09

556 56 6
                                    

Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyan akong naglalagay ng night cream sa mukha. Nakaupo ako sa may table na katabi ng kama ko at tintignan ko ang itsura ko sa medyo may kalakihang bilog na salamin. Napapanatili ko naman ang pagkakaroon ng makinis na mukha. Bihira lang din kasi ako tubuan ng tigyawat dahil na rin sa iniinom kong hormones. Kaya night cream lang ang ina-apply ko bilang skin care ko. Nang matapos ay tumayo ako at nagpunta na sa kama saka humiga. Ilang sandali ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon na nakalagay lang din sa tabi ko at tinignan kung sino ang nagtxt.

From: Macho

Nakauwi ka na?

"Huh? Sino to? Saka bakit 'Macho' yung nakalagay na name?". Tanong ko sa isipan ko. Agad ko naman itong nireplyan.

Me:

- Sino to?

Pagkapindot ko ng send ay inilapag ko ulit yung cellphone ko katabi lang ng ulo ko at wala pang sampung segundo ay tumunog ulit to.

From: Macho

- It's me, Teo. Ano, nakauwi ka na?

Me:

- Ahh. Ikaw po pala. Opo, nakauwi na po ako. Bakit po?

From: Macho

- Good. And please stop using 'po and opo'. I'm not that old.

Me:

- Nagiging magalang lang po ako.

From: Macho

- Are you trying to flirt with me?

Nangunot ang noo ko sa nabasa. "Ako? Nilalandi siya?" Napairap na lang ako sa hangin at nireplyan ito.

Me:

- At bakit naman kita ifi-flirt?

From: Macho:

- I don't know? They say that people who use 'po and opo' while talking to others the same as their age means that they are trying to flirt with them.

Me:

- Ewan ko sayo!

From: Macho:

- Hahahaha! Goognight, Kate!

Hindi ko na siya nirepylan dahil sa inis. Akusahin ba naman ako na nilalandi siya? Ni lumandi nga sa mga naging crush ko noon hindi ko nagawa eh. Inilapag ko na yung cellphone ko sa may table at natulog na.


Lumipas ang ilan pang mga araw at napapadalas ang pagsama namin sa "Teo and Friends". Every game nila ay present kami at hindi mawawala ang todo-todo naming supporta sakanila. Nakagawian na rin namin na every after game ay dumidiretso agad kami kay Ate Gina para kumain ng bentelog. Masasabi kong nagiging close na rin kaming magkakaibigan sakanila.

Mas nakilala rin namin si Nico na ang buong pangalan ay Nicholas Saavedra at si Josh naman na Joshua Villanueva. Nalaman namin na may mga kaya pala talaga sila sa buhay. May mga malalaking business ang mga magulang nila. Pareho silang ayaw na mag-aral sa mga private schools kaya after nila gumraduate ng high school ay sa state university sila pumasok kung saan kami nag-aaral ngayon. Mura lang kasi ang tuition dito.

Nabawasan na rin ng kaunti ang pagkailang ko kay Teo. Kahit papaano ay nagagawa ko na siyang kausapin ng normal. Yung hindi na ko nakakaramdam ng kaba tuwing kaharap ko siya. Palaging siya ang nago-open ng topic tuwing kakausapin niya ako. Siguro ay ramdam niya na naiilang ako sakanya and he's trying his best na mawala iyon kaya madalas niya na akong kausapin. May mga times rin na nagagawa na naming magbiruan at madalas ko rin itong nahuhuli na nakatingin sa akin. Pag nahuli ko naman siya ay bigla naman siyang umiiwas agad ng tingin. 

Back.ass.wardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon