CHAPTER FIFTEEN

39 4 1
                                    

Three days passed and my wound finally heals. Nawala na rin ang sakit ng mga pasa sa katawan ko.

We're still here at the wizards territory to rest; Also I heared that Chief Simoun is busy business with also the Chief of Wizard.

They provide each of us a room that I much appreciated without anyone invading my privacy like I used to.

Though this pass few days feels so dull. I don't know, pero bagot na bagot ako at mabigat ang pakiramdam.

I'm with Apollo right now at the library. Kesa magkulong sa kwarto, I decided to accept his offer to go on the library. He heard that I'm into books that's why.

Ngunit kanina pa ako dito sa loob ay wala akong maintindihan sa lahat ng librong nabasa ko. My head is clouded right now with something else. I can't keep my concentration especially sa mga couples na dumadaan sa harapan namin at naghaharutan.

Inirapan ko sila. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nakita kanina.

Nakita ko si Mike na nasa pagamutan pa rin dahil hindi pa gumagaling ang sugat nito sa tiyan. Tuwing dumadalaw ako ay pirmi nitong kasama ang babaeng unang tumulong sa kanya na napag-alaman kong Stacey ang pangalan.

Naabutan ko pa kahapon na nakikipagtawanan ito dito habang pasimple nitong hinahawakan ang tiyan ni Mike na mukhang tuwang tuwa pa.

Kanina naman ay kasama n'ya ulit ito, nakadapa sa kama si Mike habang may nilalagay na kung ano sa likod nito si Stacey. Hindi ko na inabala pang tanungin kung ano iyun at hindi na tumuloy.

He seems fine alright. Maharot na e.

Padabong kong sinara ang librong kanina ko pang binabasa pero kahit ilang beses kong ulitin ay hindi ko maintindihan maski ang isang linya.

Nagsitingin ang mga malapit sa amin at mga dumadaan. I just glared at them.

"Are you done?" Tanong ni Apollo. Kasabay ko itong nagbabasa. Siya naman ay about sa panggagamot ang inaaral.

Hawak nito ngayon ang isang makapal na libro habang may suot na salamin sa mata.

"I'll just need to unwind. Sumasakit ulo ko."

"Oh, okay."

Tinignan lang ako nito hanggang sa makaalis. Sinarado ko ang malaking pintuan sa likod ko at naglakad papalabas. Kapansin pansin ang tingin ng mga lalaki, maski mga babae sa'kin na hindi na rin bago.

Almost everyone got my attention but isa lang ang gusto kong umangkin sa'kin.

Hinawi ko ang mahabang buhok at huminto sa parting mahangin at malalim na lumanghap ng hangin.

Nitong nakaraan parang kay hirap huminga. Halos hindi na rin ako makatulog sa kakaisip ng mga bagay bagay.

Hinawi ko ang buhok na tumabon sa mukha ko at napansin ang middle age na babaeng tumabi sa'kin ng tayo.

Nakita kong sumilip ito sa mukha ko kaya hinarap ko s'ya. Ngumiti ito at umiling.

"Ngayon lang kita napansin. Taga dito ka?" Wala akong balak sumagot pero kinausap ko na lang kesa mapagsabihan na naman ng bastos.

"No."

"Ibang lahi? Iba ang hulma ng iyong mukha at talas ng mata."

"Werewolf."

"Ah kaya. Ang ganda mong babae pero mainitin ang ulo mo. Bakit? May problema sa nobyo?"

Umiling agad ako. "Kung gan'on, MU? Landian lang pero walang label?"

Cage in Law [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon