[Amethyst POV]"Ang iyong ina ang reyna ng kaharian at binitawan ang katungkulan dahil lang sa isang tagalupa!"
Nasa isang lugar siya ngayon na kasama ang kapwa niya Engkantada at mga engkanto.
Lahat ay nakakausap mapahayop man o halaman.
Bigla na lamang silang napadpad sa lugar na sinasabi ng mga kumuha sa kaniya na kaharian ng amandatriya pagkatapos nitong gamitin ang kapangyarihan.
"Matagal ka na naming hinahanap at nang matagpuan ka namin ay palagi ka naming minamatyagan, Amethyst. Nakasisiguro kaming inihabilin ng iyong ina ang kapangyarihan niya at ikaw ay nakatakdang mamuno sa kaharian nating mga engkantada."
"Hindi ko alam," mahinang sagot niya.
"Dito ka na maninirahan at walang makakakitang tao sa atin kailanman!"
Pero... Paano si France?
"Bawal ba akong magpakita kahit sa isang tao lang?" Tanong niya sa mga ito.
"Ang basbas at orasyon ay mangyayari na! Kailangan mong maibalik ang dating sigla ng kalikasan natin at tanging ikaw lang ang makakagawa nito at malaking responsibilidad na ang iyong hahawakan. Ang engkantada ay para lang sa kapwa niya engkanto at natitiyak naming umiibig ka na sa isang tagalupa Amethyst. Hahayaan ka naming makipagkita sa kanya sa huling pagkakataon ngunit hindi mo na siya muling makikita pa." Tumalikod si Asul mula sa kaniya.
Totoo bang umiibig na siya? Ganito ba ang sinasabi nilang pag-ibig? Paano niya nga ba nakilala si France? Bakit ba nabighani siya sa kakisigang taglay nito nang mapadpad sa puno niya? Bakit niya rin kasi ito tinawag gamit ang malamyos niyang tinig? Gusto niyang maiyak! Gusto niyang magwala!
"Mamaya hahanapin ka niya at 'wag ka na ulit makipagkita sa kanya."
Marami ang mga engkantong nasa paligid niya at tila nasisiyahan sa pagdating niya.
Ang kagandahan niya ang nangingibabaw sa lahat. Ang nawawalang prinsesa ng Amandatriya ay sa wakas nagbalik na!
BINABASA MO ANG
"Engkantada"
FantasyNaniniwala ka ba sa mga Engkanto? Mataas ang porsyento ng mga taong hindi naniniwala rito lalo na't nabubuhay tayo sa mundo ng modernisasyon. Ganoon din ang binatang si France, para sa kaniya ay kahangalan ang paniniwalang mayroong ganoong nilalang...