THIRD PERSON'S POV
LAHAT ay naghanda para sa isang masayang malaking party para sa tagumpay nila na wakasan ang kasamaan,ngunit malungkot iyon dahil walang Lysia na malamig pa sa yelo ang pupunta para makisali sa salo-salo nila. Inayos ni Kio ang suit na kanyang suot,kasama niya ang anak niya. Tiningnan niya ito,nakalimutan niya na dito pala sa palasyo niya gaganapin ang grand ball na iyon,kaya naman sinuklayan niya ang buhok ng anak bago ito hinarap sa salamin. Magkahawig nga silang dalawa sa pangangatawan at pakikitungo,pati ang buhok ay gayang gaya ng sakanya. Ngumiti siya sakanyang anak bago bumaba na magkahawak ang kamay.
Lahat ay napanganga ng bumaba na ang mag-ama,ang mga katiwala ng palasyo naman ay nagsiyuko at ang mga kawal naman ay itinaas ang sandata bago sumaludo tanda nang pagiging respeto nila. Ngumiti naman si Xia sa pamangkin niya habang dala-dala ang anak niya na si Heaven,ang kanyang anak na babae. Humalik si Xia sakanyang pisnge habang si Eious naman ay nanatiling nakasimangot dahilan para matuwa si Xia,naaalala niya kasi kapag nahihiya ang kanyang kapatid na si Kio noong kabataan nito.
Pero gusto niya ding makita si Lysia para pasalamatan sa pag-anak kay Eious sa mundo nila,dahil naging mayaman ang kaharian nila marahil ang dahilan ay ang talino at pagpupursigi na makaahon ang mga mamamayan. Ang mga mamamayan din ay natutuwa sa mga batang iyon lalo na sa anak ng kanilang hari,magiliw kasi silang kinakamusta ng bata sa tuwing bibisita ito. Lumapit si Glenda sa batang si Eious,ang batang si Glenda ay anak ng isang mababang mamamayan na naninirahan sa lupain ni Kio.
"Prinsipe,ako ay maligayang makita ka."mahinhin na sabi ni Glenda sa bata,napangiti naman si Kio bago sinundot ang tagiliran ng anak. Kumurap kurap naman si Eious dahil sa sinabi ng batang iyon,"paumanhin,Haring Kio. Hindi ko po nais na—"ginulo ni Kio ang buhok ng bata,dahilan para mapatulala si Glenda.
Hindi niya kasi alam na ganon ang magiging trato sakanya ng hari,lalo na at sinasabi ng kanyang ama na masama ang ugali ng hari nila. Maliban nalang sa anak nito,ngumiti si Kio bago sumenyas kay Eious na aalis siya papunta sa table ng mga kaibigan,tumango lang si Eious.
Napangisi naman si Xia dahil nakita niya ang dalawang batang iyon na nag-uusap,binatukan naman siya ng kanyang kapatid na si Kio. Napaaray ito at yumakap sakanyang asawa,dinaluhan naman ito ni Damian ng yakap. Napairap naman si Xera at ngumiwi naman si Ryker dahil sa kasweetan ng dalawa.
"Ang cute kasi nila,Kio."sabi ni Xia at tumingin din si Kio sa anak niya at kay Glenda,"..kaso destined na si Eious for someone."dagdag ni Xera at ngumisi kay Xia. Xia gritted her teeth because of annoyance pero dumila lang si Xera sakanya.
Napailing nalang si Kio at hinimas ang sintindo. Tinawagan na din siya ng kanyang pangalawang kamay,dahil siya ay magpapastart na ng party. Kaya naman tumayo na si Kio sakanyang upuan bago sinenyasan ang kanyang anak na magpaalam na,iyon naman ang ginawa ni Eious kay Glenda.
Hinila ni Kio si Eious paakyat sa hagdan. Eious is just 7 years old,pero maliit padin ito. Nang makarating na sila duon ay tumingin ang lahat ng tao sakanila,lalo na sa batang si Eious dahil ito ay gwapong gwapo sa suot nitong simpleng pantalon at polo na puti.
"Good evening everyone. First of all thank you for coming in our Grand Ball."sabi ni Kio at tumingin sakanyang anak na may sariling mundo,"..actually this is just my idea. I want all of you to know that I'm glad that you all are safe and alive."sabi nito.
Inalala niya kung paano ni Lysia inalay ang kanyang buhay para maisaayos ang lahat lahat sa academia at sa mundo nila,nawala ang babae dahil gusto nitong baguhin ang itinakdang mangyari at ang nasa propesiya,isa siyang bayani dahil sakanyang ginawa. Lumandas ang luha sa mata ng royalties at ng ibang taong imbetado ng maalala niya ang sakripisyo ni Lysia. Dahilan para mawalan ng ina si Eious,hindi nila ginusto ang maging pasanin kay Lysia.
"My soon to be queen..sacrifice her life,and she..she healed me when I wanna take my own life. Mortal na ako non pero sinuko niya ang sarili niya para maibalik ako dito... dito sa harapan niyong lahat,"sabi ni Kio. Napahikbi ang mga bisita,"..my queen is selfish,she can do anything in just a snap. And she can sacrifice her life just for us to survive."he continued.
"In this grand ball. I want her to know how much I love her,and how much I wanna sacrifice my life for her too,pero iniisip ko si Eious. My son need a Dad just to guide him in all things,"sabi ni Kio. Natawa naman si Eious kaya napangiti din ang mga bisita,mana nga si Eious sakanyang ina. Malamig ngunit nakakagaan ang presensya,"..Rose,your Son want to be with you. He want to have a complete family."sabi ni Kio,kaya napatungo ang mga bisita.
Alam nila na sila ang dahilan kaya nawala si Lysia,kaya naman nagsisisi sila. Lalo na ang mga taong sinabihan ng masasakit si Lysia.
"I wanna marry her,kaso wala naman siya. Alam nyo kung nasaan siya?"tanong ni Kio.
Nagulat naman silang lahat ng pagtingin ni Kio sa labas ay siyang pagsasalubong ng araw at buwan,lunar eclipse. Nasa propesiya na babalik si Philomena at Lysia,pero hindi nila alam kung kasama si Lysia o kahit si Philomena.
Lalo silang nagulat dahil nakarinig sila ng yapak nang stilettos. At ang pagliwanag ng paligid,kaya naman napalunok si Kio. Si Eious naman ay napanganga at nanunubig ang kanyang mata.
'Son,I'm back.'
Sabi ni Lysia sa isip ng anak,kaya naman tumakbo si Eious pababa. Sinundan naman siya ni Kio dahil baka mapahamak ang anak. Napatayo silang lahat ng magbukas ang pintuan ng palasyo.
YOU ARE READING
Arthemis Academy (UNDER REVISIONS)
DiversosShe is the chosen one, a girl from the prophecy. Academia #2