Tahimik ako ngayong kumakain at pinipilit ang sarili sa bawat pagnguya at paglunok ng mga pagkain. Nawalan na ko nang gana. Yung gutom na nararamdaman ko kanina ay naglaho na lang. Naglaho dahil hindi nya rin ata kinaya ang kahihiyan.
Kung bakit ba naman kasi sinunod ko pa ang pakiusap ni Tita Myra? Kung bakit naman kasi pumasok pa ako sa loob ng kwarto ni Teo gayong pwede ko naman syang tawagin na lamang mula sa pintuan? Kung bakit ba naman kasi pinipilit nya akong kausapin eh ayaw ko pa nga? Kung bakit ba naman kasi nahulog yang lintik na tuwalya na yan mula sa bewang nya?
At kung bakit ba naman kasi umakyat pa sila Tita Myra, Mama at Papa para lang tignan kung bakit kami nagsisisigaw?
Ganun na ba kalakas yung mga sigaw namin at para magkumahog sila sa pagakyat at tarantang-taranta?
Mabuti na lamang ay agad nadampot ni Teo ang tuwalya at agad na ibinalik sa kanyang bewang bago pa tuluyang makarating sila mama, papa at tita Myra sa kwarto.
Natagpuan nila kaming dalawa ni Teo na awkward at parehas na namumula ang mga mukha.
Si Teo na nakahubad at tuwalya lang ang suot habang ako naman ay halos nakatakip na sa mukha ang mga kamay dahil sa kahihiyan.
"Aray!", walang gana kong paimpit na sigaw matapos akong kurutin ni mama sa tagiliran.
"Tinatanong ka ni Tita Myra mo. Sumagot ka", pagpapa-alala ni mama sa akin.
Sa sobrang daming katanungan na tumatakbo sa isipan ko, hindi ko na naririnig ang mga pinaguusapan nila.
Kasalukuyan kaming kumakain. Napapagitnaan ako ni mama at papa. Sa kanan ko si mama at sa may kaliwa ko naman ay si papa.
Nasa harapan ko naman si Teo. Nasa kaliwa nya si Tita Myra at sa kanan naman nya ay si Maica.
"Ahh. Sorry po tita. Ano po ulit iyon?", pagtatanong ko ulit dahil hindi ko nga narinig ang mga chika nila.
Si Teo naman ay bahagyang nakayuko habang kumakain pero hindi pa rin nakakaiwas sa paningin ko ang pasulyap-sulyap niyang mga tingin.
"Are you okay, Hija? Kanina ka pa tulala.", nag-aalalang tanong nya.
"Ahh. Y-yes po. I'm okay po.", masayang sagot ko para hindi na ito mag-alala pa.
"Are you sure? Are you bothered ba with what happened earlier?", dagdag na tanong nito na may mapang-asar na ngisi sa mga labi. Hindi rin nakaligtas sa paniigin ko ang pa 'Boombastic Side-Eye' ni Teo kay Tita Myra.
Narinig ko naman si mama at papa sa gilid ko na tila nagpipigil ng tawa. Si Maica naman ay tahimik lamang at abala sa pagkain.
"Ahh! No po, tita. Naalala ko lang po bigla yung mga school works ko po and yung upcoming 'Musical Play' namin.", pagsisinungaling ko. Kahit itanggi ko na hindi ako bothered ay hindi ito maitatago ng mukha ko at kung paano ako kumilos ngayon. Pero dahil matigas ang bungo ko, syempre hindi tayo aamin. Mas nakakahiya kung aamin ako at sasabihin kong 'Oo'.
"Okay?", ani ni tita na halata naman sa tono na hindi kumbinsido sa sagot ko.
"Anyways, Teo has a pet. Did Teo show it you na ba?", muling tanong ni Tita Myra.
"Mom!", pag call out ni Teo sa mama nya.
"Why? I was asking if you already show it to Kate.", mapanuyang ani ni tita.
Jusko po. Nakakahiya. Ano ba ang isasagot ko? Alangan namang aminin ko na 'Yes po, tita. Nakita ko na po ang alaga ni Teo. Kitang-kita ng malinaw kong mga mata. Medyo nakakatakot po kahit tulog pa ito. Para po kasing mapanakit kapag nagalit. Moreno din ang kulay nito. At Hindi ganun ka-mabalahibo."
BINABASA MO ANG
Back.ass.wards
RomanceMay mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na makakapagpabago sa takbo ng ating buhay. Totoo talaga na may mga taong mawawala sa agos ng ating buhay. Ika nga nila, "People come and go". We just have to accept it and move on. Katulad na laman...