Naglalakad ako ngayon papunta sa canteen para bumili ng almusal. Alas-syete pa lang ng umaga at 7:30 a.m ang klase namin. Nakasanayan ko na rin kasi ang kumain ng almusal. Kahit na nagluluto si mama ng almusal sa bahay ay mas pinipili ko pa rin na bumili ng pagkain dito sa University. Mura lang din naman saka ang mas mahalaga para sa akin ay ang 'Iced Coffee'. Parang hindi pwede na magsimula ang araw ko ng hindi nakakainom ng 'Iced Coffee'. Wala eh, naadik na lang ako.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na si Mike na kumakaway sa akin habang malapad na nakangiti. Halos mag-iisang linggo na rin ata na nagsasabay kami sa pag-akyat sa classroom. Minsan naman ay kasabay rin namin ang mga "Not-So-Pretty" kong friends. Hindi nga lang ngayon dahil mga puyat sila dahil na rin sa preparations nila para sa upcoming 'Cheer Dance Competition' na gaganapin sa 'Intrams'. Gabing-gabi na rin kasi sila kung umuwi, kaya madalas ay nauuna na akong umuwi kaysa sa kanila.
Dumaan muna kami ni Mike sa canteen para bumili ng pagkain at mukhang pati siya ay naaadik na rin sa 'Iced Coffee'.
"Good morning!", masayang bati ni Mike nang makarating ako sa kinatatayuan niya dito mismo sa may entrance ng canteen.
"Good morning din", nakangiti ko ring bati sa kanya.
"Parang ang fresh natin ngayon ah", pang-aasar niya sa akin.
"Sus! Wala namang bago. Lagi naman akong fresh kaya wag mo na akong utuin. Saka wala akong pang-libre sa'yo", pagpatol ko naman sa kanyang biro habang natatawa.
"Grabe! Hindi man lang nagpa-humble", natatawa ring turan ni Mike.
Agad naman kaming nagtungo sa stall ni Ate Joy at bumili ng 'Egg Sandwich' at 'Iced Coffee'. Hindi rin naman kami natagalan sa pagbili dahil kakaunti pa lang din ang mga estudyante na bumibili sa mga oras na ito.
Matapos makuha ang aming binili ay agad din naman kaming nagtungo sa aming room.
Kaunti pa lang din ang mga kaklase ko na nasa loob ng room at naiintindihan ko naman na mahirap talaga ang pumasok ng umaga. Alam kong maraming college students ang makakarelate dito. 7:30 a.m class is a big No No. Idagdag mo pa na literary ang subject namin sa araw na ito na medyo nakakaantok naman talaga.
Binati namin ni Mike ang mga kaklase namin at agad na umupo para kainin ang almusal na binili namin.
"Ang taray naman. Ang aga mo ngayon ah!", rinig kong sambit ni Joanne.
"Syempre, te! Dami ko ng absent sa subject na'to. Ayoko naman na ibagsak or i-drop ako ni Ma'am Pascua.", pagod at puyat na sagot ni Gema. Agad namang natungo ang paningin nito sa amin ni Mike at malisyoso itong ngumisi.
"At nandito na rin pala ang "Oh-So-Gorgeous" kong friend.", mapang-asar nitong bungad sa amin ni Mike. Inilapag naman niya ang kanyang bag at 'Iced Coffee' sa katabi kong upuan sabay upo.
"Nasaan sila Fifi at Barbs?", tanong ko sakanya.
"Ay! Ayun dzaii. Borlog pa ang mga bakla. Ayoko naman umabsent dahil nga mado-drop na ko kay Ma'am Pascua.", sagot naman ni Gema sabay inom sa kanyang 'Iced Coffee'.
"Eh hindi ba sila din? Nanganganib na sa subject ni Ma'am?", singit na tanong naman ni Mike.
"True! Naku, bahala sila jan. Ayokong i-repeat or i-summer itong subject na'to.", ani ni Gema.
"Pep Squad pa!", pang-aasar ko naman dito na siyang ikinatawa naman ni Mike.
"Promise! Last ko na'to. Next year hindi na ko sasali,", determinadong sambit ni Gema at mababakas pa rin ang pagod at puyat sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Back.ass.wards
RomanceMay mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na makakapagpabago sa takbo ng ating buhay. Totoo talaga na may mga taong mawawala sa agos ng ating buhay. Ika nga nila, "People come and go". We just have to accept it and move on. Katulad na laman...