Chapter 6.

280 7 0
                                    

Tumakbo sa akin si Eyra. Nakasuot siya ng puting dress habang itim ang akin. Gabi ang party kaya kumuha ako ng dalawang jacket, para sa malamig na hangin na tiyak na hihipo sa mga balikat namin mamaya. Straps ang akin habang may manggas ang sa kaniya. She look cute in every cloth she wears. Kahit panlalaki ay babagay, I can already see my daughter as a model.

Nauna na ang cakes sa venue at syempre workers ko ang naghatid kaya walang naging problema. Stella will fetch us later. Baka antukin ako mamaya kaya ayokong dalhin ang kotse.

My hair is tied up with the messy type and of course, mother like daughter, Eyra's hair is tied like that too. Lumabas na kami sa bahay at hinihintay na lang si Stella na on the way na raw.

Isinuot ko ang mga jacket sa aming dalawa ni Eyra dahil nahahanginan ang leeg namin. Alas siete pa lang pero madilim na madilim na. Maliit lang ang liwanag ng buwan ngayong gabi.

Ilang segundo lang ay dumating na rin sa harap namin ang isang puting sasakyan. Driver ni Stella ang naroon.

"Sorry, ma'am. Busy si madam Stella kaya ako na ang inutusan niya." I nodded as a response before getting in.

"Mommy, hindi pa po me sure sa gift ko kay mamita, do you think she'll love my handmade accessories?" ngumiti ako sa kaniya.

"Of course she will, natatandaan mo pa ang sabi niya nu'ng nakaraan? Basta binigyan mo ng effort iyon, hindi iyon matatanggihan ng kung sino. Just like me, even just an ice cream on my birthday, I will still love it. Mamita will love your gift, baby."

"Thank you, mommy."

Not long, nakarating kami sa company kung saan ice-celebrate ang birthday ni tita. Busy nga talaga si Stella dahil marami na agad bisita. Ang iba ay hindi ko mamukhaan dahil siguro nadagdagan ang mga kaibigan nila sa business. Nandito pa rin ang mga dati nilang kasama sa trabaho. No wonder, this family has a big circle of friends since they don't see other businessmen and women as their enemy. Lahat ay kinakaibigan nila.

The cakes are displayed in the tables together with the other desserts. Pumunta kami sa harap para batiin si tita Mariam. Napuno agad ng kislap ang mata niya pagkakita kay Eyra.

"Apo! Look cuter tonight, baby girl." she touched her face and they giggled both.

"Happy birthday, tita. I wish for more birthdays for you. Lalo ka pong naging flawless ngayon. Mind if you tell your pamangkin your secret on how to keep such a beauty?" I teased.

"Jusko ka, Tin. Pinapakilig mo naman ang tita mo. I don't really put so much effort on my beauty. Dahil ito sa magandang pangangalaga. Anyway, thank you." we smiled.

"Mamita, here's my gift. Hope you like it po!" Eyra handed her the box. Pinapili ko ng regalo si Eyra kaninang umaga sa mall pero magagandang beads ang pinabili niya. "I made that myself."

Mukhang nahaplos niya na naman ang puso ni tita dahil gusto na nitong maluha pagkaabot pa lang ng box. Nang mabuksan ang box, namangha ang mga mata niya.

Eyra is satisfied with her reaction. "Aww, thank you so much baby. I will keep this accessories. Mas gusto ko pa ang mga ganito kaysa sa ginto. Best birthday gift, apo. Mhm, mamita loves you!" niyakap niya ang bata at maluha luhang kinurot ng marahan ang pisngi nito.

This is the view that I will never see on my own mother. Buti pa si tita Mariam, nagagawang magpaka-lola kay Eyra. Hinding-hindi ko makikita iyon kay mama dahil ni pagpapaka-nanay ay hindi ko naramdaman.

It's not the right time to think about that stuff but I happened to see my family—or do I really have a family?

"My gift is on the gift table, tita. I hope you'll like it, too. Uhm, Eyra, baby, say goodbye to mamita for a while. She have to talk to her friends too."

MY DAUGHTER WANTS TO HAVE A DADDY. Where stories live. Discover now