10.1

33 1 0
                                    

Abot langit ang kaniyang galit. Buong akala niya'y wala nang eepal sa buhay nilang magkapatid.

"Malalagot talaga sa akin ang babaeng 'yan!" nanggigigil na saad ni Fey. Nakakuyom ang kamao nito.

"Kailangan nating sabihin nito kay papa!" suhestiyon naman ni Cathy. Napapikit siya nang mariin. Mapapatay talaga niya ang babaeng 'yon. Sunud-sunod na mura ang lumalabas sa kaniyang bibig.

"Puntahan natin si papa!" Nanlilisik ang mga mata nitong saad sa kaniyang dalawang kapatid.

"Tara, kailangan niyang malaman 'to!" sang-ayon naman ni Fey. Nagtungo silang tatlo sa opisina ng kanilang ama.

"Pa!" bungad ni Cathy. Nabaling ang atensiyon ng kanilang ama sa ginawa ni Cathy.

"O? Bakit nandito ang magaganda kong prinsesa?" nakangiti nitong saad at tinanggal ang salamin sa mata.

"Pa, may nakakita sa kaniya!" Base sa ekspresyong isinagot ng kanilang ama, halatang-halata na 'di niya alam kung ano ang nais nilang ipahiwatig.

"Anong ibig niyong sabihin?" nakakunot-noong tanong nito sa kanila. Napairap na lamang siya sa ama.

"Pa, alam mo naman kung sino 'di ba? Sino ba ang laging pabida noon pa?" saad ni Fey na may pakumpas-kumpas ng kamay.

"Pa, gusto ko ang anak ni tita Teresse!" gustong-gusto niya si France. Ito ang natipuhan niya sa limang lalaking bagong salta sa probinsiya nila. At nararapat lang na mapasakaniya ang binata.

"O? E 'di sabihin mo sa kaniya!" tugon ng kaniyang ama at muling isinuot ang salamin pang mata.

"E, 'yun na nga e! Wala siyang interes sa 'kin, at hinanap niya kanina si AMETHYST!" singhal nito at panay ang padyak ng paa. Parang isang batang inagawan ng manika.

"Paanong nangyari 'yon? B-baka ibang Amethyst ang tinutukoy niya. Sige na mga anak may ginagawa pa ako dito sa susunod na natin pag-usapan 'yan !" Naiinis siya sa pinapakitang ekspresyon ng ama. Batid niyang umiiwas itong pag-usapan ang pangalang 'Amethyst'. Hanggang kailan ba ganito? Lagi na lamang bang magkahati sila sa isang-daang porsyento ng pagmamahal nito?

"Pero, pa! Kailangan niyong pagsabihan si Amethyst o 'di kaya'y ilayo niyo siya-- patayin! anything!" Nagulat siya sa biglaang pagdabog ng kaniyang ama. Napaurong ang kaniyang dila't napalunok nang dahan-dahan itong lumingon sa kaniya. Nanggagalaiti. Lumalakas ang paghugot nito ng hininga.

"Wala kang karapatan para pagsabihan ng kung anong dapat kong gawin, Lesa! 'Wag niyo siyang galawin! Hinayaan ko na kayo noon na 'wag siya patirahin dito sa bahay, kaya hayaan niyo siya! Nagkakaintindihan ba tayo? 'Wag niyo subukang pagkaitan siya ng kalayan." Napatayo ito. Nanginginig. Napailing at itinapon ang basong nakapatong sa mesa.

Napamura siya sa tindi ng inis at inggit. Si Amethyst ang puno't dulo ng lahat ng ito. Malilintikan sa kaniya si Amethyst oras na malaman niyang siya nga ang hinahanap ni France.

"Pa--"

"Umalis na kayo! Labas!" Padabog siyang lumabas. Naikuyom ang dalawang kamao. Napakasama ng tingin. Sinundan lamang siya ng dalawa.

"Pupuntahan natin siya bukas! Tuturuan ko siya ng leksiyon!" Mariin siyang pumikit.

Lagot ka sa 'kin bukas Amethyst, tandaan mo 'yan!

"Engkantada"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon