[Mang Bruno's POV]
naiinip na ako ilang araw nang nagmamasid ang mga tauhan ko
"O? Wala pa ba kayong na-detect dyan? Baka aaligid-aligid lang yang engkantadang iyan at tatanga-tanga lamang iyong si Gerald na inutusan ko?!"
Bwes*t! Ilang araw na kaming nagbabantay hanggang ngayon wala parin kaming nahuhuli!
[Nanananananananannananana--
Lalalalaalalalalala--]"Boss si Gerald tumatawag"
Naiiritang hinablot ko ang telepono mula sa pagkakahawak ng utusan ko.
"O anong balita? Siguraduhin mong magandang balita iyan, dahil kung hindi. Mamamatay sa gutom ang nanay mo!"
Singhal ko sa tatanga-tanga kong utusan.
"Boss siguradong matutuwa ka, nagpakita nga engkantada sa binata boss! Hindi lang isa, dalawang naggagandahang engkantada! Boss!"
Unti-unting gumalaw ang aking labi saka humulma ang isang ngiti, ngiting nakakasiguradong nalalapit na ang tagumpay na matagal ko ng inaasam-asam.
"Mabuti, papunta na kami dyan!"
Agad kong binaba ang telepono.
"Lahat kayo ihanda niyo ang mga kagamitan at mga armas dahil panahon na para hulihin ang isang hindi pangkaraniwang nilalang! Aalis tayo at nagpakita na ang engkantada sa binata."
Mwahahahaahahaha! Mapapatunayan ko na sa lahat. Na higit na magaling ako kaysa sa g**ong Hernan na iyan!
"Mahuhuli na ba natin ang bw**** na halimaw'ng si Amethyst mang Bruno?" Tanong ni Lesa sakin. Kayganda talaga ng dalagang ito. Kay kinis ng balat, kay ganda ng hubog ng pangangatawan. Bago ko sinagot ang kanyang tanong ay saglit akong napatingin sa kanyang dibdib na makinis, kitang-kita ko ang linya nito dahil sa suot niyang napakaseksi. Nag-init ang pakiramdam ko kaya agad ding nag-iwas ng tingin
"Wag kang mag-alala. Mapapatay na din natin ang sagabal sa buhay mo Lesa"
Ang sabi ko sa kanya sabay hawak sa balikat niyang makinis. Pinadausdos ko ang kamay ko at ang sarap sa pakiramdam.
Agad naman siyang tumalikod
"Mabuti. Siguraduhin mo lang"
-------------------------------
Papunta na kami sa gubat. Kung saan naroroon ang
Engkantada.
--------------
Nakapalibot na ang tauhan ko sa pusod ng kagubatan
agad kong tinawagan si Gerald upang matiyak na maayos na ang lahat at nakahanda na ang mga kagamitan upang mahuli ang engkantada.....
"Boss magmadali kayo baka umalis sila!"
"Oo nandito na kami. Ay teka! Sino ba boss dito? Wag mo akong mautus-utusan hah!"
Sumenyas ako sa mga tauhan ko upang bilisan nila ang kanilang kilos.
Patakbo silang lumapit pa sa pinakapusod ng kagubatan.
Nang marating ko ang lugar.
Nabitawan ko ang baril dahil sa gulat.
BINABASA MO ANG
"Engkantada"
FantasyNaniniwala ka ba sa mga Engkanto? Mataas ang porsyento ng mga taong hindi naniniwala rito lalo na't nabubuhay tayo sa mundo ng modernisasyon. Ganoon din ang binatang si France, para sa kaniya ay kahangalan ang paniniwalang mayroong ganoong nilalang...