Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gamit at naghahanda para kumain ng lunch nang biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext.
From: Macho
- Nandito ako sa may canteen. Hintayin ko kayo. Sabay na tayo kumain.
Me:
- Okies!
Yun na lang ang tanging nai-reply ko at muling nagpatuloy sa pag-aayos. Naalala ko nanaman ang itsura niya kanina habang hinihipan yung paso ko sa kamay ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Nag-alala rin naman ang mga kaklase ko at pati na rin si Mike ngunit iba ang dating pag kay Teo nanggaling. Though palagi naman na niyang ipinaparamdam sa akin ang pagiging concern niya pero hindi pa rin ako sanay. May kakaiba itong epekto sa akin. Pigilan ko man ang sarili ko na huwag itong bigyan ng pansin pero hindi ko rin magawa.
"Nagtext si Teo. Nasa canteen na daw siya. Hinihintay tayo bumaba", ani ko sa mga "Not-So-Pretty" kong friends na abala rin sa pag-aayos.
"Ay mabuti nga yan at huwag na siyang umakyat dito. Naku! Pag nakita nanaman siya ni "Oh-So-Haggard" na si Aika, for sure sasabay nanaman iyon sa atin sa pagkain", iritang pagpapaliwanag ni Gema.
"Korique!", sabay na sang-ayon naman ni Fifi at Barbs.
Sabay-sabay na kaming lumabas ng room at bumaba papuntang canteen. As usual ay maraming tao sa canteem dahil tanghalian na. Pagpasok namin sa canteen ay agad kong natanaw si Teo. Agad naman akong nakaramdam ng tuwa nang makitang hinihintay nya talaga kami. Kahit sa malayo ay hindi pa rin maikakaila ang taglay nitong kagwapuhan. Bagay na bagay sa kanya ang uniform ng course nila. Ang moreno nitong balat na tila kumikinang sa sikat ng araw. Kita ko rin ang ilang mga estudyante na panay ang tingin at sulyap sa kanya. He's indeed a head-turner and he can get everyone's attention effortlessly.
"Ay, Shutanginames! Parang makakasakal ako ng isang babae ngayong oras na'to", napahinto kami sa paglalakad ng marinig ang sinambit ni Gema.
"Bakit", sabay-sabay naming turan nila Barbs at Fifi.
Agad namang ngumuso si Gema paturo sa kinaroroonan ni Teo. Biglang nawala ang saya nararamdaman ko kani-kanina lang.
"Ang bilis talaga kumilos ng hitad na iyan. Paanong mas nauna pa yan sa atin? At paanong nalaman niya na nandito si Teo?", sunod-sunod na tanong ni Fifi na panigurado ay parehas lang din ng mga tanong na tumatakbo sa mga isip namin.
Nang makalapit kami sa pwesto ni Teo at Aika ay hindi nakaligtas sa akin ang pag ikot ng mga mata ni Aika.
"Okay ka lang ba?", agad na bira ni Gema kay Aika.
"O-oo. Bakit naman ako hindi magiging okay?", maarteng tanong nito pabalik.
"Tumitirik kasi mga mata mo sa kakairap. Akala ko eh kinukumbulsyon ka na", muling bira ni Gema. Natawa naman sina Fifi at Barbs. Napatingin naman si Teo kay Aika. Tila kinukumpirma kung totoo bang ginawa niya iyon.
"Of course not! Bakit ko naman kayo iirapan?", pagsisinungaling naman niya.
"Oops! Wala naman kaming sinabi na kami ang inirapan mo ah. Masyadong defensive ah!", muling panunuya ni Gema. Gumuhit sa mga mata ni Aika ang pagkagulat at namula ang mukha nito na tila napahiya.
"Arat na! Gutom na ko.", pagsingit naman ni Fifi habang naka ngisi at nakatuon ang mga mata kay Aika.
"Tara na nga, Teo!", inis na turan ni Aika sabay talikod at nagsimula nang maglakad papunta sa mga tindahan.
BINABASA MO ANG
Back.ass.wards
RomanceMay mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na makakapagpabago sa takbo ng ating buhay. Totoo talaga na may mga taong mawawala sa agos ng ating buhay. Ika nga nila, "People come and go". We just have to accept it and move on. Katulad na laman...