"Sundan niyo siya," utos sa kanila ni Manang Anghelita."Bakit po?" Tanong niya. Sinasabi ng matandang may engkantong naiwan pa raw dito, masasamang engkanto. Nagpipigil na nga ng tawa sina Renz, Brix at Jake, dahil pati engkanto pinaniniwalaan pa. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala. Lalo na si France. Asang maniniwala 'yon.
"Hindi maaaring magkaroon ng ugnayan ang imortal at mortal na nilalang. Nagdudulot ito ng matinding kapahamakan." Nakapikit na saad ni Manang Anghelita. Sina Brix, parang matatae na sa kapipigil ng tawa.
"Manang, ano po ba 'yang pinagsasabi niyo. May engkanto? Totoo ba talaga 'yan o joke time 'to, nasaan ang mga camera? Kailan ko 'to mapapanood sa t.v?" Siniko niya si si Renz dahil sa makati nitong dila. Para naman siyang bading na napatakip ng bibig.
"May kakaibang taglay ang mga engkanto . . . maaari kayong mahulog sa mga butas nila, mga salot ang mga engkanto! Masasama!"
"Sige na mga apo sundan niyo na lang,"
"Sakyan kamo!" Bulong ni Jake at Brix habang palihim na tumatawa.
"Papa aalis na po ako bukas dahil aasikasuhin ko na ang kompanya! Ikaw na ang bahala kay France! Pati na kayo, 'wag kayong mag-alala may matatanggap kayo 'pag may improvement sa anak ko."
"Yes tita," sabay nilang sabi at saka lumabas ng bahay.
"Grabe tol! Hahahahahahah!"
"Hahahahahahahah! Putspa!" Ayan kulang na lang ay gumulong sila sa katatawa.
"Engkanto raw? Hahahah!"
"Tumahimik nga kayo! Walang nakakatawa!" Pigil ni Drake sa kanila.
"Eh kasi tol---pffft --oo na titigil na." Saad ng baliw na si Renz.
"Ay! Pare! Punta tayo sa bahay no'ng kapitan dito! Puntahan natin yung magagandang tsikabebs Pupormahan ko! Malay niyo kumagat!--aray!" Patunay na baliw nga talaga si Renz. Napahawak ito sa sariling batok pagkatapos masapak ni Brix.
"Ano ka ba naman Renz! Ang bastos mo talaga! Basta akin si Cathy a! OUCH!"
"Isa ka pa Bricks e! Iba ang inutos sa atin! Intindihan niyo?" Saka naglakad ulit.
"Psst! Akin 'yong bunso, 'yong Fey!" Nanlilisik na tumingin si Drake sa tatlo matapos marinig ang pagbulong ni Jake, sabay naman silang nagpeace sign.
"Sa'n naman natin siya hahanapin?" Tanong ni Brix. Saan nga ba?
"Ah! Ganito na lang! Sabi nong matanda 'di ba sa gubat daw? At may gubat sa likod ng bahay no'ng kapitan? E, kung magtanong na lang tayo do'n o ' kaya'y puntahan na natin?" Suhestiyon ni Renz.
"Abaaaa may utak ka rin pala tol?" Tukso ni Jake. Sabay hagalpak ng tawa. Ginulo naman ni Brix at Jake ang buhok ni Renz na nakapogi sign.
"Namaaan! Gwapo e!" Pagmamalaki ni Renz habang hinahawi pa ang buhok.
Ayun na nga't naglakad na sila patungo sa bahay ng kapitan. Pagkarating nila ay agad nilang nadatnan ang tatlong anak ng kapitan sa harap ng bahay, umiiyak. Agad nila itong nilapitan.
"Anong nangyari sa inyo?" Tanong niya sa tatlo. Pero mas lalo lamang silang umiyak.
"Oy may umaway ba sa inyo? Bubugbugin ko! Malilintikan sa 'kin!" Saad ni Renz sabay pakita ng muscles niya.
"Kasi si France," sabi nong Lesa.
"Si France umaway sa inyo? Ay pagpasensyahan niyo na 'yon! May topak sa hypothalamus 'yong hayop na 'yon e!" saad ni Renz.
"Bakit ano bang ginawa sa inyo?"
Mas lalo pa silang umiyak at ang tatlong manyakis niyang kaibigan ayan yumakap, alam niyang tsumatsansing lang ang mga 'yan. Hinayaan niya na lamang ang mga ito't pumunta sa likod-bahay at naaninag ang kagubatan. Baka nandito ang kaibigan niyang si France sinuong niya na ang nakapangingilabot na gubat.
"FRAAAAAAANCE!" Umaalingawngaw ang kaniyang tinig. Nasaan ba kasi si France. Kahit kailan, pahamak talaga ang mokong na 'yon.
-----------
BINABASA MO ANG
"Engkantada"
FantasyNaniniwala ka ba sa mga Engkanto? Mataas ang porsyento ng mga taong hindi naniniwala rito lalo na't nabubuhay tayo sa mundo ng modernisasyon. Ganoon din ang binatang si France, para sa kaniya ay kahangalan ang paniniwalang mayroong ganoong nilalang...