12.9-Vacay Together!! pt.3

793 45 1
                                    

AGA's POV

Shet! Nasaan na ba si Lea? Kanina pa ako naghahanap. Its almost 7 pm in the evening. I wont eat and sleep kung hindi ko pa nahahanap si Lea. Kasalanan ko to e! Posha!

Kung saan-saan na ako nakapunta at may nakita akong bar. Hay nako, iinom na lang muna ako ng konti tapos bukas ko na lang hahanapin si Lea ulit. Its quarter to 9 na. Im sleepy.

*lakad lakad

Andito na ako sa bar. Nag-order ako ng wine. Maya-maya pa, dumating na yung order ko. Nag-sip ako ng konti at tiningnan ko yung bawat sulok ng bar. Nagtaka naman ako kung bakit maraming lalaki ang nagkukumpulan sa gitna ng dance floor. Kaya, nagtanong ako sa bartender.

"Uhm, brad, anong meron diyan sa gitna? Bakit parang may pinaguguluhan sila diyan?"

"Ahh. Kasi po may babaeng maganda diyan. Eh, sobrang lasing na nga po ng babae. Ewan ko po, mukhang pinagtri-tripan nga po nila yung babaeng maganda." sabi ng bartender.

"Uhm, pwede bang matanong kung ano ang suot ng babae?" tanong ko. Kinutuban ako e.

"Naka-pink po siya na two piece at parang may silk white na cover-up." sabi niya. Oh sh*t! Ganun yung suot ni Lea.

Agad akong pumunta sa gitna ng dance floor na kung saan nagkakagulo yung mga lalaki. Ng nakalapit na ako, pucha! Hindi ako nagkamali! Si LEA nga yung pinagkakaguluhan nila. Lahat sila sumasayaw ganun din si Lea. Yung isang lalaki naman nakahawak sa hips niya. Potek!

Hinila ko kaagad si Lea palayo dun sa mga kumag na yun.

"Hey!" sabi ng lalaki na nakahawak sa hips ni Lea kanina. Hindi ko siya pinansin. Hinawakan niya yung braso ni Lea pero hinila ko ulit si Lea palapit sa akin.

"Hoy! Saan mo dadalhin yan?! Chicks namin yan e!" sabi niya. Langya to a!

BOOOGGSSHH!!

Ayun! Hindi ko na napigilan! Nasuntok ko!

"Dont you ever try to flirt MY GIRLFRIEND! All of you!" sabi ko sa sobrang galit. Wala na akong paki-alam kung ano man ang sinabi ko.

"Your Girlfriend? Really?" sabi niya at *SLAP*. Nagulat naman ako kasi bigla siyang sinampal ni Lea. Naghahanda kasi yung lalaki na suntukin ako kaso bigla siyang sinampal ng babaeng amazona na'to.

"Dont you dare hurt MY BOYFRIEND!" sabi ni Lea. Kahit lasing, naka-tiger look parin siya dun sa lalaki.

Nagkamali yata kami ng moves ni Lea. Ako sinuntok ko yung lalaki, siya sinampal niya. Uh-oh! Marami pala ang kasama nitong lalaking nasampal at nasuntok namin. Ayun, parang naghahanda silang resbakan kami. Umatras ako ng konti habang hawak ang braso ni Lea.

*gulp*

"What?! You wanna fight?! Come, fight with —" waaaahh! Takbo! "wait, where are you going? Im ready to fight those frogs! Ive been practicing taekwando ever since. Yaaah!" sabi ni Lea habang nag-pose pa ala Jet Li. Baliw talaga to! Uwaah! Hinahabol kami ng mga lalaki! Nakalabas na kami ng bar. Takbo lang kami ng takbo.

"Ano ba? Bakit ka tumatakbo?! Natatakot ka sa mga kumag na 'yon?!" sabi niya habang tumatakbo pa rin kami. Hinihila ko kasi si Lea sa kamay para makatakbo siya ng mabilis. Lasing kasi e. Holding hands while running trying to run away from those who were chasing.

"Ang dami kaya nila! Hindi mo kaya yun!" sabi ko habang tumatakbo at naghahanap ng matataguan.

"Eh bakla ka pala e. Bakla ka kasi-" pinutol kong sabi ni Lea dahil tinakpan ko yung bibig niya at nagtago kami sa isang puno. Hingal na talaga ako. Inhale, exhale.

Let Me Be The One (LeAga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon