"Okay, class. Kayo na ang magdecide kung ano ang pipiliin ninyong iperform at sino ang magiging director niyo at iba pang magiging production staff. Ang Act 1 and 2 ng gagawin ninyong musical play ang magiging mid-term exam ninyo at pag dating ng final exam ay ang full performance mula Act 1 hanggang 4.", pagpapaliwag ni Ma'am Dela Fuentes na siyang professor namin para sa subject na Music and Dance Drama.
Kung nagtataka kayo bakit mid-term at final exam agad ang pinag-uusapan namin gayong kakasimula pa lamang ng semester ay hindi kasi ganun kadali ang paghahanda para makagawa ng isang theater production lalo na kapag musical play. Months ang inaabot ng preparations kasama na ang mga rehearsals at pag gawa ng mga set, props, mga costumes and all.
"So now, I'll give you the remaining time para mag meeting kayo at pag-usapan ang magiging performance nyo. Just give me the information about it next meeting natin. " pinal na sabi ni Mam bago ito nagpaalam at lumabas ng room.
Excited ang mga classmates ko para sa production na ito dahil musical play ang gagawin namin. Ramdam ko na may kanya-kanya na silang gusto at idea para sa gagawin naming performance. Samantalang ako ay tamang go with the flow lang tuwing may production kami. Pero kahit na ganoon ay sinisiguro ko naman na ginagawa ko ang best ko every performance kahit anong role pa ang maibigay sa akin.
Ang mga "Not-So-Pretty" kong friends naman ay masaya rin dahil this time ay magkakasama na kami sa isang production. Noong mga nakaraang semesters kasi ay palagi kaming magkakahiwalay dahil per group ang mga naging performances namin. Mabuti naman ngayon at hindi na per group ang magiging production na gagawin namin.
"Oh my god, mga ate! Finally! Magkakasama na rin tayo", masayang bungad ni Fifi nang makalabas ng room si Mam Fuentes.
"True! Kailangan natin galingan mga bhie!", ani naman ni Barbs.
Kinuha namin ang mga gamit namin at ang aming armchair at nag form kami ng isang malaking bilog para masimulan na ang meeting. Mukhang magiging masaya ang production na ito dahil first time namin mag wo-work as a whole section.
"Magbotohan na lang tayo kung sino ang magiging director sa atin", panimula agad ni Joanne.
Sumang ayon naman kaming lahat at agad na sinimulan ang botohan. Kailangan namin pumili ng magiging director na hindi lang talented at malawak ang imahinasyon kung hindi pati na rin ang may malakas na personality at kayang pasunurin at ihandle ang buong section. Someone na malakas ang loob at matapang. Iba kasi ang stress ng pagiging isang director lalo't madami kami ngayon sa isang production at may i-ilan sa mga classmates namin ang makukulit at matitigas ang ulo.
Natapos ang botohan at si Kris ang napili namin na maging director. Si Mira naman ang napili namin na maging Stage Manager at si Lady ang Assistant Stage Manager. Stage Managers ang isa rin sa mahihirap na trabaho. Mula sa pagfa-facilitate ng mga rehearsals, pagte-take note ng mga blockings ng mga actors, pagte-take note ng mga queues ng mga music at lights kung kailan at anong scene ito papasok at magtatapos. Sila rin ang mag qu-que kung kailan papasok sa stage ang mga actors every scene at kung anong set ang nasa stage at anong props ang gagamitin nila. In short, sila ang nagpapatakbo ng buong show.
Si Danica naman ang napili namin na maging Production Manager. Si Gerald naman ang Technical Director and the rest ay bukod sa magiging actors ay ma-aasign sa pag gawa ng mga set and props.
"Para naman sa magiging Dance Director ay si Fifi ang napili ko.", pag imporma sa amin ni Kris.
"Ay! Go, direk! Laban yan!", confident na pag tanggap ni Fifi sa posisyon.
"At si Barbs naman ang magiging Assistant Dance Director mo", dagdag pa ni Kris.
"Ay pak! Let's go siszums! Let's do this!", masayang turan ni Barbs. Halatang excited ang mga bakla.
BINABASA MO ANG
Back.ass.wards
RomanceMay mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na makakapagpabago sa takbo ng ating buhay. Totoo talaga na may mga taong mawawala sa agos ng ating buhay. Ika nga nila, "People come and go". We just have to accept it and move on. Katulad na laman...