Pasado alas-otso ng gabi nang nakauwi sila mama at papa. Naabutan nila ako dito sa may sala na nanonood ng tv. Bitbit nila ang iilan sa mga pinamili nila. Hindi ko na alam kung ano pa yung iba nilang binili dahil nga nauna na akong umuwi. Pagkapasok nila ng bahay ay agad silang umupo sa mahabang sofa.
"Oh buti naman at nandito ka lang sa bahay at hindi na naglakwatsa ulit", bungad agad ni mama habang inaayos ang mga pinamili nila.
"Saan ka ba nagpunta kanina at nawala ka na lang bigla? Hindi pa namin malalaman na umuwi ka na pala kung hindi ka pa nagtxt", ani naman ni papa habang isa-isang hinuhubad ang kanyang sapatos.
"Ah. A-ano kasi ma, pa. Naglibot kasi ako saglit para magtingin ng mga magagandang damit. Kaso pagbalik ko wala na kayo doon sa may section ng mga polo. Inikot ko ang buong department store kaso hindi ko naman kayo nakita. Wala rin akong load para mai-txt or matawagan kayo kaya umuwi na lang ako. Pagka-uwi ko saka ako nagpaload para matxt kayo", mahabang pagpapaliwanag at pagsisinungaling ko sakanila.
"Ah ganun ba. Dumating kasi si Myra at nag yaya na samahan sila sa pamimili. Namiss rin kasi namin ng papa mo ang kaibigan namin", pagpapaliwanag rin ni mama.
"Akala kasi namin ay makikita ka rin namin sa loob lang ng department store kaso bigla kang nagtxt na nakauwi ka na pala. Sayang lang at hindi mo nakita si Tita Myra mo at si Teo pati na rin ang bunsong babae nya na si Maica.", sabad naman ni papa na ngayon ay naghuhubad ng pang itaas na damit.
"Nami-miss ka na ni Myra at ni Teo. Gusto ka na daw nila makita", ani ni mama habang kinakalkal ang mga plastic at paper bags na dala nila. Binigyan ko sila ng tingin na kunwari ay hindi ko alam ang mga nangyari at usapan nila kanina.
"Ako rin naman, Ma. Miss ko na rin sila. Hayaan niyo at bibisitahin ko sila", sambit ko para matapos na ang usapan tungkol sakanila.
"Ay mabuti pa nga. Literal na kapitbahay lang naman natin sila kaya pwede mo silang bisitahin anumang oras", pagturo ni papa sa may labas ng pinto na akala mo ay nasa tapat lang ng bahay namin ang bahay nila tita Myra. Binigyan ko na lang ng isang matamis na nigiti si papa. Pero ang totoo ay hindi ko alam kung kaya ko ba talagang gawin ang pumunta sa bahay nila.
"Binilhan ka pala namin ng papa mo ng damit", sabay labas ni mama ng dress sa paper bag at iniabot sa akin. Binulatlat ko ito at nakita ang isang black camisole dress.
"Nakita iyan ng papa mo kanina sa mall at naisip niya na babagay sayo", dagdag ni mama.
"Sukatin mo na, Keith", utos ni papa habang sinusuri ko pa rin ang dress. Nagsusuot naman ako ng ganitong klase ng mga damit pero sobrang bihira lang.
"Sure akong bagay na bagay sa iyo yan. Tiyak na maraming lalaki ang mahuhumaling sa'yo", pang aasar ni papa at binigyan ko sya ng matalim na tingin na ikinatawa naman niya.
"Si papa naman. Wala pa sa isip ko ang mga bagay na iyan. Pero salamat dito sa damit, pa.", ani ko sabay yakap.
Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos kong maligo para makapagpahinga. Sila mama at papa naman ay naiwan sa sala at may pinag-uusapan pa.
Alas-tres ng hapon ngayon at nandito kami ng mga "Not-So-Pretty" kong friends sa bahay ni Fifi. Dahil wala naman kaming mga pera at walang mga ganap ay tumambay na lang kami sakanila. Mainit rin kasi ang panahon. Ramdam na ramdam mo ang summer. Kakatapos lang namin manood ng horror movie na nauwi lang sa tawanan at harutan.
Nakaupo kami nila Gema at Barbs sa kama ni Fifi habang si Fifi naman ay sa sahig nakaupo. Hiyang-hiya yung may-ari ng kwarto sa mga bisita nya. Hawak ko ang salamin at tinitignan ang aking itsura. Walang bago at ganoon pa rin naman kaya naisipan kong mag-bangs. Ganito ata talaga ang nagagawa ng mga taong bored sa buhay.
BINABASA MO ANG
Back.ass.wards
Roman d'amourMay mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na makakapagpabago sa takbo ng ating buhay. Totoo talaga na may mga taong mawawala sa agos ng ating buhay. Ika nga nila, "People come and go". We just have to accept it and move on. Katulad na laman...