EPILOGUE PART 1

38 4 0
                                    

Epilogue Part 1

I don't know where to start 'cause first of all, I do not know where it started...It just happened.

Nalaman ko na lang na hulog na hulog na ako dito nang mawala siya sa paningin ko.

"Na saan siya?" Nilingon ako ni Charles galing sa pagpupunas ng kanyang katana. Kagagaling lang nito sa ensayo at pawis na pawis ang hubad barong katawan nito.

"Selene. 'Yung kasama natin kahapon,"

Kunot ang noo nito. Pinunasan ang pawis sa noo gamit ang isang kamay. "Wala ba sa kwarto?"

"Wala,"

"Mukhang tinakasan na tayo, par." Ani ni Steven na kakapasok lang sa training room namin. Gulo-gulo pa ang buhok, mukhang kagigising lang.

"May kasunduan sila ni Chief. She won't do that," pagtanggol ko pa rito.

"She already did, Mike. Malakas masyado ang loob," hindi ako nakaimik sa sinabi ni Lucas. Natatawang sinuportahan ito ni Zhelt na kalaro nito sa dart.

Hinagis nito ang hawak na baras, sakto ang pagkabato ni Zhelt at tumama ito sa gitnang bahagi ng board. Napangiwi si Lucas dahil doon.

"She's a woman after all. Baka away ma-involve,"

"Or just wanted to sit pretty in her room rather than getting her dress dirty." Nagtawanan sila sa sinabi ni Steven.

Aminado ako na nagbago ang tingin ko dito sa ginawa niyang pag-alis ng walang pasabi. Ngunit alam ko rin naman sa sarili ko na kami ang gumulo sa buhay nito at nanghingi ng pabor, kaya wala kaming karapatang laitin siya ngayon.

"Paniguradong magagalit si Chief," ani ni Charles habang nakaupo na sa sahig na may nakatakip na tuwalya sa mukha nito.

"He wouldn't," agad kong sabi. Lumingon sila sa akin dahil doon. "He will understand."

"Nagustuhan mo na ba agad 'yun? Ano nga ulit pangalan niya?" Tanong ni Lucas.

"Selene," Charles answered. Nakakabilib pa rin ang talas ng memorya nito.

"I just find her interesting."

"Goodluck. Mukhang hindi luluhod 'yun para sa'yo. Baka ikaw pa ang paluhurin,"

Aaminin ko na hindi ko kinaya ang ugali nito. She can't easily be tamed by anyone, but what matters is that I can talk to her, I'm fine with that.

Mayamaya ay kumatok, natigil kami sa ginagawang pagpapapawis nang lumitaw si Franco sa pintuan.

"Mike, pinapatawag ka ni Chief." Nakasuot pa ito ng apron at may hawak na sandok. Halatang galing pa sa kusina.

"Ayan na nga," sunod-sunod pa ang pang-aasar ng mga ito pero hindi ko na pinansin at dumiretsyo na lang sa kanyang personal na silid kahit amoy pawis pa.

"Mike, balita ko nawala ang bisita natin." Bungad agad nito sa akin kahit hindi pa ako nakakaupo. Pinunasan ko ang pawisan na nuo at napabuntong hininga.

"I think we should get someone else. Baka napilitan lang sa atin, Chief." Nakaupo ito sa rattan na pang-isahang upuan, may hawak na papel at panulat. Lumipat ang tingin nito sa atin.

"Bumilang muna tayo ng ilang araw at baka magbago ang isip. May tiwala ako sa kagaya niya at alam kong ikaw rin," umupo ako sa upuang na sa harapan nito na naka-parte ang dalawang binti.

"Of course, I'm your son after all." Natawa ito sa binigay kong sagot.

Hindi namin nilalantad sa bawat makikila na mag-ama kami. Kasama na sa dahilan ang proteksyon para sa mga kalaban pero ang tanging rason ay ayaw naming matawag na 'hari harian' at lumaki ika ang ulo dahil sa posisyon.

Cage in Law [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon