Nakarating kami sa bahay ng mga "Not-So-Pretty" kong friends nang hindi ako nagda-drop sa character ko as a person na na-nuno sa punso. Kailangan ko talaga panindigan ang kaga-gahan ko sa buhay.
"Magandang buhay, Tita Analyn at Tito Rogelio.", masayang bati ni Barbs kila mama at papa. Naabutan namin si mama na nagtitiklop ng mga damit sa sala habang si papa naman ay nagluluto sa kusina.
"Magandang gabi po, tita at tito", sunod na bati naman nila Fifi at Gema.
Sabay -sabay kaming pumasok sa bahay habang inaalalayan pa rin ako ni Fifi at Gema hanggang sa makaupo ako sa may mahabang sofa namin. Pagkatapos ay isa-isa silang nag mano kina mama at papa.
"Pagpalain nawa kayong mga bata kayo.", ani ni mama sakanilang tatlo habang si papa naman ay binigyan sila ng masayang ngiti.
"Kumain na ba kayo? Kung hindi pa ay dito na kayo mag-hapunan", pag-aya ni papa sa kanila.
"Hindi na po. Salamat na lang po, tito. Hinatid lang po namin si Kate. Masama daw po kasi yung pakiramdam", sagot naman ni Fifi habang nakaupo sa may tabi ko. Nasa kanan ko si Fifi at nasa kaliwa naman si Gema. Si Barbs naman ay nakaupos sa pang-isahang sofa namin.
"Totoo ba? Ano nangyari sa'yo, Keith? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?', sunod-sunod na tanong ni papa na bakas ang pag-aalala. Lumapit ito at hinawakan ako para suriin.
"Naku, tito. Na-nuno daw po ata sya doon sa may 'Ginubatan'. Dumaan kasi kami doon papuntang plaza kanina", sagot naman ni Gema.
"Diyos ko naman, Kate! Noong nakaraang linggo lang ay nausog ka. Ngayon naman ay na-nuno? Mukang kailangan na kitang ipatawas niyan", ani ni mama. "Saka wala pa kong nababalitaan na na-nuno sa 'Ginubatan'. 'Ginubatan' lang ang tawag sa lugar na iyon pero hindi naman yon literal na gubat na may mga engkanto at kung ano-anong nilalang", dagdag pa ni mama.
Hindi ako sumagot. Bagkus ay binigyan ko lang sila ng expression na tila nasasaktan at hindi talaga maganda ang pakiramdam. Kung nagawa kong mapaniwala ang mga "Not-So-Pretty" kong friends ay dapat sila mama at papa rin. Para saan pa at naging Theater Arts student ako kung hindi ko naman ipapamalas ang husay ko sa pag-arte. Alam kong sa entablado lang dapat ito ina-apply pero kailangan kong gamitin ito ngayon. Pag nagkataon na nag drop ako sa character ko at nalaman nilang lahat na nagpapanggap lang ako ay paniguradong wawarlahin nila ako.
"Oh siya. Umakyat ka na sa kwarto mo para makapag pahinga ka na. Dadalhan na lang kita ng pagkain doon", utos ni papa. Halatang kumbinsido naman sila mama at papa dahil bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.
"Bukas na bukas ay tatawagin ko si Mang Tikboy para ipatawas ka at makahingi na rin ng pangontra sa ganyang mga bagay.", ani ni mama na nagtitiklop pa rin ng mga damit namin.
"Siga na, mga sis. Salamat sa paghatid. Aakyat na ko sa kwarto ko", pagpapaalam ko sa tatlong "Not-So-Pretty".
"Gora na, sis! Pagaling ka", sagot naman ni Fifi at isa-isa nila akong bineso sa pisngi. After ay nagpaalam na rin sila kila mama at papa at lumabas na ng bahay.
Umakyat agad ako sa aking kwarto at nahiga sa kama. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos kong i-drop ang character ko as taong na-nuno sa punso. Grabe! Ilang minutes rin akong umarte at nagpanggap. Nakaka drain ng pagkatao.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng short ko at nagbukas ng facebook. Naalala ko kasing hanapin ang facebook ni Teo para i-stalk ito. Madali ko naman nahanap ang facebook niya dahil siya agad ang bumungad sa search results after kong i-search gamit ang full name nya. 'Matthew Suarez (Teo)' ang nakalagay na name nito. Pero wala naman akong nakita dahil wala naman siyang mga personal post or kahit shared post bukod sa mga basketball at Mobile Legends. Kaunti lang din ang mga pictures nito at puro pa mga sikat na NBA players. Ang profile picture nya naman ay picture niya na nakatalikod at nakasuot ng kulay pula na jersey na may nakalagay na number 19.
BINABASA MO ANG
Back.ass.wards
RomanceMay mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na makakapagpabago sa takbo ng ating buhay. Totoo talaga na may mga taong mawawala sa agos ng ating buhay. Ika nga nila, "People come and go". We just have to accept it and move on. Katulad na laman...