[
[
[Third Person's POV]
"
[France's POV]
"Amethyst?" Nasa harap na ako ng bahay ni Amethyst habang bitbit ko ang mga pagkaing luto ko
"Amethyst andyan ka ba? Buksan mo naman ang pinto oh! Pinagluto pa naman kita ng pagkain oh! Alam mo ba na ito ang unang beses na nagluto ako? Hahah ikaw ang pinakaunang gusto kong tumikim nito eh. Ano ba ito nakakabading."
Napakatahimik ng lugar. Ay baka umalis si Amethyst saglit? Pagkatapos ay babalik din naman pala?
Napaupo nalang ako sa harap ng pinto habang nakasandal ang ulo ko..
"Amethyst..... saan ka ba nagpupupunta? May gusto lang sana akong malaman mo. Mahal na kita!"
Sabi ko habang nakatulala sa kawalan at nasa gilid ko ang pagkaing dala ko.
[Amethyst's POV]
Kasalukuyang nakaharap kami sa isang parang batyang gawa sa bato na kanina ay kumukulo-kulo pa.
Pinaikot-ikot ni Asul ang dalawang kamay sa batya habang nakapikit. May kung anong binubudbod siya rito
At nakita ko nga si France! Nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko siya
Hinahanap niya ako sa gitna ng kagubatan. May dala-dala siyang isang supot
"Amethyst..... saan ka ba nagpupupunta? May gusto lang sana akong malaman mo. Mahal na kita!"
Rinig kong sabi niya habang nakapikit at nakasandal sa pinto ng bahay na ipinatayo ni ama para sa akin. Ngunit hindi ako doon nakatira
Nakapikit parin siya
"Hinihintay niya ako" sambit ko
"Ang mortal bang iyan mahal na prinsesa ay iniibig mo?"
Hindi ako nakasagot. Pag-ibig ba ang tawag sa nararamdaman ko ngayon?
"Maaring hindi niya tiyak Asul. Ngunit mahahalatang, mahal niya nga ang isang mortal na iyan"
Nakatingin lamang ako sa batya
"Amethyst nasaan ka ba. Pinagluto kita oh, pinag-aralan ko pa to. Ikaw ang gusto kong unang makatikim nito. Hay... ewan ko ba hindi ko naman talaga gawain ito. Darn. Nakakabaliw pero mahal kita...for the first time in my life... i fell inlove to a mysterious girl like you..."
Sambit niya... nakatulog siya kahihintay sakin
"Mahal ka pala ng taong iyan mahal na prinsesa"
Nanatili lamang akong nakatingin sa batya na kitang-kita ko kung anong ginagawa ni France..
"Mahal rin kita"
Wala sa katinuang nasambit ko...
"Bawal niyong ibigin ang isa't isa mahal na prinsesa itatali ka na kay Vinaturo, at sabay niyong bubuuin ang inyong pamilya at pananatiliin ang kagandahan at kasaganahan ng ating mundong mga engkantado't engkantada"
Napaluha ako sa isinaad ni Asul... oo alam ko na iyan.. hindi ko mahal si Vinaturo. Di ko kayang bumuo ng pamilya kasama ang isang engkantadong di ko mahal. Si France.........
Siya... siya ang mahal ko...
Napaluha ako sa katotohanang ang pagmamahalan namin ay hindi maaaring ipagpatuloy.. alam kong mahal ako ni France... ngunit hindi ko man lang nagawang ipaalam din ang nararamdaman ko sa kanya..
BINABASA MO ANG
"Engkantada"
FantasyNaniniwala ka ba sa mga Engkanto? Mataas ang porsyento ng mga taong hindi naniniwala rito lalo na't nabubuhay tayo sa mundo ng modernisasyon. Ganoon din ang binatang si France, para sa kaniya ay kahangalan ang paniniwalang mayroong ganoong nilalang...