CHAPTER THIRTEEN

41 3 0
                                    

Fear Not

Isang malakas na sigaw ang dumagundong sa buong kuweba kasabay ng pagsabog at pagkadurog ng malalaking bato na muntik ng dumurog sa'kin kung hindi lang ako nakatakbo agad at umiwas.

Potangina!

Hindi man lang pumasok sa isip ko ang bagay na ito—hindi, hindi ko talaga inaakala ko na totoo ito!

Shit!

Hindi ko man lang magawang makalapit sa kalaban ko ngayon dahil nagwawala na ito ngayon at hindi makontrol ang paghampas ng malaking espada nito sa buong lugar. Naghuhulugan ang mga bato kasabay ng malalakas nitong sigaw na ikinasakit na ng tenga ko.

Hindi ko na kinaya at bumalik sa pagiging anyong tao. Masyado na akong nanghihina, wala na rin akong maisip para magawang makatakas. Duguan na ulo, binti at balikat ko sa tumatamang mga bato sa'kin. Saktong pagsilip ko dito mula sa malaking bato ay ang pag-atake ng espada nito patungo sa dereksyon ko. Agad akong tumayo at tumakbo palayo dito.

Isang malaking kalansay—No, what I mean is a titan skeleton with a damn sword!

Noong una ko itong nakita ay hindi ako nabahala dahil...kalansay na. Nakaupo lang ito nung una sa malalim na butas ngunit nung sinubukan kong tumawid sa batuhang daanan palapit dito ay bigla itong tumayo at nagwala kaya nasira n'ya ang tanging daan ko para makalabas. Nagawa ko pang makaiwas bago ako mahulog sa butas na hindi ko alam kung gaano kalalim. Pero base sa tindig nito ay hanggang bewang lamang ang tinutungtungan ko ngayon.

But I notice something na kahinaan nito. Bulag ito at tanging pakiramdam na lamang ang meron ito. Hindi niya ako nakikita pero nararamdaman niya ang presensya ko. May malaki itong espada na ikanabahala ko naman. Isang maling tama lang nito sa katawan ko ay paniguradong pira piraso ako.

Unting unti itong tumahimik at ibinaba ang hawak na espada. Napapikit ako sa kumikirot na katawan habang pinagmamasdan itong parang may hinahanap. Posible kayang hindi na ako nito maramdaman ngayong anyog tao ako?

My pace becomes slow, dragging my whole body into the corner, trying to not make any noise, and sudden movements. At this point, I can't stand it any longer. My body feels numb already from the pain and overworked. I tried to call him again, still hoping for him, them, to come.

"Mike, I need help."

Natuliro ako ng bigla itong naglakad papalapit sa pwesto ko. I tried my best to hold my breath and remain unmoving. Gusto ko ng maiyak sa takot na mahuli ako nito. Nanginginig na ako sa takot, nabato na ako sa kinauupuan at namistulang bato na.

"Ghad, Mike. I fuckin' titan skeleton is in front of me! Hindi sa minamadali kita pero..."

Mas lalo itong lumapit na ikina usog ko muli kahit wala na akong iuurong sa likuran ko, pwere na lang kung tumagos ako sa pader.

Mayamaya pa ay may narinig akong bumagsak sa kabilang dulo na agad narinig ng kalansay. Agad nitong binuhat ang espada at dinurog ang pader kung na saan ang lagusan. Nanlaki ang mata ko nang tuluyan pumasok ang liwanag mula sa labas.

Omg!

Happiness flowed through my body as I saw the exit wide open, followed by someone whispering inside my head that almost made me cry. Parang bumagal ang pagtibok ng puso ko, ang paggalaw ng titan skeleton na unting unti natatamaan ng mga batong sinira din nito, biglaang hangin na pumasok sa loob na nagpahawi sa buhok at ang mga anino sa labas ng kuweba na hindi ko inaasahang and'on.

He never fails, huh?

"I'm sorry, sweetheart. I'm here. Fear nothing if you're with me."

The team: Simoun, Charles, Mike, Zhelt, Lucas, Steven and Cloud, entered with proud smile and laughter.

