Anong ibig niyang sabihin? Napakunot-noo ang binata.
"Kailangan ko ng kaibigan," malumanay na saad ng dalaga.
Mas lalong naguluhan si France sa sinabi ng kaharap. At bakit niya sinasabi ang katagang 'yon? Kaibigan? Bakit?
"A--" hindi naituloy ni France ang sasabihin.
"Papayag ka bang maging kaibigan ko?" Nahuhumaling si France sa tinig ng dalaga, umaalingawngaw ito sa kaniyang tainga. Tila hinahaplos ng hangin ang kaniyang balat, nakapagtataka rin ang tatlong dahong umiikot-ikot sa kaniyang katawan
"O-oo naman! Bakit naman ako hi-hindi?" nabubulol na saad ni France. Kailan pa siya nabulol? Ganito ba ang pakiramdam kapag lubos kang nahumaling sa isang tao?
"Talaga? Pumapayag ka?" bakas sa mukha ng dalaga ang nararamdamang kasiyahan. Tila pinalilibutan ito ng kung anong sinag na mas lalong nakakaakit sa binata.
This is not the usual me! What the heck is happening? There's something controlling me! I'll probably choose to tell my friends to beat me up, just to eliminate this spirit subduing me. I can't say no to this woman! Why?
"Oo naman! Wala ka bang ibang kaibigan?" tanong ng binata. Jusme France! Bente-sais ka na, you're not a kid! Napailing na lamang si France. Bakit ba niya kinakausap ang sarili?
Gago! Nakakabading!
"Bakit?" Hindi sumagot ang dalaga na ipinagtaka ni France. Nagalit ba niya ito?
"May pupuntahan tayo," mahinang sabi ng dalaga at saka hinawakan ang kamay ni France. Nagsitindigan ang mga balahibo niya sa katawan. Para bang may kung anong kumikiliti sa kaniya nang mga sandaling 'yon.
"Te-teka, gabi na! Wala bang maghahanap sa 'yo?" naitanong ni France. Nag-aalala siya para sa babae. Hindi ito gawain ng normal na babaeng lumabas at tumambay sa madilim na lugar.
Bigla namang napatigil ang dalaga, gumuhit sa mukha nito ang panghihinayang. Naramdaman ng binata ang kung anong kirot sa puso niya.
Bakit ba hindi ko siya mahindian? Naibulong niya sa sarili.
"Ipapakita ko pa naman sana sa 'yo ang isang lugar na hindi pa nakikita't napuntahan ng isang tulad mo," malungkot na sambit ng dalaga.
"Okay, sige where the h-- I mean saan mo ba ako dadalhin? Siguraduhin mong maganda huh?" 'Sing ganda mo. Napangiti na lamang si France.
Kumurba rin ang labi nito't nasilayan ni France ang isang ngiting hindi niya inaakalang magdudulot ng pagkabog ng puso niyang kailanma'y 'di pa nakakamit ng sino man.
BINABASA MO ANG
"Engkantada"
FantasyNaniniwala ka ba sa mga Engkanto? Mataas ang porsyento ng mga taong hindi naniniwala rito lalo na't nabubuhay tayo sa mundo ng modernisasyon. Ganoon din ang binatang si France, para sa kaniya ay kahangalan ang paniniwalang mayroong ganoong nilalang...