Chapter 10.

263 7 0
                                    

A cold yet fresh breeze welcomed us in Baguio. I booked a room last week so it's all prepared.

"Are you cold, Eyra? You should have wore your jacket." paalala ko sa kaniya, nilalamig kasi siyang nakadungaw sa terrace ng unit namin. Kinuha ko ang maleta at kinuha ang pink niyang jacket. "Here, you'll catch a cold if you stay like that."

"Thank you, mommy. Kailan po tayo mamamasyal? I saw a strawberry farm on the road, I want a taste!" tumuro siya sa malayo, probably sa dinaanan namin kanina.

"Kakarating pa lang natin, anak. We should eat and rest first before talking a walk later." hinawakan ko siya sa ulo at nakangiting humarap sa paligid. "Do you like it here?"

Paulit-ulit siyang tumango. "I wish we could stay here longer and," nagtaka ako dahil biglang humina ang boses niya. Nilingon ko siya at nakitang malungkot itong nakatingin sa akin. "I wish, daddy Ryle is with us."

"E-Eyra, napag-usapan na natin ang tungkol diyan, hindi ba? Ryle is a teacher, a busy person and we're not his top priority. There's no reason for him to tag along, okay?" hindi siya tumango. Huminga na lang ako ng malalim. "Okay, how about after we eat lunch, we'll rest a bit and go to the strawberry farm?"

"Talaga po?!" I sighed in relief.

"Yes, so don't be sad. Let's enjoy our days here. Tsaka, kung gusto mo, dito na rin tayo mag-Christmas? Do you like that?" her eyes sparkled.

Saka ko lang napagtanto na halos dalawang buwan ko na palang kilala si Ryle. But why do I have to count months? Never mind.

"Really?! I would love that, yes mommy! Let's go back here in Christmas!" winaksi ko ang iniisip at ngumiti sa kaniya.

"Okay, that's a promise. So should we go eat now?" nagtata-talon siyang humawak sa kamay ko.

"Let's go, mommy!" siya na rin ang humila sa akin papunta sa kusina.

Nag-order na ako ng take out kanina sa labas pagkababa namin ng sasakyan at pinainit ko lang kanina kaya diretso kain na ang ginawa namin.

Pagkatapos kumain, nagpahinga muna kami bago ko siya ipagbihis. Saka na kami bumaba nang alas dos.

Una naming pinuntahan ang strawberry farm. May isang babae na nag-tour sa amin at tuwang-tuwa ang anak ko. Strawberries are everywhere.

"Mommy, I want a taste!" she pointed at a big strawberry she saw. Inabot ng babae iyon at pinitas bago ibigay sa kaniya.

"Don't worry, ma'am, wala pong kemikal iyan. Pure organic siya. You can take anything you can, it's free po." nagpasalamat ako bago siya umalis at i-assist ang iba.

"Eyra, h'wag masyadong buraot ha. H'wag dapat kunin lahat. We're only staying here for fifteen minutes. Don't eat too much, we'll eat other foods later." I warned her.

Sumunod naman siya at unti-unting kumuha ng makakain niya. I took one and took a bite on it. It's sour and sweet.

Habang nakaupo siya banda sa maraming strawberry, naglakad lakad ako ng kaunti sa hindi kalayuan, pinagmamasdan ang mga iyon.

While looking up, I bumped into someone.

"Oh, aw, s-sorry!" napuruhan ang balikat ko pero maayos akong humarap sa kaniya.

"Ouch! Look where you're going, girl!" maarteng sigaw sa akin ng naka-mask na babae. Sosyal na sosyal ang aura niya, halatang mayaman na mayaman. "Duh!" then she walked out.

Bumalik na lang ako kay Eyra only to see Atino talking to her. Atino Yello Barres Ranxicca, yes, my brother.

"Why are you alone, little girl?" I heard him asked.

MY DAUGHTER WANTS TO HAVE A DADDY. Where stories live. Discover now