Chapter 8.

280 6 1
                                    

"Hello, Stephan?" I muttered on the phone. "How are you? Napatawag ka?"

Nasa shop na ulit ako at kakarating ko lang dahil hinatid ko pa si Eyra.

"I wonder how you doing. Gusto sana kitang ilabas."

"Hahaha, nasa labas na ako." pagpipilosopo ko. "Kidding. Nasa shop ako, I'm not that busy though. I guess, it's your break time."

"Well, yeah. Being doctor is tough. Susunduin na kita, wala akong magawa during break time so I thought of calling you out." narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse.

"Are you sure you have a time to hang out? Magpahinga ka na lang o matulog."

"I'm still okay, though. Besides, I missed hanging out with you. Sayang at wala nga lang si Eyra, I want to bond with her."

"I'll introduce you to her soon. Okay, I'll prepare myself now. See you."

"Okay. Bye."

"Bambe, aalis ako. Ikaw muna ang bahala sa shop, okay?" tawag ko sa kaniya.

"Noted, ate!" she made a salute so I messed her hair.

"Silly."

Nagpalit ako ng damit, from t-shirt and simple pants, to a pink blouse and a long plain white skirt. Gusto kong magmukhang disente sa harap niya dahil kuya ko siya, not in blood but in the feelings.

I waited Stephan outside. Alam niya na kung saan ang shop dahil napunta siya dito noon, wala nga lang ako.

"Look simple yet attractive, huh." dungaw ng isang gwapong lalaki sa binata pagkatapat ng kotse niya sa akin. Tumayo ako at tumawa.

"Stop joking around, Stephan." pinagbuksan niya ako pagkatapos bumaba ng sasakyan niya.

"I don't joke often, especially when it comes to beauty of someone." kumindat pa siya at piningot ang ilong ko. "Where do you want to go?"

"Your choice." sagot ko nang makasapasok na sulit siya sa sasakyan.

"Wala akong masyadong alam na lugar dahil sa kabusyhan ko. All I know is fancy restaurants and other hospitals around. You suggest." balik-usal niya.

"Okay, I see. Nood na lang tayo ng sine. We used to watch a movie before. Saka na lang tayo magdecide kung saan tayo sunod na pumunta kapag natapos na tayo do'n. Well if you agree." ngumiti siya sa akin.

"Okay, theater, here we come."

Nagkwentuhan kami sa buong biyahe, kadalasan ay tungkol sa mga nangyari noong panahong hindi kami nagkita. Pagdating sa sinehan, siya ang bumili ng tickets, foods and drinks. I offer to pay for the snacks but he refused.

Ako ang pinapili niya ng movie, tinanong ko siya kung gusto niya ng romance pero tanging sagot niya lang ay "Kahit ano pa iyan, as long as you chose it." kaya iyon ang binilhan namin ng ticket.

Hindi ako mahilig sa romance, ni walang karoma-romansa ang buhay ko, pero iyon pa rin ang napili ko sa huli kasi ayoko ding maging emosyonal sa tragic. I'm more into horror pero ayoko ang maingay na paligid habang nanonood. Paniguradong puro sigaw lang ang mapapala namin sa horror. Stephan likes every genre I guess.
Hindi niya naman nasabi sa akin ang mga gusto niya, go with the flow lang siya.

Sa pinakaharap kaming umupo dahil umalis ang magnobyo na nakaupo roon. Ibinigay nila sa amin ang pwesto dahil sa biglang nahilo ang babae.

Nang magsimula ang palabas, inilapit niya ang popcorn at chocolate candies sa akin para makakuha ako. Kumuha naman ako doon bago sa palabas na tumutok.

The movie lasted for 1 hour. Tungkol sa dalawang taong nahanap ang pag-ibig sa isa't isa mula sa pagiging magkaibigan hanggang sa nahulog sa isa't isa. Maybe for everyone, it's pure sweet but for me, it is a bit too much. Siguro dahil wala nga talagang karoma-romansa ang katawan ko.

MY DAUGHTER WANTS TO HAVE A DADDY. Where stories live. Discover now