CHAPTER 22:LEAVING

152 5 0
                                    

XERA'S POV

NANDITO padin kami sa teritoryo nila,nainis panga saakin si Beatrixe because of what i've done daw. Like duh,i'm just stating the fact. Hello,i'm the daughter of Zellish and Vrix Artheus. They don't have the right to control me kaya,inirapan ko si Raven na nakatingin saakin. Tinitingnan naman ako ni Zeious ng masama kaya tinaasan ko siya ng kaliwang kilay ko bago siya inirapan,ang iniisip ko ngayon ay ang pagkain sa palasyo. Kapag talaga nakaalis ako dito kakain muna ako bago sumabak sa digmaan. Inis akong tumayo at tinadyakan ang rehas,nagulat naman ako ng tumabingi ito.

Tumayo ako iba kaya naman umupo ako ulit,duh. My strategy is my own,hindi sakanila at sa iba. Duh,ako ang magbubukas tapos ano?sila lang ang makikinabang. Ang hirap kaya,at sumakit din ang paa ko dahil sa ginawa ko. Damn it,i don't deserve this. Lumapit saakin si Zeious ang pinsan ko,hindi naman halata na magpinsan kami because of our differences. Kasi maganda ako at gwapo siya duh,hindi naman siya maganda kasi lalaki siya. At tsaka mas matalino siya kesa saakin,inirapan ko siya at ngumuso dahil nagugutom na talaga ako. Nakakainis ah.

"What are you doing here huh?"tanong ko sakanya at inirapan siya,ginulo niya naman ang buhok ko kaya sinuntok ko siya sa kamay,"I'm just asking you..tsk!"inis na sabi niya bago nagmartsa paalis.

Nakatulog pala si Kio at Xia,damn it. Wala na ang pag-asa namin,sabi kasi ni Beatrixe ay pagkaopen ng pangalawang pahina ay nawala din si Kio at Xia,panigurado daw na bumalik ang dalawa sa past. Umirap ako,paano naman nila magagawa yun?dahil lang sa libro?the fuck. I know that i'm not that genius,but I'm not dumb to believe that.

Lumapit ako kay Kio at tinapik ang pisnge niya. Ang gwapo talaga niya,mapait akong ngumiti. Kaso may gusto siyang iba at yun ay ang tinuring kong kapatid na si Rose,si Kio ang naging sandalan ko sa lahat noon. Dahil nung nawala si Rose saamin ay nawala na din ang tiwala ni Mom and Dad saakin. Hinalikan ko siya sa labi dahil iyon naman na ang huli.

"Gising na,Kio. Your baby and the woman you love is waiting for you."sabi ko sakanya,tumayo na ako at sinipa ulit ang rehas.

'Xera,kailangan nyo magplano.'

Natigilan ako dahil sa boses na narinig ko sa utak ko. Tiningnan ko ang paligid,alam kong si Lysia ang nagsalita na iyon. Alam na alam ko at kilala ko din ang boses niya,pero imposible..she's just a—no,she is the Goddess Favourite.

Tumingin ako sa iba. Alam kong narinig din nila sa isip ang sinabi ni Lysia saakin,tumango si Cyrell at umupo kami ng pabilog. Si Raven at Ryker naman ang tagapagbantay ng rehas dahil kami ang magplaplano.

"Let's make Plan A to D."sabi ko,tumango naman si Cyrell,"Plan A..subukan nating paganahin ang ating mga abilidad. Lalo na kayo velvettia academy."seryosong sabi ko.

Tumango naman ang sa velvettia,kaya naman tiningnan ko ang arthemisians busy sa pakikipagharutan si Beatrixe kay Raven kahit na nagbabantay ito. Kaya naman inalis ko ang sapatos ko na may takong at binato yun kay Beatrixe pero bago pa tumama ay kinontrol ko iyon gamit ang apoy. Buti nalang hindi nasunog,binili ko pa naman to dati sa mortal world.

Inirapan ko si Beatrixe bago ako humarap ulit sa aking mga kasama,alam ko kung gaano katalim ang tingin saakin ni Cyrell. Pero kasalanan niya naman,she's not securing her girlfriend. Duh,ang landi kaya.

"Plan B,sisirain natin itong rehas at papalayain natin ang ibang immortals na nasa selda din."sabi ko,inirapan naman ako ni Felicity kaya naman binato ko siya ng sapatos ko bago kinontrol gamit ang apoy.

'Serve your powers.'

Tumikhim ako at tiningnan sila. Alam ko na narinig nila yun.

"Plan C,serve your powers. Dahil pwede nating ikamatay yun,i don't wanna die hindi ko pa napapakasalan si Rave—whatever. Basta serve your powers."maarteng sabi ko at inirapan silang lahat.

Echosera sila. Nagpapalitan ng tingin saamin at kay Raven,duh. Wag baka mahalata,they are so dumb.

"Plan D..fight for your lives."

----------
THIRD PERSON'S POV

NAGKAKAGULO na ang lahat,pati ang academia na VELVETTIA at ARTHEMIS. Hindi nila alam kung saan sila pupunta,nilalabanan nilang lahat ang mga darkanians na haharang sakanilang dinadaanan. Merong darkanians sa parehas na academia kaya naman nahirapan ang lahat na respondihan ang parehas na academia. Samantalang naka-himlay padin si Philomena at si Lysia sa isang hardin sa Gods and Goddess Palace,ang kanilang diwa ang nagpapadala ng mensahe at nageensayo habang ang kanilang katawan naman ay siyang nakahiga duon.

Napangiti si Goddess Zaichi,siya ang matandang goddess na namumuno sa buong Gods and Goddesses dahil namatay na ang ina ni Goddess Felicity at si Goddess Felicity naman ay napiling maging reyna sa immortal wold ngunit siya padin ang crown goddess para sa Supreme Goddess.

MAKIKITA naman ang pag-aaklas ng VELVETTIANS at ARTHEMISIANS sa loob ng selda na iyon. Inaalis nila ang rehas dahil gusto na nilang makaalis lalo na si Xera na nagugutom ba. She wanna be freed.

"Si Kio at Xia!Zeious,dalhin mo sila sa Floweria Kingdom!"sigaw ni Xera at tinuro si Kio at Xia na wala pading malay at nakaakay kay Beatrixe at Cyrell. Iyon naman ang ginawa ni Zeious,"Mag-hiwalay hiwalay tayo!sumama saakin ang gustong sumama!"sigaw ni Xera at tumakbo habang pinapatay ang mga kalaban.

Tiningnan niya ang kanyang likuran ngunit napairap nalamang siya at napakagat sa labi dahil sa frustration na nararamdaman niya. Wala manlang sumama sakanya para makipaglaban.

"Damn it!You ugly creature!you must die!"sigaw ni Xera at pinatay ang mga kalaban. Napamura nalang siya ulit dahil sa frustration,nagkadugo kasi ang kanyang mga kamay,"Mamatay na kayo!"sigaw ni Xera dahilan para mawasak ang mga katawan ng kanyang kalaban.

Muntik na siyang masuka dahil sa pandidiri,napunta kasi sa paanan niya ang ulo ng isang babae. Nagulat naman siya ng makita niya ang flashback sa isang babae..

"Ako ay tutol sa paghihimagsik ni Dracula."sabi ng babaeng may itim na cloak,"..ngunit alam kong papatayin niya ang aking pamilya kapag hindi ako tumupad sa inalay kong katapatan."dugtong niya.

Xera shut her eyes because of what she saw. Nakonsensya tuloy siya dahil isa pala ang babaeng iyon sa gustong palayain sila.

Arthemis Academy (UNDER REVISIONS)Where stories live. Discover now