[Third person's POV]
Ikapitong oras ng Pagmamasid ni Amethyst. Ikapitong oras niya ng nakatayo.
"Mahal na prinsesa, uuwi na tayo"
Sabi ni Protasya na pagod na kahihintay sa prinsesang nakatayo sa harap ng tubig na hiwaga
"May isang oras pa ako Protasya. Isang oras nalang nawa'y pagbigyan mo ako!"
Patangu-tango na lamang ang nalulungkot na si Protasya habang ipinupukol ang malulungkot na tingin sa Prinsesang umiibig sa isang mortal.
Ikapitong oras ng pagmamasid. Ikapitong araw ng pagdalaw ni France sa gubat.
Pagod na sinuong ni France ang kagubatan subalit makikita mo pa rin sa tindig niya't mata ang pagiging determinado.
Sa kabilang dako ang prinsesang nanonood ay mababakas mo ang matinding kalungkutan hatid ng pag-ibig na ipinagbabawal.
"Amethyst...... galit ka ba? Ano bang nagawa ko? Bakit ayaw mo nang magpakita?"
Nakayukong saad ni France na malakas at nandidiri sa salitang pag-ibig,ngunit ngayo'y nanlalambot nang madapuan animo'y tutang napaamong bigla.
Ang prinsesang nanood sa tubig na hiwaga ay napahaplos na lamang sa tubig dahilan upang ang imahe ng iniibig ay animo'y alon na gumagalaw.
Si France ay matiyagang naghihintay kay Amethyst. Matinding kalungkutan ang kasalukuyan niyang nadarama.
Tila libu-libong karayom ang tumutusok sa puso ni Amethyst.
"Protasya...."
Dali-daling lumapit si Protasya sa prinsesa nang tawagin nito ang kanyang pangalan.
"Bakit mahal na prinsesa?" Tanong nito kay Amethyst
"Pupuntahan ko si France saglit lang naman. Nais ko lamang siyang makita at mayakap"
"Pero hindi maaari mahal na prinsesa. Malaking gulo lang ang maidudulot ng pakikipagkita mo sa mortal na iyan!"
Pagpipigil ni protasya sa balak ng prinsesa
"wala ka nang magagawa. Pupuntahan ko siya. Kung ayaw mo akong samahan ay hintayin mo na lamang ako rito tutal alam ko naman ang daan patungo sa lagusan papunta sa mundo ng mortal" desididong saad ni Amethyst habang nagsimula nang maglakad habang hawak-hawak ang damit na pagkahaba-haba
"Teka! Sandali mahal na prinsesa!"
Sigaw ni Protasyang naguguluhan at hindi malaman ano ang dapat na gawin.
Isang lingon ang ipinukol ni Amethyst sa kaibigan
"Sasamahan kita. Pero siguraduhin mo mahal na prinsesang hindi tayo magtatagal dahil baka mapilitan akong magtaksil na siyang ikadudurog ng puso mo"
Bahagyang napangiti si Amethyst sa narinig
At nagtuluy-tuloy na sila sa kalesang gawa ni Amethyst at agad tinungo ang lagusan patungo sa mundo ng mga mortal.
Samantala ang kaibigan naman nina France ay kulang na lang ay hilahin ang mga araw upang matapos ang bakasyon. Bakasyon na wala man lang kathrill-thrill sapagkat wala naman silang nagawang maganda.
In short "boring".
Sa kabilang dako si Venaturo ay sabik na sabik na sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ng Prinsesa ng Amandatriya sapagkat alam niyang magiging hari na rin siya sa wakas sa mundo ng mga engkantado't engkantada.
-------
Nang marating na nina Amethyst ang lagusan
"Ito ang prinsesa ng Amandatriya na nag-uutos na ako'y dalhin mo sa lugar na sadya ko"
BINABASA MO ANG
"Engkantada"
FantastikNaniniwala ka ba sa mga Engkanto? Mataas ang porsyento ng mga taong hindi naniniwala rito lalo na't nabubuhay tayo sa mundo ng modernisasyon. Ganoon din ang binatang si France, para sa kaniya ay kahangalan ang paniniwalang mayroong ganoong nilalang...