AGA'S POV
I woke because i feel something heavy on top of me. When i open my eyes, i saw Lea hugging me while sleeping on top of me. Gumalaw ako ng konti at... Opss! Nagising siya. Una nginitian niya ako pero...
"Waah! Walang 'ya ka Aga! Anong ginawa mo sa'kin?! Ahhh!" bigla na lang siyang bumangon at ayun sumigaw sabay hampas sa akin.
"Ano ka ba?! Ikaw kaya itong may ginawa sa akin! Nagising na lang ako na nakapatong ka na sa 'kin!" sabi ko.
"Huuhh!!" teka, umiiyak siya?! "Hindi na ako virgin! Huuuhh! Walang 'ya ka! Papanagutan mo ang bata!" sabi niya at umiyak na parang batang inagawan ng kendi.
"Teka, may nangyari ba sa 'tin? Nag... Y-you know ba tayo?" tanong ko.
Napa-isip muna siya bago nagsalita.
"Ang naalala ko, natulog lang tayo kahapon at may one pillow boundary pa nga tayo e. Wala namang nangyaring, y-you know." sabi niya.
"Hindi naman tayo nakahubad parehos. Siguro natulog ka lang talaga sa ibabaw ko." pag-eexplain ko sa kanya.
"Ganun ba 'yun?" sabi niya at pinunasan ang luha niya. "Eh bakit ako nakapatong sayo?" tanong niya.
"Ewan ko? Nag-eexplore ka siguro kung tulog." sabi ko at tinitingnan niya lang ako.
"Anong tinitingin mo sa akin?" tanong ko. Umiling lang siya at lumabas.
"Saan ka pupunta?" ani ko at sinundan siya.
"Magluluto ng breakfast!" sigaw ni ni Lea.
Nagluto na siya ng breakfast namin at ako naman, pinapanood lang siya. Mga ilang minuto pa at natapos na rin siya sa pagluluto.
Kumain na kami ng breakfast sabay kwentuhan at tawanan.
"Anong kaya ang pwedeng gawin natin? Yung pwedeng paglibangan.
sabi ko sabay subo ng kinakain ko.
"Uhmm. Magmovie marathon tayo sabay kain ng ..." sabi niya sabay punta ng ref at may kinuha siyang , ewan.
"Ice cream!" sabay na sigaw namin.
"Anong flavor?" tanong ko sa kanya.
"Excited ka talaga ha! Pili ka. Rocky Road o Belgian Chocolate?" tanong niya sabay alsa ng dalawang ice cream na nasa tupperware.
"Walang cookies and cream?" ako.
"Eh, naubos ko na e. Nung isang araw pa. Hehehe. Favorite ko kasi yun e." Lea. Ahh. Wala nang cookies and cream. :(
"sige na lang. Belgian chocolate na lang." sabi ko sabay turo ng belgian choco ice cream.
"Ahh wala na! Akin to e!" sabi niya sabay yakap sa ice cream.
"Eh bakit sinama mo pa yan sa pagpipilian ko kung hindi ko naman pwedeng kainin?" tanong ko sa kanya.
"Ehh. Nakapili na ako e." sabi niya sabay pout.
"Ang daya mo! Pero ito, para fair, share na lang tayo sa dalawa." sabi ko at tumango lang siya.
Pumunta na kami sa parang cinema room ng bahay niya. Mayaman tong batang to! May malaking sofa sa harap ng isang malaking tv screen.
"Anong movie?" sabi niya habang naghahanap ng tapes sa isang mediun size box. Pumunta ako sa kanya at tumulong sa paghahanap.
"Mr. & Mrs. Smith!" sabay na sabi naming dalawa at nagtawanan.
"Balang araw gagawa rin ako ng pelikula tulad niyan. Mr. & Mrs. Muhlach. Tapos ikaw yung leading lady ko." sabi ko sabay upo sa sofa.
"As if papayag ako." sabi niya sabay play ng movie. Umupo na siya sa sofa at tumabi sa akin.