THIRD PERSON'S POV
LAHAT ay nakikipaglaban para sakanilang buhay at para sa kapayapaan,nagkalat ang darkanians sa buong paaralan kahit sa isang paaralan ay meron din. Maliban nalang sa flamenal academy na protektado ni Xyrene Moon,lumalaban naman si Xyrene Moon sa academia ng VELVETTIA dahil nasasakop niya din ito. Inis na umalis naman si Xera sa palasyo ng mga pangit,iyon ang tawag niya sa mga darkanians. Ngunit ng paalis palang siya at may tatamang palaso na sana sakanya ngunit agad iyong nakontrol ng bagong dating,maarte siyang umirap sa lalaki. Si Raven ang lalaking iyon kaya hindi niya maiwasan ang pagtataray. Mayabang na ngumisi naman si Raven sakanya kaya naman inirapan siya ni Xera,ngumiwi naman ang lalaki bago tinapon ang palaso na binali niya.
Hinawakan niya ang kamay ng babae bago sila sabay na tumakbo,naramdaman ni Xera ang kuryente na hindi niya dapat maramdaman. Naiiyak siya dahil hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman,gusto niya padin si Kio pero dahil sa ginagawa ng binatang ito sakanya ay nalilito siya. Tumigil na sila sa pagtakbo dahil may mga bampira silang nakasalubong,at alagad din iyon ni Dracula. Tumango naman si Raven kay Xera at nagkahiwalay sila,si Xera ay hinahabol ng mga lalaking bampira habang si Raven naman ay hinahabol ng mga babaeng bampira.
Huminto na sa pagtakbo si Xera ganon din naman si Raven,humihingal ang dalawa habang ang mga bampira naman ay nanggagalaiting kainin ang dalawa. Ngumisi ang lalaking bampira sa babae na si Xera,napairap naman ang dalaga bago siniringan ang bampirang iyon.
"Prinsesa ka pala,Binibini."ngumisi ang bampira sakanya,she admit that the vampire infront of her is handsome,"..at ordinaryong mamamayan lamang ang binatang iyon dito."sabi ng bampira at ngumisi kay Xera bago nilapit ang ilong sa leeg ni Xera.
Hindi naman alam ni Xera ang kanyang gagawin,wala siyang planong iba. Inis siyang umirap sa lalaking bampira natawa naman ang ibang bampira dahil sa ugali ng prinsesa.
"Ano naman kung ordinaryong mamamayan lang siya?!hindi naman ikaw ang magmamahal sakanya!ako naman eww duh!"maarteng sabi nito at nagflip hair pa.
Natigilan naman si Raven dahil sa narinig niya ang boses ni Xera sa kabilang banda,alam niya na may gusto sakanya si Xera pero tinatanggi iyon ni Xera dahil ang alam niya ay si Kio padin ang laman ng puso ni Xera. Ngumisi naman si Raven sa mga babaeng bampira,bago niya ito ginamitan ng spell. Kaya naging ordinaryong babae nalang ang mga ito,pinatay niya ang mga babaeng dating bampira.
Nagulat naman silang lahat dahil nagcollide na ang araw at buwan,alam na nila ang senyalis niyon. Pumunta na si Raven sa gawi ni Xera at pumito para magamit nila ang pegasus kailangan sila sa academia,ubos na din ang mga darkanians sa labas ng academia. Kaya naman pumasok na sila sa loon non ng makarating sila,pero isang kumpol ng darkanians ang nakasalubong nila.
Sinipa ni Xera ang darkanians na humahawak sakanya kaya naman naging abo ang darkanians na iyon,si Raven naman ay pinapatay ang mga darkanians na lalapit sakanya at papatayin si Xera. Pagkatapos niyon ay magkahawak kamay silang pumunta sa bandang likod ng paaralan,pero nakita nila si Kio na pinapalibutan ng mga darkanians. Tumingin din sila sa kalawakan,nakita nila si HM na may dalang sanggol at paalis kasama ang isang pegasus.
---------
RAVEN'S POVHINAWAKAN ko kaagad ang kamay ni Xera dahil nakita ko kung paanong magsasalubong ang araw at buwan,pumunta na kami sa likod ng campus pero si Kio at ang kumpol ng darkanians ang bumungad saamin. Kinakalaban iyong mag-isa ni Kio,nagtataka naman ako kung bakit nawawala ang sugat nito kapag nagkakaroon. Hinila naman ako ni Xera sa tabi ng school,sinilip ko ang parte na iyon nila Kio kaya bahagya akong natigilan. Nararamdaman ko kasi ang hininga ni Xera saaking leeg.
Hawak ang kamay at nagkatitigan. Nakita ko ang future ko..kasama si Xera at ang magiging anak namin. Ngumiti ako at iniwas ang titig sakanya,sapat na ang nakita ko upang malaman na saakin ang bagsak niya pagkatapos nito. Isa lang akong normal na mamamayan nitong mundo namin,hindi ako royalties ngunit may dugo ako ng isang God..iyon ang aking sekreto.
"Don't go away,"sabi ko kay Xera nang tatayo na siya dahil nakita niya kung paanong saksakin ng darkanians si Kio sa bandang hita,"..let me help him,hmm?ako nalang."sabi ko at hinalikan ang ulo niya,I saw how her cheeks turned red.
Tiningnan ko naman ang kwintas niya dahil umilaw ito. Ganon din ang pulseras na nasa kamay ko,bigla iyong naputol ngunit naputol din ang kay Xera. Indikasyon na may supling na sa loon ni Xera,iyon ang sinabi saakin ni God Zacharious noon. Kapag daw natanggal ang pulseras na ito,pero natanggal din daw ang kapares nito na nasa ibang magician..ibigsabihin non ay mate kayo at may nabubuong sanggol na sa sinapupunan niya.
Umalis na ako duon at pumito,biglang dumating ang pegasus ni God Zacharious,the most precious pegasus that i won't risk. Pero ngayon,para sa babaeng si Xera ay kaya ko itong gawin,sumakay na ako sa pegasus at pinalipad iyon. Gamit ang spell ay binibigkas ko iyon para sa mga dark users,napangiti naman ako dahil nakita ko kung paanong naging kakaunti nalang ang mga darkanians,pero nagulat ako dahil may black hole na sobrang laki ang nakita ko sa gymnasium,lumabas duon ang mga darkanians.
Damn.
Bumaba ako sa gymnasium,nakita ko na nandun na ang mga royalties. Nandun si Xera,Kio,Xia,Cyrell,Lysia,Ryker at iba pang royalties na galing sa flamenal academy. Sa flamenal kasi ay sobrang tibay ng barrier at may armour din na nakapalibot kaya hindi makakapasok ang mga darkanians na ito. Nagulat naman ako ng itulak ako ni Xera,pero mas nagulat ako ng patayin niya ang darkanians. Natawa naman ako ng mapatay niya iyon ay siya namang pagsuka niya,there i know that she's pregnant with my baby.
Sinipa ko ng malakas ang darkanians na lalapit sana kay Xera,bago ko si Xera hinila papunta sa base ng mga royalties. Now..this is a war.
YOU ARE READING
Arthemis Academy (UNDER REVISIONS)
De TodoShe is the chosen one, a girl from the prophecy. Academia #2