PROLOGUE

1.5K 59 6
                                    

PROLOGUE

Kasalukuyan akong nag i-scroll sa aking mga social media accounts dito sa may sala nang biglang dumating ang mga barkada ko na mga "Not-So-Pretty" naman. "Huy te? Ano ka na jan?" bungad sa akin ni Barbs kasama sina Fifi at Gema. Dahil kilala naman sila ng mga magulang ko ay welcome silang maglabas masok dito sa aming bahay nang walang paalam.

"Ano rin ba yon?", sagot ko naman dito sabay balik ng mga mata ko sa cellphone.

"Gaga ka! Sumama ka sa amin mamaya. Manonood tayo ng basketball", sabat naman ni Fifi.

"Oh, tapos?", ani ko naman.

"Lah? Maraming boylet doon, teh. Ang daming gwapo at ang shesherep pa", sabi naman ni Gema na may pagpapa-bebe sa boses nito sabay ipit ng buhok sakanyang tenga.

"Pag-iisipan ko pa mga teh. Nakakatamad kasi eh. Mainit.", tugon ko naman sa mga ito na ikinairap naman ng mga mata ni Babrs. Kahit kailan talaga sya ang pinaka mahilig umirap sa amin.

"Ay te! Wag mo kami artehan diyan at nanggigigil ako sayo. Sumama ka na samin. Hindi ka na nga nakakasama sa awra namin nitong mga nakaraang araw eh", panunumbat naman ng baklang Fifi.

"Oo nga, te. Saka para makita mo na rin si "Bebe Boy" doon. May laro yung team nila mamaya. Grabe ang dami nyang fans. Mapababae, lalaki, bakla at tomboy ata ay napapasigaw sa kilig dahil sakanya. Ang galing pa mag shoot ng bola. Ewan ko na lang kung hindi tumelag nota mo pag nakita mo kung gaano sya kapogi at kasherep", pag singit naman ni Gema habang paimpit na kinikilig.

"Saan ba kasi yan?", tanong ko naman sakanila.

"Ayan ah! Nakarinig lang na may pogi at masherep na "Bebe Boy" biglang sama agad?", pang-aasar ni Fifi.

"Edi wag na lang sumama, shutaka! Minsan di ko na alam sayo. Balakajan", pag-iinarte ko naman dito. Kaloka. Akala ata nito ay dahil lang dun sa "Bebe Boy" na pogi at masherep "Daw" kaya ako sasama. Wala rin naman kasi akong gagawin mamaya kaya why not, diba?

"Luh? Nag-inarte pa nga. Keme lang bhie. Sige na, sumama ka na. Doon lang yon sa may kabilang barangay. Alas-otso ng gabi yung laro nila.", pag-imporma ni Barbs.

"True! Daanan ka na lang din namin dito sa bahay nyo para sabay-sabay na tayo gumora", ani ni Fifi.

7:30 pm na ako natapos maligo at napag desisyunan kong magsuot ng maong na hight waist pek-pek shorts at croptop na kulay dilaw. Naglagay ako ng konting BB cream sa mukha, inayos ko rin ang aking kilay, naglagay ng liptint sa pisngi at sa labi, at saka naglagay ng pulbo sa mukha. Hindi kasi ako mahilig sa bonggahang make-up. Nagspray na rin ako ng favorite kong pabango na Victoria Secret Vanilla Lace. As a sweetgurl lang kasi talaga dapat ang role at atake ko.

Nagpapatuyo ako ng buhok sa may tapat ng electricfan dito sa loob ng kwarto ko nang biglang kumatok ang mga "Not-So-Pretty" kong friends. "Arat na, ate!", bungad agad ni Fifi kasunod na nagpasukan naman sila Barbs at Gema. "Wait lang, te. Papatuyuin ko pa ng konti itong buhok ko", sagot ko naman dito ng hindi sila nililingon.

"Ay pak! Ginalisan, este ginalingan mo naman mare", puna ni Gema sakin at sabay-sabay silang sinuri ang aking ayos.

"Kumalma ka, teh. Ako lang to, si Keith", pagpapa bebe ko naman dito.

"Naka pekpek short ka at bra tapos Keith pangalan. Hahahahah", pagtawa naman ni Barbs.

"Wow ha! Nahiya naman ako sayo, Alfredo Jr.", pambabara ko naman dito. Napatigil sya sa tawa sabay irap sa akin.

"Oh sya, tara na at magsisimula na ang laban nila "Bebe Boy", pagyaya ni Gema na halata ang excitement sa mga mata.

Sobrang daming tao nang makarating kami sa basketball court dito lang sa katabing barangay namin. Maingay rin ang paligid. Rinig mo pa rin ang usapan ng mga tao sakabila ng malakas na music. Isa ito sa mga barangay na may magandang basketball court dito sa district namin. Half court lang kasi ang mayroon sa barangay namin. Hindi gaya dito na whole court at sobrang liwanag pa dahil sa mga ilaw na mayroon ang court. Open Area rin ito kaya kahit maraming tao ay hindi ganun kasiksikan tignan ang mga tao na manonood.

Back.ass.wardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon