Kabanata 6

204 11 2
                                    

Nilibot siya ng dalaga sa malaparaisong lugar. 'Di alintana ang oras----ninanamnam ang mga sandaling iyon. Binubusog ang sarili sa kamangha-manghang lugar. Kumikintab sa linis. Malayong-malayo sa kinagisnang polusyon sa Maynila.

"Teka. 'Di ba magkaibigan na tayo, parang napaka-awkward naman kung hindi kita kilala. Is it okay to ask your name? I mean, anong pangalan  mo?" Akmang lalakad ang babae subalit agad na napalingon sa tinuran ng binata.

"Mahalaga pa bang iyong malaman ang aking pangalan?" Blangko ang ekspresyong ipinukol nito. Hindi alam ng binata kung ano ang iniisip ng kaharap.

"Oo naman! Anong itatawag ko sa 'yo kung hindi ko naman batid ang iyong pangalan?" Nag-iwas ng tingin ang dalaga na naging sanhi ng pagtataka ni France.

May mali ba akong nasabi? Naitanong niya sa sarili nang mapansing natahimik ito't tila ayaw magsalita.

"Amethyst . . . Amethyst ang pangalan ko, tara't ililibot na kita."

"A----" naestatwa ang binata nang muli niyang maramdaman ang malambot na kamay ng dalaga. Nakaligtaan ang gusto niyang itanong. Nabura lahat ng kaniyang pag-aalinlangan at hinayaan na lamang ang sariling sumabay sa 'di pangkaraniwang daloy ng pangyayari.

Binalot ng katahimikan ang dalawa----niisa ay walang nangahas na basagin ang katahimikang iyon. Pumitas ng bulaklak ang dalagang nagngangalang Amethyst. . . Amethyst----kay gandang pangalan. Nakapikit nitong inamoy ang bulaklak, ilang sandali pa'y lumingon ito sa kaniya't ngumiti nang pagkatamis-tamis. Hinawakan nito ang mukha ng binata. Ramdam ni France ang napakalambot nitong kamay. Hinawakan ito ni France at ipinikit ang kaniyang nga mata. Bigla itong umatras na nagdulot ng pangangamba ng binata.

"Ayan mukha ka ng babae!" Saad nito at saka'y tumawa.

Napakunot-noo si France sa inasal ng kasama, akala niya'y magagalit ito sa kaniyang ginawa. Kalauna'y napagtanto ni France ang ginawa ni Amethyst. Inilagay pala nito sa kaniyang tainga ang bulaklak.

"A, gano'n?" Ngumiti nang napakapilyo si France.

"Lagot ka sa 'kin!"

Hinabol niya ang dalaga habang palayo naman itong tumatakbo umiiwas upang hindi mahuli ni France. Nag-iikutan ang dalawa sa halamanan. Nabubulabog man ang mga paru-paro dahil sa kanila'y nagpatuloy sila sa paghahabulan, naramdaman ni France ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib. Napakasaya niya. Sana'y 'wag nang matigil ang oras. Napadpad sila sa hardin na puno ng mga nagliliparang tutubi.

"Hindi mo ako maaabutan!"

"Talaga?"

Binilisan niya ang pagtakbo upang mahabol ang dalaga. Agad niya itong hinawakan sa baywang. Bigla siyang tiningnan nito, halos hindi siya makahinga dahil sa lapit ng kanilang mga mukha. Parang naestatuwa. 'Di makagalaw. Biglang nag-iba ang atmospera. Nakatitig lamang sila sa isa't isa. Bumalik ang diwa ni France nang kumalas na si Amethyst.

"Kinakabahan yata ako?" saad ng dalaga habang nakatingin sa malayo---hawak-hawak ang dibdib. Humihinga nang malalim at pilit pinakakalma ang sarili.

"Bakit?" tanong ni France sa dalaga. Malakas rin ang kalabog ng kaniyang puso. Tila nais na nitong sumabok sa lakas, subalit pilit itong pinipigilan ng binata upanv 'di mahatang kinakabahan din siya.

"Ewan ko, ang lakas ng tibok e" sabay turo ni Amethyst sa may dibdib nito.

"Ako nga rin e! Pakinggan mo!" Kinuha ni France ang kamay ng dalagat inilapat sa dibdib niha upang maramdaman nito ang malakas na kabog nito. Mas dumoble pa ang kaniyang kaba nang inilapat ng dalaga ang tainga sa dibdib ni France at pinakikinggan ang kalabog sa loob.

"Engkantada"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon