Mula sa napakagandang panaginip ay nagising si France dahil sa malakas na kalabit at nakabibinging sigaw ng kaniyang ina. Imbes na bumangon ay ibinalot niya ng kumot ang sarili't pilit na tinatakpan ang tainga.
"Anak, puwede ko bang ipaalala kung ilang taon ka na?" Napaismid siya nang marinig ang nakaiiritang tanong ni Teresse---ina niya.
"Pagod ako! Stop bothering me," tatakpan niya sanang muli ang mukha upang hindi sila pansinin at namnamin ang mga sandaling iyon kasama ng makapal na kumot at pangmayamang kama na kasalukuyang humihila ng katawan niya upang huwag bumango.
"Tol, gising na! Aalis tayo nakabihis na kaming lahat at ikaw na lang ang hinihintay!" saad ng kaibigan niyang bihis na bihis na't nangangating makita ang mga babaeng anak kuno ng Kapitan. Naiinis man ay napilitan siyang bumangon at sumama na lamang sa bahay ng Kapitan na may pahanda-handa pa ng kainan.
Nagtungo ang lahat sa garahe kung saan naghihintay ang lolo't lola ni France. Abot langit naman ang tuwa ng mga barkada ni France na sina Brix, Renz at Jake maliban kay Drake na wala namang inteteres masyado sa mga babae katulad ni France.
"Yes! Mga tsika bebe wait for my junjun!" papikit-pikit habang naka-kagat-labing sabi ni Renz.
Napaismid na lamang si France sa inasal ng kaibigan. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarating na sila sa bahay ng kapitan. Isang matandang babae ang sumalubong sa kanila't agad na inihatid sa loob.
"Andito na po sila!" sigaw nito.
"Maupo kayo, buti naman at pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon." nakangiting saad ng kapitan. Nanibago ang limang binata sa paraan ng pakikitungo nito, malayong-malayo kasi sa siyudad na siyang nakasanayan nila. Awkward rin sa kanilang pakiramdam ang paraan ng pagsasalita nito, purong tagalog at bago sa kanilang pandinig.
"Nasaan ba sa limang nagguwa-guwapuhang binatang ito ang iyong anak Teresse?" Palipat-lipat ang tingin ng kapitan sa limang magkakaibigan. Sinusuri kung sino sa kanilang lima ang hawig kay Teresse.
"A, siya nga pala kapitan ito na pala ang anak kong si France. Silang apat naman ay mga kaibigan niya," pagpapakilala ni Teresse.
"Magpakilala kayo mga apo!" natutuwang saad ng lolo ni France habang sarap na sarap sa pagsubo ng letsong manok.
"Sige po." Magalang na pagsang-ayon ni Drake.
"Bago kayo magpakilala, tatawagin ko muna ang mga anak ko."
"Tamang-tama 'yan kapitan."
"Ida! Papuntahin mo dito ang mga anak natin," utos ng kapitan sa kaniyang asawa.
"Oo, andyan na!"
Tahimik na kumakain si France at halata sa ekspresyon nito ang pagkainip. Dahil sa pagod ay hindi nakatuon ang kaniyang pansin sa paligid at hindi namalayan ang pagtawag ni Teresse sa kaniya. Dismayado ito sa inaasal ni France.
"France!" tawag ni Teresse sa anak. Nang tingnan ni France ang inay galit na galit ang ipinupukol nitong mga tingin. Habang ang kaibigan niya'y napansin niyang manghang-mangha sa tatlong dalagang anak ng kapitan.
"Ako nga pala si Lesa, ang nakatatandang kapatid nitong sina Fey at Cath." Nakangiti nitong sabi habang hinahawi ang buhok.
"Ako nga pala si Renz ang, pinakagwapo sa aming lima." Nabilaukan si Brix dahil sa sinabi ng kaibigan niyang si Renz. Kahit kailan talaga.
"I'm Drake, nice meeting you girls." Tipid na ngiti ang ibinagay nito.
"Brix nga pala! Napakaganda ninyo."
"Maraming salamat," sambit ni Fey sa nang-aakit na paraan.
"Ako nga pala si Jake mga binibini," pagpapakilala ni Jake at walang pagdadalawang isip na hinalikan ang kamay ng dalagang si Cath.
Kinulit ng tatlong dalaga si France upang magpakilala. Halata sa mga inaasal nitong ang nanahimik na si France ang kanilang nagustuhan. Nang hindi ito pansinin ni France ay agad siyang pinagsabihan ng lolo niya.
"I'm France." Mahina, subalit may diin niyang saad.
"France!"
"What?!"
Humingi na lamang si Teresse ng pasensiya sa Kapitan at sinabing pagod lamang ang anak niya kaya wala itong ganang magsalita. Mabuti't naintindihan naman ng Kapitan. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaalam si France na lumabas muna, ngunit hindi nila ito narinig. Hindi niya na hinintay ang sagot at tuluyang umalis.
Napadpad siya sa likod-bahay ng Kapitan. Bungad sa kaniya ang isang napakadilim at mapunong lugar. Nakapangingilabot ang bawat paghaplos ng hangin sa kaniyang mga balat. Tila hinihila siya upang suungin ang kagubatang ngayon niya lang nakita.
BINABASA MO ANG
"Engkantada"
FantasyNaniniwala ka ba sa mga Engkanto? Mataas ang porsyento ng mga taong hindi naniniwala rito lalo na't nabubuhay tayo sa mundo ng modernisasyon. Ganoon din ang binatang si France, para sa kaniya ay kahangalan ang paniniwalang mayroong ganoong nilalang...