14

535 53 2
                                    

Nakatitig ako ngayon sa plato na nasa harapan ko. Binibilang ang mga butil ng kanin kahit na hindi ko naman talaga mabibilang ang lahat ng mga ito. Wala akong naririnig sa paligid kung hindi kalansing lamang ng mga kubyertos tuwing tumatama ang mga ito sa mga plato. Medyo masakit na din ang dibdib ko dahil hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Gusto kong huminga nang malalim para kumalma pero tila hindi sapat ang hangin sa paligid ko. Unti-unti na akong nilalamon ng kawalan.

"I still can't believe na dalaga ka na, Keith. Ahh. I mean, Kate. Sorry", napabalik ako sa reyalidad at napatingin kay tita Myra nang marinig itong magsalita. Nakatitig lang ako sakanya at sinusubukang i-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya dahil hindi naging malinaw ang lahat sa pandinig ko. Sorry? Bakit siya nagso-sorry?

"Ahh. O-okay lang po, tita", tanging sagot ko na lamang sakanya at muling itinuon ang tingin sa aking plato.

Kasalukuyan kaming kumakain lahat dito sa isang mahabang lamesa na hiniram pa ni mama mula sa aming barangay. Nakaupo ako sa pagitan ng mga "Not-So-Pretty" kong friends at ng "Teo and Friends. Nasa kanan ko si Fifi kasunod niya si Barbs at Gema. Nasa kaliwa ko naman si Teo kasunod si Josh at Nico. Nasa harapan naman namin sila mama, papa, tita Myra, Maica at Gael.

"I was just really surprised. I've never thought na magiging dalaga ang anak ninyo, Analyn at Rogelio. Napaka gandang dalaga", magiliw na bigkas ni tita Myra.

"Matagal naman na naming ramdam kahit noong bata pa lang siya. Hinihintay lang namin siya na magsabi sa amin at syempre ayaw naman namin sya i-pressure.", rinig kong sambit ni mama. Gusto kong makaramdam nang tuwa dahil never ko pa narinig sa kanila ang ganitong mga salita ngunit mas nangingibabaw pa rin ang kaba at takot sa dibdib ko.

"Paano ba yan, anak Teo. Wala na yung dating si Keith na kalaro mo noong bata ka pa. si Kate na ang nandito ngayon. Sana ay magkasundo pa rin kayo kahit marami na ang nagbago.", nangungusap na sambit ni papa.

"O-oo naman po, tito"

Nanindig ang mga balahibo ko sa lalim ng kanyang boses. Sinilip ko sa gilid ng mga mata ko si Teo at seryoso lamang ang mukha nito.

"You have a lot to explain. Nanggigigil kami sa'yo!", rinig ko namang bulong ni Fifi mula sa kanan ko sabay kurot sa tagiliran ko. At totoo ngang nanggigigil sya dahil naramdaman ko ito sa kurot niya sa akin. Hindi ako maka react sa sakit na naramdaman dahil ayaw kong lumikha nang anumang ingay na makakaagaw sa atensyon ng mga tao na nandito sa lamesa.

"I still remember na sabay pa kayo naliligo ni Teo dati but now...", pagsingit ni tita Myra na natatawa pa.

"Mom! Stop it." Pagputol agad ni Teo. Bakas sa boses nito ang pinaghalong hiya at inis. Hindi ata nagustuhan ang sinabi ng kanyang ina.

"So-sorry. Hehe. I'm just so happy. You know me, whenever I can't contain my happiness kung ano-ano na ang mga lumalabas sa bibig ko. Hahaha! I'll zip it na", ani naman ni tita Myra na bahagya pang natatawa sabay akto na parang isinara ang zipper ng bibig niya.

Narinig ko naman ang munting tawa ng mga "Not-So-Pretty kong friends at ng "Teo and Friends". Tila nagi-enjoy sa mga nasasaksihan.

Bumalik naman sa alaala ko yung binanggit ni tita Myra. Sabay nga kaming naliligo ni Teo noon. Hindi naman araw-araw, pero minsan ay nagsasabay kami. But we were just kids back then. Kahit pa alam ko na sa sarili ko na may kakaiba sa akin at may kakaiba akong nararamdaman tuwing magkasabay kaming maligo ay hindi ko naman iyon binigyan ng pansin. We were just kids for pete's sake. And I don't even have an idea kung ano ba talaga ang tawag sa mga nararamdaman ko noon. Ang alam lang namin ay ine-enjoy namin ang masasayang araw noon. Nang walang ibang iniisip na problema. Ang sarap lang maging bata ulit.

Back.ass.wardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon