22

443 51 3
                                    




Dinala ako ni Teo sa isang mamahalin na Chinese Restaurant. Itsura pa lang at ambiance ng restaurant ay malalaman mo agad na mahal ang kumain dito. Hindi rin kasi ganoon kadami ang mga tao. Iilan lamang ngunit kung titignan mo sila ay nagsusumigaw ang "aura" nila at ipapamukha sayo na mayayaman silang tunay.

Iginaya kami ng waiter sa isang table at kasunod nito ay ang pag lapag ng isa pang waiter ng dalawang baso ng tubig sa lamesa. Dinampot naman ni Teo ang menu na nasa harapan namin at nagsimula nang tumingin ng mga kakainin. At syempre nagsimula na rin akong tumingin sa menu.

At totoo nga mga cyst! Nakakalula ang mga presyo ng mga pagkain. Yung iba ay kakaiba ang pangalan ng pagkain pero kung titignan mo yung picture nung mismong pagkain eh makakahanap ka nito ng bangketa version. Gaya na lamang ng siomai na hindi ko alam kung paano bigkasin yung pangalan. Basta ang alam ko eh siomai ito na super duper overpriced.

"Ang Maharlika naman dito, Teo. Sa iba na lang tayo kumain.", pagmamakaawa ko sa kanya. Abala pa rin ito sa pag tingin sa menu.

"Teo?", muling pag tawag ko sa kanya.

"Hmmm", tanging sagot lang nya.

"Sa iba na lang tayo kumain, yung mas mura dito. Di keri ng budget ko", pamimilit ko sa kanya. Kulang pa yung 2,500.00 pesos na bigay sa akin ni mama pambayad sa isang dish na nandito eh.

"No. Nandito na tayo. Saka nakakahiya if aalis pa tayo", sambit niya habang nakatingin pa rin sa menu.

"Eh wala nga akong pambayad. Hindi ka ba nakakaintindi dzaii?", naiinis kong bigkas. Nakailang ulit na kasi ako na wala nga akong pera pambayad at mapilit pa rin sa gusto niya.

"Who said na magbabayad ka?", ibinaba nya ang menu saka diretsong tumingin sa akin.

Oo nga naman. Wala naman syang sinabi na magbabayad ako. Okay? Edi ako na ang dukha. Chariz!

"This is our first 'friendly date' after nating hindi magkita ng ilang taon. So you don't have to worry. It's all in mine", pinal niyang sabi habang cute na nakangiti sa akin.

Nawala yung pag woworry ko sa ibabayad sa mga kakainin ko dito dahil nalipat ang atensyon ko sa sinabi niyang 'friendly date' daw. Hindi ko alam ngunit parang biglang bumaba yung energy ko don. Parang nanlamya ako bigla. 'Friendly date'?

"Malamang Kate mag friends kayo, este childhood best friends na nag reunite. Ano bang ineexpect mo? Mayroon ka bang dapat iexpect?" sambit ko sa aking isip at ibinalik na lamang ang mga mata sa menu na hawak ko. At totoo naman na this is our first time na lumabas ng kami lang dalawa. Hindi naman namin ito nagagawa noon dahil mga bata pa kami at ngayon lang ulit kami nagtagpo after so many years. 

Ang sabi niya kasi kanina ay 'first date' namin ito. Rinig na rinig ko iyon. Malinaw na malinaw. Tapos ngayon naging 'friendly date' na lang?

"Pero atleast, parehas pa rin na 'date'.", sambit naman ng kabilang parte ng isip ko.

Napahinto ako sa pag-iisip nang tanungin na ako ni Teo kung ano ang oorderin kong pagkain.

"Hindi ko rin alam eh. Kung ano na lang yung sa'yo ay ganon na lang din ang sa akin", sagot ko sakanya at pilit na ngumiti.

"Okay", tanging naging sagot nya.

"Mag c-CR lang ako saglit, Teo", pagpapaalam ko.

"Okay. Take your time", nakangiti nyang sambit.

Agad akong tumayo at naglakad papuntang comfort room. Pumasok ako sa women's restroom at mabuti na lang din ay walang tao. Isa ito sa marami pang struggles na kinakaharap ng mga transgender people at isa ito mga mainit na issue at usapin sa panahon ngayon.

Back.ass.wardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon