"Lesa naman, e! Inaantok na ako! Bukas na lang natin bantayan 'yung babae na 'yon! Sinasayang lang natin ang oras natin dito kahihintay e!" Pakamot-kamot sa ulong saad ni Cath na nakalukot pa ang mukha.Nasa likod sila ng bahay, inaabangan si Amethyst. Alam niyang darating ito dahil umalis ito kanina kasama ang minamahal niyang si France. Gayumpaman, malilintikan niya ang epal na 'yon. Mang-aagaw! Akin lang si France! Akin!
"Iiih! Oo nga! Andaming lamok, o! Nasisira ang balat ko kakakamot e!" Papadyak-padyak namang turan ni Fey.
"Manahimik nga kayo! Walang papasok sa loob, hanggang hindi pa natin nakikita ang epal na Amethyst na 'yon!"
"Aish"
Hindi nga siya nagkamali! Hinatid ito ni France?!
Mula sa bintana ay rinig na rinig niya ang pag-uusap ng dalawa. Nanggagalaiti. Nangangati na ang kaniyag mga kamay, gustong-gusto na nitong manampal.
"Teka, France....
"...maraming salamat at napasaya mo ako," narinig niyang sambit ni Amethyst. May pahiya-hiya pa kuno itong nalalaman! Napakalandi!
Ang kapal ng mukha niya. Hinalikan niya si france?! Buset Lagot ka talaga sa akin Amethyst!
"My gosh! Hinalikan niya si france?" Napaatakip ang kamay ni Cath sa sariling labi.
"Ang landi talaga ng babaeng 'yan!" Naikuyom ni Fey ang kamay.
Pagkaalis na pagkaalis ni France ay sinundan na nila si Amethyst. Meron silang dala-dalang flashlight dahil madilim sa gubat. Nabuburyong siya. Gusto niyang paghihilahin ang buhok ni Amethyst hanggang sa niisang 'strand' ng buhok ay walang matira!
"Les! Umuwi na lang tayo! Ang dilim naman dito!"
"Oo nga nakakatakot! Tumitindig balahibo ko o!"
"Walang uuwi!"
Natigilan siya nang iba ang direksiyong tinutungo nila. Hindi ba't binigyan siya ni ama ng bahay? Bulong niya sa sarili.
Narating nila ang isang punong nagliliwanag. Napakakapal ng mga dahon nito at parang nagsisilbing dingding ang mga ugat na matataas. Nanliit ang kaniyang mga mata. Pumasok si Amethyst sa loob.
"Lesa! Umuwi na tayo!" Hindi niya pinansin ang nagmamaktol niyang kapatid na si Cath. Naaninag nila ang mga nagliliparang paru-paro na pumapaikot-ikot kay Amethyst at ang mga kuliglig na nagsisilbing ilaw.
"Oo naman! Ang saya ko!" Nanlisik ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ni Amethyst. Baliw ba ang babaeng 'to't kinakausap ang isang ibon? Hangal! Naisip niya. Walang pinagkaiba sa ina ni Amethyst!
Dapat pinatay na lamang ito kasama ng nanay nitong imortal!
"Namasyal kami kanina at nakatikim din ako ng masasarap na pagkain sa labas!" Nanggigigil na siya. Abot langit na ang inis niya
"Talaga lang huh? Kahit kailan napakaepal mo talaga! Ilang beses ka bang dapat pagsabihang 'wag na 'wag kang lalabas dito sa gubat at 'wag makipagkita sa mga tao sa labas?" Singhal ni Lesa kay Amethyst.
"Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kaniya. Sa tingin ko'y, wala namang masama sa aking ginagawa," nakayukong sagot nito sa kaniya.
"Ngayon pa lang Amethyst binabalaan na kita! 'Wag na 'wag ka nang makipagkita kay France, dahil hindi siya para sa 'yo! Akin siya! Para sa 'kin! Mas maganda ako sayo at dapat lang na ako ang mapansin niya! Hindi ikaw!" Nanginginig ang labi niyang gigil na gigil. Nakayuko lamang si Amethyst. Napansin niyang may hawak-hawak ito kaya agad niya itong hinablot. Napasigaw siya sa galit. Litrato iyon ni France na kasama si Amethyst!
"Akin na 'yan Lesa! Bigay niya sa akin 'yan!"
"Ow, Talaga!? E, ano naman ngayon kung bigay niya?" Nakangisi niyang pinunit ang litrato. Nasisiyahan siyang makitang nasasaktan ang anak ng ama niya sa labas! Akmang pupulutin nito ang pira-pirasong litrato, pero maagap siya. Inapak-apakan niya ito nang madiin. Yumuko siya upang lumebel kay Amethyst at hinawakan ang mukha nito.
"Makinig ka. Tigilan mo na ang pakikipagkita kay France. Kung hindi . . . higit pa dito ang daranasin mo! Maliwanag?" Nabaling ang kaniyang tingin sa leeg nito. Hinawakan niya iyon subalit agad na tinanggal ni Amethyst ang kaniyang kamay na ikinainis niya.
"Kanino galing 'yan?" Hindi siya sinagot nito kaya walang pag-aalinlangang hinablot niya ang kuwintas na suot nito.
"Ibalik mo sa 'kin 'yan Lesa!"
"Gusto mo ba talagang ibalik ko 'to sa 'yo?" Natatawang saad niya habang tuwang-tuwang masdan ang nagmamakaawang babaeng epal sa buhay niya.
"Pa'no ba 'yan, masyadong maganda ang kwintas Amethyst! 'Di ko kayang ibalik!" Initsa-itsa pa niya ang kuwintas sa kaniyang kamay at ibinulsa rin kalaunan.
"Ibalik mo sa 'kin 'yan Lesa! Maawa ka," garalgal na ang boses nito. Ganiyan nga, magdusa ka.
Tumayo ito't dahan-dahan siyang nilapitan. Bago pa man ito makalapit sa kaniya ay itinulak ito ng dalawa niyang kapatid saka marahas na hinawakan ang braso nito. Mala-demonyong ngiti naman ang ipinukol niya rito't pinaghihila ang buhok nito.
"Tandaan mo Amethyst, 'pag nalaman kong nakikipagkita ka pa rin kay France . . . lagot ka sa 'kin. Naintindihan mo?" Nakataas-kilay niyang sabi. Tumalikod na siya. Muli namang itinulak ng kaniyang mga kapatid si Amethyst. Napairap na lamang siya.
Naglakad nila pauwi at iniwang ang kawawang Amethyst na 'yon. Kasalanan niyag maging epa! Diin niya sa sarili.
Mapapasaakin ka rin France.
BINABASA MO ANG
"Engkantada"
FantasyNaniniwala ka ba sa mga Engkanto? Mataas ang porsyento ng mga taong hindi naniniwala rito lalo na't nabubuhay tayo sa mundo ng modernisasyon. Ganoon din ang binatang si France, para sa kaniya ay kahangalan ang paniniwalang mayroong ganoong nilalang...