"ENGKANTADA"

790 22 8
                                    

Wala ng naniniwala sa mga kapre, manananggal, tikbalang o mga engkanto. Sabagay, sino nga ba ang maniniwala sa mga sabi-sabi at mga walang kwentang kwento ng kababalaghan? Sapagkat ika nga nila, "To see, is to believe."

Kung maraming nababaliw sa salitang 'Pag-ibig' at mas hinahanap ito kaysa sa kinabukasan nila, mayroon kayong makikilala ngayong sa 26 taong paninirahan sa mundong puno ng makasalanang nilalang, ay hindi naniniwala sa pinagpapantasyahang pag-ibig ng napakaraming kabataan. Malamang, kagaya ng nakararaming hindi naniniwala sa mga kwentong pambatang mga tungkol sa mga nakatatakot at kakaibang nilalang, ay wala rin siyang pakialam.

Marami naman ang may gusto sa kaniya at di-mabilang na mga babaeng tumitingala, subalit wala siyang panahon para lingunin ang mga ito.

Handa ka na ba?

Siyempre iyong mapapasok ang mundong 'di pangkaraniwan.

by: NylanorElagnara

-------

"Pare grabe, ayokong magbakasyon doon tsk," bulalas ni France habang panay ang pindot sa kaniyang 'cell phone'.

"Hahaha! may mga babae ba do'n? Panigurado, mga manang ang mga 'yon at idagdag mo pa ang amoy lana nilang pabango!" Sabay hagalpak ng tawa ni Renz. Isa sa apat na matatalik na kaibigan ni France.

"Hahaha, tama! Pero tiis ka lang tol! At least may kapalit 'di ba dibs? 'Yong pinaka-latest na sports car!" Napailing na lang si France sa tinuran ng kaibigan. Naisip niyang, puwede namang bumili na lang at 'wag nang magbakasyon sa isang lugar na 'di pasok sa panlasa niya.

"Kung nagpakabait ka na lang sana, e 'di wala ka nang raranasing ganito 'di ba?" saad ni Drake, ang pinakamatino sa kanilang lima.

"Tss, bahala na, kasama ko naman kayong mgbakasyon do'n walang problema. May karamay ako sa kalbaryong aabutin ko doon," kalmadong sambit ni France na siyang ikinagulag ng apat niyang kaibigan. Mas mabuti na iyon, kaysa tuksuhin siya ng mga 'to kung sakaling matapos man ang kasunduan niya ng kaniyang ina.

"What the--"

"Either you like it or not, sasama kayo wala ng maraming dakdak."

"Pero--" aangal pa sana si Brix subalit hindi naituloy ang sasabihin nang tutukan siya ng baril ng kaibigan.

"Oo nga-- hehehe sasama kami siyempre, para sa'n pa't naging kaibigan mo kami 'di ba? He-he peace na tayo tol ibaba mo na 'yang baril," pilit na ngumiti na lamang si Brix. Ano pa nga bang magagawa niya? Napabuntong-hininga na lamang ito.

"No way! Paano na ang mga babaeng maiiwan ko dito? Ayoko ng mga babaeng manang na amoy lana! Mas gusto ko ang-- oo na tama na! Yucks! Amoy suka na ako! Anlaki mo na nag wa-water gun ka pa shemay ka tol ambaho ko na!" Napahawak si Renz sa suot niyang polo na ngayo'y basang-basa na ng suka.

"Tutal sasama naman si Brix,  si Renz sasama rin, siguradong sasama rin si Drake 'di ba,  Drake? E 'di okay ka na do'n! 'Di na ako kailangan kaya tol ingat na lang kayo. Saka, dalhan niyo na rin ako ng pasalubong. 'Yong kwintas na agimat tapos 'pag binaril ako 'di ako matatablan. He-he-he okay lang naman sa 'yo 'yon 'di ba,  France?" nakangiting saad naman ni Jake sa kaibigang agad na nagpukol ng napakasamang tingin.

"Ay! Nagbago na pala isip ko! Sasama na nga pala ako, kailan ba ang alis natin? Excited na excited na nga ako o! Wuhooo!" Napaismid si Jake at pilit na iwinagayway ang mga kamay na para bang dumadalo sa isang 'party'.

Tumunog ang 'cell phone' ni France, malamang mama niya ang tumamatawag. Agad niya itong sinagot.

"Anak bukas na tayo aalis, mga Six AM. Kailangan mo nang mag-ready," sabi ng kausap niya sa kabilang linya.

"Engkantada"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon