsciously look at my chest that almost reveals my nipples. I bite my lips and imagine if there is a man looking at me right now, malamang ay gusto niya na akong kagatin at pagsabihan na:
 
"You should not wear that dress anymore. Just stay naked. Tayong dalawa lang naman ang nandito."
 
I giggle at that thought.
 
It took me an half hour to finally finish the fourth page of the book I was revising.
 
Ramdam ko nang nangangalay ang likod at braso ko in just 30 minutes.
 
Tumayo ako at nag-unat unat. Nakaramdam ako ng pagkauhaw mula sa pagsusulat. I should get a glass and pitcher para hindi na ako pabalik balik sa pagkuha at inom.
 
Niligpit ko muna ang ibang gamit at pinatungan ng mabigat ang mga papel para hindi hanginin bago lumabas.
 
Saktong pagbukas ko ng pinto ay may tao sa labas.
 
Nagulat ako nang may lalaking kasama ang babaeng katabi ko lang ng kwarto at nakikipaglandian.
 
Napatingin sila sa akin. Nanlaki ang mata nung babae at nilagay naman nung lalaki ang daliri sa tapat ng labi n'ya, pinapatahimik ako.
 
"Can you do that on your room and lock the door? Halata kayo masyado dito." Sabi ko bago tumalikod at mabagal na naglakad pababa nang hagdan.
 
Hindi ko sila isusumbong. I just pretend that I don't see them. Madamay pa ako sa kaharutan nila.
 
Pagkababa na pagkababa ko ay nakita kong nagkukumpulan sila sa gitna at may manggagamot na dumating.
 
Napabuntong hininga ako at bahagyang lumapit sa eksena. Hindi ko na kailangan magtanong kung anong nangyari dahil may nagk-kwentuhan na sa tabi.
 
"Ano raw nangyari?" tanong 'nung isa sa katabi n'ya.
 
Tahimik lang akong nakikinig habang nakatingin sa apat na babaeng kumain ng pagkain ko.
 
"Bigla na lang bumagsak sa sahig at nangisay. 'Nung una akala namin sinapian, pero ang sabi ng manggagamot ay nalason daw ito sa kinain."
 
"Tsk tsk tsk. Kawawa naman."
 
Naglakad ako paurong at pasimpleng umalis sa lugar na 'yun, silently cheering and feel sad.
 
"Yes, kawawa naman. But that's what they deserve by eating my food."
 
Ilang beses na nila akong kinukuhaan ng pagkain. Ilang araw na rin na puro prutas na lang ang kinakain ko dahil sa kanila. Kung tatanungin ako, hindi ko kasalanan na namatay sila. Sino ba nagsabing kainin nila ang niluto ko? Ako ba?
 
There actions don't deserve to be tolerated so I created a pretty easy one to poison someone: food. Adobong baboy is everyone's favorite, especially for wolfs I think. Kung gulay ang hinahin ko ay paniguradong walang gagalaw. Wolfs are not vegetarian. 

Dumeretsyo na ako sa kusina at kumuha ng tubig at baso.
 
Bukas, wala nang kukuha ng pagkain ko. How delightful!
 
Thoughts suddenly pop into my head.
 
"Ano na kaya ang ginagawa 'nung dalawa sa itaas?" napailing iling na lang ako.
 
Paniguradong may sisigaw mamaya.
 
Uminom na ako bago muling pinuno ang pitsyel para hindi agad maubos.
 
Kumuha ako nang isang tray para mailagay ang hawak bago maglakad paakyat ng kwarto.
 
With my long legs, nakarating na kaagad ako sa kwarto. Wala man lang nakapansin sa akin dahil sa kaguluhan sa ibaba. Saktong pagsara ko ng pinto ay may sumigaw sa katabi kong kwarto.
 
This time for sure, her partner vanish or die.
 
"Hmm, not interested."
 
Kahit narinig ko na umiingay na sa labas ay hindi pa rin ako lumabas para makiusisa. Alam ko rin naman na.
 
Muli akong humarap sa desk ko. Tinitigan ko ito at napabuntong hininga.
 
Nakakapagod but at least I have a benefit from doing these.
 
Malamang 'yung katabi kong babae ay hindi nagbabasa kaya ayan ang napala n'ya.
 
Hmmm.
 
After a few minutes, while doin' my job, someone knocks on my door. As expected.
 
Binuksan ko ito para makita si Sister Eva sa harapan ko. Ngumiti ito sa akin. I did not smile back.
 
"Sister Eva. You're here." Kunyareng nagulat ako sa pagbisita niya sa akin, for the second time.
 
"Yes. Pwede bang pumasok, Selene?" napatingin ako sa loob, muli sa kanya.
 
Mukhang napansin nito ang aking pagdadalawang isip.
 
"Hindi tayo close." 
 
"Mabilis lang ako, iha. May gusto lang akong itanong." 
 
"Pasok 'ho kayo."
 
"Salamat."
 
Tinignan n'ya ang kwarto ko, mula sa kama, desk at kabinet bago muling humarap sa akin.
 
"Anong kailangan n'yo, Sister? May gagawin pa kasi ako."
 
"Minsan ay nagugulat pa din ako sa talas ng iyong pananalita. Tila hindi pa ako nasasanay."
 
Too formal.
 
"Sorry, sister. Sadyang ganito lang talaga ako."
 
"Alam ko, iha...Itatanong ko lamang ang pinagagawa ko sa 'yo."
 
Bahagya akong napataas ng kilay, "Iyon ba lamang kaya kayo naparito?"
 
Ngumiti ito, "Anong ibig mong sabihin?"
 
"'Yun lang ba ang itatanong mo? I know you still have in mind. Sabihin n'yo na sa akin." I am definitely sure that she is up to something. Sinong madre ba ang pupunta sa kwarto ng kanyang estudyante ng kayong dalawa lang at walang nakakarinig?
 
Inayos nito ang pahabang salamin bago nagseryoso.
 
"Tungkol sa nangyari kanina sa apat na 'yung kaibigan at sa katabing kwarto."
 
Sabi na.
 
"Pinagbibintangan n'yo 'ho ba ako?" deretsyuhang sabi ko.
 
Hinugot ko ang silyang gamit ko sa desk at doon umupo. Ang kausap ay nanatiling nakatayo at nakadungaw sa akin.
 
"Hindi sa gano'n, iha. May koneksyon ang lima sa 'yo at ikaw ang huling nakitang kasama ang apat. Ang isa naman ay katabi mo lamang, baka may nalalaman ka ukol sa kanila."
 
"Tungkol 'ho sa pinapinagawa n'yo, nakahalati ko na pero hindi pa tapos. Kim's friends and I are not close. We don't even talk that much. On Fray case, I don't know. I just hear her scream and that's it. I don't even bother to look on the scene dahil alam kong tatanungin n'yo ako."
 
"Hindi ka namin pinagbibintangan, naghahanap lamang kami ng impormasyon—"
 
"Pero sa akin kayo dumiretsyo kesa sa mga nakakasalamuha nila. You know that I don't interact that much, I don't even have a friend here. They all hate me and I don't even care about them anymore, then you are here na parang pinaghihinalaan ako."
 
Natameme ito at hindi agad makasagot. Hindi nakaiwas sa paningin ko ang paglunok nito.
 
I imagine a smirk.
 
"Sorry for being straight-forward, Sister. I just want to clear my name dahil wala naman akong kinalaman dito. You asked a wrong person, baka isa sa mga nakakausap nila o may galit sa kanila ang gumawa."
 
"Pasensya na, iha." Ngayon lang ito nakasagot sa haba nang sinabi ko.
 
I smiled.
 
"Nagbabasakali lamang k-kami, iha. Pasensya na at naistorbo kita. H-hindi na ito mauulit."
 
Tumayo ako nang naglakad na ito papuntang pinto. Sinundan ko ito at hinawakan na ang nob para buksan.
 
"Walang anuman."
 
Yumuko pa ito para sa huling bati bago lumabas sa kwarto. Agad ko naman itong isinara at ni-lock.
 
Napangisi na lamang ako. Nakaligtas ka nanaman, Selene. I'm so proud of you.
 
Pabagsak akong nahiga sa kama at pumikit.
 
Parang na-drain ako bigla.
 
Tumayo ako para uminom na lang muna ng tubig. Mamaya na lang ako kakain ng baboy para mawala ang gutom ko.
 
The day is boring but tiring. Masakit sa likod, may sasabay pang mga nilalang na ako na lang ang nakikita sa lahat ng kamalian at aksidenteng nangyayari sa lugar na ito.
 
Buti na lang binawasan ko na ang sakit sa ulo. Tumingin ako sa simentadong kisame ng aking kwarto at biglang may naisip.
 
Pinapahalagaan ng mga lobo ang buhay namin. Kung patuloy kami sa pagbawas at hindi maaksyunan ang nangyayaring ganito ay mauubos ang lahi naman sa paglipas ng panahon.
 
Should I be afraid about it? No, of course. My life is already meaningless. Bakit ko pa hahangarin na humaba pa ang buhay ko. 
 
I could die right now if I wanted too.

Cage in Law [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon