Chapter 21.

187 7 0
                                    

"You can't have Eyra on my watch, no matter what, Sandro." I said with finality. Umatras ako ng kaunti at huminga ng malalim. "Don't dare to question all of what I did to the kid I considered as my own when you didn't even felt responsible in the first place."

"H-Hindi--"

Naramdaman ko na ang pagod, gusto ko na lang munang magpahinga. It's too much to handle right now, too much.

"Okay ka lang, Cele?" pag-aalala ni Stella. Tumango ako kaya lumingon na ulit siya kay Sandro. "Umalis ka na rito, or else I'll call the police to drag you away."

With that, he left with a word.

"I owe you for that thing, Celestine. But I'll get my daughter. I'll have to take care of her, cherish her and love her."

"Are you okay?" yumuko lang ako sa tanong ni Ryle.

Nagsisinungaling lang ako kung sasagot pa rin ako ng oo. The pressure and the things I am thinking about just earlier came back to my mind.

Hinihintay na lang naming makauwi si Eyra, gusto kong ako ang kumuha sa kaniya pero nasa daan na sila pauwi nang tawagan ko si Bambe.

"Ryle," tawag ko. He hummed. "W-What if--" nanginig agad ako sa iniisip. Napakaraming what ifs sa isip ko, gusto kong isa-isahin ang mga 'yun, gusto kong sumabog.

"Shh, no." putol niya agad. Sa isang iglap lang, nasa harap ko na siya, akap-akap ako. "Kumalma ka, Celestine. You can explode later, I will listen to you later, calm down for now, Eyra's here."

Mas lalo lang akong nataranta nu'ng narinig ko ang isang busina ng motor. Kakawala pa lang sana ako nang mas lalo niyang higpitan ang akap sa akin. "Kumalma ka muna. Hindi magugustuhan ni Eyra na makitang gan'yan ang hitsura mo."

He's right. Bumuntong-hininga ako ng apat na beses bago dahan-dahang umalis sa yakapan naming dalawa. I wore a smile.

"Mommy, where were you? We waited for you po." nasa isip ko pa rin si Sandro kaya nawala ang ngiti ko nang makita ang repleksyon ni Sandro kay Eyra. "You okay, mommy?"

"A-Ah! Yes, of course. May ginawa lang ako kaya hindi ako nakasunod sa shop. Tara na sa loob?" she agreed.

"Tita Stella? Why are you here po? Long time no see, I missed you tita!" tumakbo siya kay Stella at nagyakapan. Ilang linggo pa lang na busy si Stella, miss na siya, ha.

"I missed you, too. Tara sa loob, free si tita ngayon." sumulyap siya sa akin ng may ngiti at nakuha ko ang gusto niyang iparating.

"Bambe, wala bang problema sa shop?" balik-tanong ko kay Bambe na nakikipag-usap pa kay Japy sa motorbike.

"Okay naman ate, balik na po kami." tinanguan ko sila at pinanood na makaalis.

"Mommy, let's go! Daddy Ryle, you're staying too, right?!" umiiral na naman ang kakulitan ng anak ko, pero hindi ngiti ang naidulot niyon sa akin, lalo lang akong nasaktan sa iniisip na maraming bagay na hahanap-hanapin ko kapag mawawalay sa akin si Eyra.

"Ryle, wala ka na bang gagawin? If you have a work, okay lang naman--" pinutol na naman agad ni Ryle ang sasabihin ko.

"None. Stay ako unless gusto mo akong umalis." nagtaas-baba siya ng kilay. Nakataas naman ang kilay ni Stella nang lumapit sa akin para kunin ang susi ng bahay.

"Tara na muna sa loob. Nawala ako sa mood para asarin kayo kaya itigil niyo 'yan." masungit niyang saad.

Gusto kong tumawa gaya ng dati kong nagagawa, gusto kong makisabay sa jokes nila pero hindi ko magawa sa ngayon. I appreciate them helping me through this and I am sorry for not being able to respond properly on their ways.

Napagdesisyunan naming magshower dahil nabilad kami sa araw kanina. Malagkit na rin ang mukha ko dahil sa pag-iyak kaya nauna na ako sa banyo habang busy sila sa panonood ng kung ano sa tv.

May extra shirts naman si Ryle sa kotse niya kaya walang problema sa isusuot, Stella and him are planning to sleep here in my house.

Pinilit kong h'wag pero si Stella mismo ang nagpilit kaya anong magagawa ko? Bumili pa si Stella ng alak bago siya pumunta dito para sana sa pagsali ko sa contest kaya mag-iinom raw kami ngayong gabi which I think is a wrong idea because my alcohol tolerance is very low.

"Ryle, ikaw muna ang mauna sa bathroom. Kami na lang ni Eyra mamaya, maganda na ang scene, e." utos ng pinsan ko sa nananahimik kong manliligaw na agad ding pumayag.

Nag-iingay ang dalawa habang nanonood habang pinapatuyo ko ang buhok ko.

I happen to stare at myself on the mirror. Mula sa salamin, nakita kong lumingon si Eyra. Ngumiti siya ng napakatamis at bumalik din agad sa panonood.

Ang nangyari kanina, si Sandro, gusto niyang makuha si Eyra. Ang batang kasama ko ngayon, ang batang minamahal ko ngayon, ang batang gusto kong mahalin hanggang sa manghina ako sa katandaan ay pwedeng makuha ng tunay niyang ama. A question hit me again for the second time. Paano na ako kung mawawala siya sa akin?

Nakita ko si Ryle na naglalakad papalapit habang nagpupunas ng ulo kaya tinawag ko na ang dalawa.

"Stella, Eyra, time to shower." sakto namang tapos na ang pinapanood nila kaya masaya silang tumayo at nagtungo sa banyo.

Umupo si Ryle sa sofa na malapit sa kung saan ako nakaupo.

"How are you feeling?"

"Hindi ko alam. Gustong-gusto kong kalimutan ang nangyari kanina dahil sa tuwing iisipin ko iyon, maraming "paano" ang naiisip ko. I can't even smile back at Eyra."

"Don't think about it for now, then. Anyway, I will cook our dinner, can I borrow your kitchen?"

"Sigurado ka ba? I can cook though."

"Alam ko. Let me do it, you're tired."

"T-Thank you, Ryle."

"Enough with the thank yous, Celestine. My favor to you was you letting me do things for you." proud niyang sambit.

"O-Okay then, cook for us, chief Ryle!" I cheerfully shouted.

Unti-unting napalitan ng pagtataka ang nagsasayang mukha ko dahil nakatitig lang siya sa akin. Akala ko ba magluluto siya? Why is he staring at me then?

"R-Ryle?" bumibilis na ang tibok ng puso ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Bakit hindi niya maialis ang mata sa akin?!

He chuckled softly before leaning towards me.

"Before I do cooking, let me fix your hair first."

I stiffened when he grab the blower and went behind me.

"Your hair is so wonderful. Ang lambot at pero matibay kaya naibagay sa'yo. Don't forget to fix yourself even whenever you are struggling, okay? Let your beauty comfort you. Saying "I'm beautiful" to yourself can comfort you, alam mo ba 'yon?"

Nangunot ang noo ko at natawa.

"Silly advice of yours."

"It's effective. See? Nakakangiti ka na. Ang ganda mo, Celestine."

Bakit nakakarinig ako ng "thump-thump" na sound sa loob ng dibdib ko?!

"You're so beautiful to handle such things."

Natulala ako sa sarili ko. Hindi ako makahanap ng sasabihin dahil nakatitig siya sa akin sa salamin. Pinaikot niya ang upuan ko hanggang makaharap ko na siya.

He caressed both of my cheeks while grinning. "Let me be your cleansing liquid that you could use everytime a problem ruins your beauty. I could erase them for you."

Then, the next thing I know, his lips touched my temple.

---
Astrid Manunulat

MY DAUGHTER WANTS TO HAVE A DADDY. Where stories live. Discover now