KIO'S POV
ILANG month na din ng hindi nagising si Lysia,kapalit pala ng buhay niya ay siyang pagkagising namin. Nakulong siya sa ilusyon,alam kong kaya niyang labanan iyon ngunit ayaw ko siyang mawala. Gusto kong umamin sakanya. I don't wanna keep this anymore,hinalikan ko ang kamay niya bago ako umalis sa clinic. Nasa arena na pala ang lahat,dahil ngayon ang paglalaban laban ng studyante dito mismo. Nandito din ang mga flamenal students at ang velvettia students,puro sila tili ng makasalubong ako. I just rolled my eyes bago ginulo ang buhok ko,nakasalubong ko si Artheus ang anak ni Tita Xyrene.
Ngunit nung nagkabuguan kami ay nagpalitan lamang kami ng malalamig na titig. Kalaunan ay siya na ang umiwas bago ako binunggo sa balikat at pumasok sa arena,sinalubong ako ng kapatid ko. Binigyan ko lang siya ng tango at umupo sa upuan namin. Kasama namin ang royalties ng flamenal at velvettia. Hindi halata sa ugali nila na royalties sila dahil merong madaldal,at merong makulit pero meron ding singlamig ng yelo. Nakita ko ang bagong dating,estudyante ng velvettia kita naman sakanyang uniporme. Katulad ni Lysia ay ngayon ko lamang siya nakita. Ngumiti ito saakin at mahinhin na naupo sa kanilang upuan,halata sakanyang mukha na bago lang siya sa paaralang iyon.
May mahaba siyang gintong buhok,kaya naman nagtaka ako. Kailangan ba talaga mahaba ang buhok mo kapag bago ka?
I shook my head bago ako tumingin sa unahan. Sana naman gumising na si Lysia dahil bukod saaming apat na lalaki ay siya ang malakas sa mga babae dito sa royalties,inaabangan din siya ng mga estudyante lalo na ng flamenal academy at velvettia academy,dahil kalat na kalat na siya ang nag-alay ng buhay niya para mailigtas kami which is true though.
"NGAYON AY MATUTUNGHAYAN NATIN ANG PAGLALABAN NI LYSIA DYNESIA AT PHILOMENA REYES!"sigaw ni HM.
Mahinhin naman na tumayo ang estudyante sa velvettia academy. Pumunta na siya sa unahan,pero wala padin ang hinihintay ng lahat kaya naman bumuntong hininga ang kapatid ko na nasa tabi ko lamang. Isa sya sa naghihintay kay Lysia. Dahil kaming lima mamaya ang sasalang para kalabanin ang limang royalties nang flamenal academy.
"LYSIA DYNESIA. WALA BA SIYA—"
"Tss."
Lahat kami ay napalingon sa entrance ng arena. There we saw a cold aura,a girl that have a long wavy white hair and the most beautiful girl here in Arthemis Academy. Napangiti ako.
"Omygosh!"
"She's here already!"
"Ang astig niya!"
"Siya ba yan?"
"She's a goddess."
"Omg!"
"Ang ganda ng bagong estudyante ng velvettia academy at arthemis academy."
"Si Philomena yung may gold na buhok diba?"
"Oo,tapos si Lysia naman yung may white hair."
Bulungan nila. Sinundan naming lahat ng tingin si Lysia,matinding kalaban ang nasa velvettia dahil manipulator sila,intense ang naging labanan nakakagulat lang na hindi mailabas ni Philomena ang kanyang abilidad. Pero mas nagulat kami ng biglang huminto ang oras,hindi kami makagalaw ngunit nakikita namin kung ano ang nangyayari.
Philomena is controlling Lysia's ability to see the future in Philomena's eyes. Iyon ba ang ability niya?biglang nagbalik ang oras kaya naman parehas silang naiwang nakatayo. Bakas ang pagod sa mukha ni Philomena ngunit nasa kanya pading mukha ang magandang ngiti. Nakangiti ito kay Lysia. Ngunit blangko lang ang ekspresyon na binigay ni Lysia sakanya.
Lysia Dynesia | Arthemis Academy
- 100.02%
Philomena Reyes | Velvettia Academy
- 100%Nang makita na ang resulta ay nawala na si Lysia ng bigla,ikinagulat yun ng mga estudyante mula sa iba't ibang paaralan. Ngunit may naramdaman akong isang presensya,presensya ng babaeng gusto kong maging akin. Humarap ako dito,nakita ko ang gulat na rumehistro sakanyang mukha. Malapit ko na pala siyang mahalikan dahil sa sobrang lapit naming dalawa,ngumiti ako sakanya at hinalikan ang kanyang buhok dahil bahagya itong yumuko.
"Omygosh!"
"Girls nakita nyo yun?!"
"Omg!"
"They so bagay!"
"Oo nga bagay sila!"
"Look to Xera.."
"She look mad."
"Omygosh is she jealous?!"
"Omygosh talaga!"
"LysIo!"
"What's LysIo?"
"Lysia and Kio. LysIo."
"Corny ha."
Bulungan ng iba. Umupo si Lysia sa tabi ko,hinawakan ko naman ang kamay niya na siyang ikinagulat niya. I intertwine my hands on her,at hinalikan yun. Gods and Goddesses know how much i like this girl beside me right now.
"I have something to tell you.."
"I know."malamig na sabi niya kaya kinabahan ako,alam kong kaya niyang makakita ng hinaharap,"Aamin ka kay Xera diba?"tanong niya at tiningnan si Xera na may malungkot na ekspresyon.
"Y-Yeah?"patanong na sagot ko. Natapos na ang laban ng individual ng hindi ko nalalaman.
Nakita ko kung paanong kumikislap ang mata ni Philomena at Lysia ,kasabay ng paglalagas ng mga puno. Ito na naman,katulad din to nung muntik na ako mamatay dahil sa malaking puno. Hinawakan ni Lysia ng mahigpit ang aking kamay.
Seryoso siya habang nakatitig kay Philomena habang si Philomena naman ay seryoso ding nakatitig pabalik kay Lysia. Bahagya itong ngumiti kay Lysia ngunit sinuklian niya ito ng blangkong ekspresyon.
"NGAYON AY MATUTUNGHAYAN NAMAN NATIN ANG PAGLALABAN NG LIMANG ROYALTIES SA FLAMENAL ACADEMY AT LIMANG ROYALTIES SA ARTHEMIS ACADEMY!ARE YOU READY STUDENTS?!"panimula ng HM.
"YES!"sagot ng mga estudyante.
Tumayo na kami at kasabay ko si Lysia,nilagay ko siya sa unahan kaya naman kumunot ang kanyang noo. Nasa kanan niya ako at nasa kaliwa naman si Cloud,habang si Cyrell at Raven naman ay nasa likuran ni Lysia. Pumunta na kami sa gitna ng arena ang battle field,nandun na din pala ang royalties sa Flamenal Academy.
Si Zeiren pala ang muse nila. Si Zeiren ay isang Goddess Favourite hindi na ako magtatakang manalo sila sa laban na ito,sumugod si Zeiren kay Lysia ngunit nawala bigla si Lysia ng pumitik lang. Nagulat naman ako ng sapakin ako ng royalties na nasa harapan ko,hindi maganda ang kutob ko sa lalaking ito. Sinipa ko siya at tinutukan ng combat sa leeg.
"Sumuko kana. Akin na ang kwintas."sabi ko,kapag nakuha kasi ang kwintas ibigsabihin non ay pwede ka nang magpahinga.
Ngumisi lang ito at kinuha ng combat ko bago yun kinontrol gamit ang tubig at tinapon sa malayong parte ng arena. Damn it,how can I survive in this battle if i can't have my—
'Use your ability to see his past,dumbass.'
Nagulat ako ng magsalita si Lysia sa isip ko,tiningnan ko siya. Nakita kong nakatigil lang si Zeiren sa pwesto niya. Habang nakatitig si Lysia sa mata non.
YOU ARE READING
Arthemis Academy (UNDER REVISIONS)
LosoweShe is the chosen one, a girl from the prophecy. Academia #2