THIRD PERSON'S POV
UMALIS na sila sa mansion pagkatapos nilang malaman na meron dito ang ganong library. Nalaman din ni Kio kay Beatrixe na dati siyang tumatambay sa book shop na iyon kaya naman kinabukasan ay nagmadali silang pumunta sa library na iyon. Nanduon na din pala ang royalties nang velvettia academy,ngunit kataka-takhang hindi pa nakakapasok ang mga ito. Pumunta sila sa harapan ng library,pero nagulat ang estudyante ng velvettia academy dahil nagbukas iyon nung dumating ang mga estudyante ng arthemis academy. Pumasok na silang lahat sa library,walang nakakaalam sa pagpasok nila dahil nakahinto ang oras.
Nagulat sila ng magbago ang balanse nang library. Ngayon ay ang velvettia at arthemis ang nandun,lumabas din ang isang lalaki. Namula naman si Beatrixe dahil sa lalaking nakita nila,crush niya kasi dati ang lalaking nasa harapan nila ngayon. Ngumuso naman si Cyrell dahil sa reaksyon ng baabeng kanyang minamahal,binatukan ni Cyrell si Beatrixe kaya naman sinamaan siya ng tingin nang babae. Natawa naman ang iba dahil sa kasweetan ng dalawa.
"Alam ko kung bakit kayo naparito."sabi niya,kaya naman napalunok ang iba sakanila,"Ang libro ng Aurelian ang inyong hinahanap."sabi nito at tinaas ang libro,ang libro na merong nakaukit na buwan sa gitna at merong dalawang babae.
Alam nila kung sino ang babaeng iyon. Iyon ay si Philomena at si Lysia,lumapit si Kio sa lalaki. Ngunit ngumisi naman ang lalaki bago bahagyang tinulak si Kio na ikinagulat naman ng lahat.
"Sabi saakin ng goddess. Ang siyang naglagay ng dugo sa dalawang binibining iyon ay.. kailangan ang makakuha ng librong ito ay nararapat."sabi ng lalaki,sumeryoso ang lalaki."Ang tanong ko ay.. nararapat ba kayo para sa librong ito?"tanong ng lalaki,napahagulhol naman si Xia kaya naman nag-aalalang lumapit na naman si Kio sakanyang kapatid.
"K-Kuya..si L-Lysia.."kinabahan ang binata dahil sa unang sinabi ni Xia,"..siya ang tatapos sa k-kasamaan at s-siya—"
"Alam ko na kung sino ang nararapat."seryosong sabi ng lalaki kaya napatingin ang lahat sakanya,ngumiti ang lalaki kay Xia na ikinagulat naman ng dalaga."Mahal na prinsesa. Ako si Damian Alistair,nais ko lang magpakilala..dahil ikaw ang nararapat na mag-mayari ng librong ito."sabi niya at hinalikan ang kamay ng dalaga.
Kinuha ni Xia ng dahan dahan ang libro,ngumiti naman si Xia sakanya at ganon din si Damian. Nagulat naman ang lahat dahil umilaw ang sugat sa kamay ni Damian at ni Xia.
"Mate.."sabi ni Xia at ngumiti naman si Damian kay Xia,"I-Ikaw yung..yung nasa panaginip ko?"gulat na tanong ni Xia.
"Ako nga binibini. Ngunit wag nyo sanang masamain,kailangan na ninyong umalis. Nanganganib ang buhay ng mundo natin."sabi ni Damian,"..sasama ako sainyo."sabi ni Damian ulit ng palabas na ang mga royalties.
Nagulat naman ang lahat ng nakita nila na nasusunog na ang mansion. Mabuti nalang at dala na nila ang kanilang gamit bago pa iyon mang-yari,nagbukas na ang portal kaya naman pumasok na sila duon. Wala na silang pakialam kung makikita sila ng mga ordinaryong tao.
YOU ARE READING
Arthemis Academy (UNDER REVISIONS)
De TodoShe is the chosen one, a girl from the prophecy. Academia #2