"Now, that's what I called a dramatic entrance." Someone shouted from the distance before surrounding the titan skeleton leaving Mike and Cloud in front of me.

"Ang tagal mo!" sigaw ko rito na may kasama ng luha na hindi ko na napigilan. Hindi pa rin nawala sa paningin ko si Mike na todo ang ngisi sa'kin kahit may galos na rin s'ya sa katawan.

Nakaluhod ang isa nitong paa sa harapan ko at may ganap pang ayusin ang magulo niyang buhok.

"Sorry, napaaway pa kami sa labas...Stop crying already."

"Akala ko hindi mo ako naririnig! Baka lasog na ako dito bago ka pa dumating,"

"No, I heired your call. Your call saved me. Hindi lang ako nakasagot agad...and stop over acting, alam kong kakayanin mo bago pa ako dumating, " ngumuso pa ito na parang nagpapaawa pa. Inis kong binato dito ang maliit na bato na hawakan ko.

"I want to carry you but I can't. Can you walk? Si Cloud na bahala sa'yo."

"W-what about the skeleton?" napatingin ang dalawa sa likod nila. Meron pang mga iba pang dumating bukod sa grupo namin na ngayon ko lang napansin. Mga may mahika ito na nakapagpatigil sa kalaban ngunit patuloy pa rin ang nakakabingi nitong sigaw.

"My eardrums!" may sumigaw na naman mula sa grupo namin. That must be Steven.

"Stop shouting! Ang sakit na nga sa tenga sisigaw ka pa!" sita ni Zhelt dito na nakabantay sa likod ng mga may mahika.

"Sino sila?"

"Wizards." Maikling sagot ni Cloud, hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa kanila.

Ilan sandali ay nagpupumiglas ang higanti at nagawang tamaan ng kamay nito ang kanang bahagi ng kuweba kaya nag-collapse ito.

"Umalis na kayo! Baka gumuho na ang lugar!" dinig kong sigaw ni Charles.

Nag-anyong lobo si Cloud at pinasakay ako sa likuran nito. "Wag mo akong ihuhulog," banta ko dito.

Umungol ito, "then hold tight dahil iiwanan kita dito kung mahulog ka." Walang sabi sabi ay bigla itong tumakbo ng mabilis kasunod ni Mike na nag ibang anyo na rin na nakaalalay sa likod namin.

Narinig kong may inusal na dasal ang mga salamangkero bago may lumabas na malaking bilog na umiilaw sa baba na tinatapakan nito. Agad naglabas ng kanya kanyang mahika ang mga nakapalibot dito at patuloy ang usal ng dasal.

"O, diyos ng mga salamangkero. Dinggin mo ang aming dasal. Buksan ang pintuan ng kulungan at ikulong ang makakasakit sa lipunan. Palibutan ng kadena ang katawan at wag palabasin kailan man!"

"Anong ginagawa nila?" tanong ko habang pinapakinggan ang orasyon nila.

"They're sealing the titan"-sagot ni Cloud na patuloy pa rin sa pagtakbo-"binabalak nilang ikulong sa ibang dimensyo na para lamang sa mga may itim na mahika na katulad niyan."

The heat of the sunlight touches my face the moment we made it out of the cave. My eyes squint as I adjust to the sudden brightness. As I look back, different colors of magic surrounds the whole titan skeleton as it begins to sink into something. His body and arms are chained with something written on a piece of paper: a seal.

Huminto kami ng makalayo na at tinanaw itong unti unting naglalaho. "The dark curses is still active, huh? Mukhang na trigger mo ang isang 'yun, Selene."

Napatango ako sa sinabi ni Cloud. Tumingin ako kay Mike. Mukhang agad nitong napansin ang pagtitig ko ito kaya lumingon ito at nginitian ako.

Hindi ko magawang ngumiti. Meron itong mga sugat sa mukha at katawan. Ang tiyan din nito ay duguan at may benda. Binalik ko ulit ang tingin sa mukha nito.

He mouthed, "I'm okay."

Inalis ko na lang ang tingin dito.

---

Short fighting scene. Sa hindi nakakaalam, mahina ako sa action kaya kung pipilitin natin baka next year na naman update ko.

Cage in Law [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon